"Why do I always find you here?" Tanong niya sa akin at puno ng pag-aalala ang mukha niya. Parang katulad ng dati ay agad kaming nakalabas sa kagubatan katulad noong nakaraan, sa isang pikit mata ko lang ay agad kaming nakalabas sa kagubatan. "Panaginip lang ba talaga ito?" hindi ko alam ba't lumabas sa bibig ko ang tanong na ito. Nakita ko ang pagkabigla ng mukha niya pero agad iyong nawala sa mukha niya na parang walang nangyari. "Yes, this is just a dream Cahya. How could this be true?" tugon niya sa akin pero kitang-kita ko sa mga mata niya na kabaliktaran ng sinasabi niya ang totoo. Nakikita ko din ang awa at simpatya sa mga mata niya ngayon. Panaginip lang ang lahat ng ito diba? Panaginip lang ito dahil hinfi totoong ako ang may gawa kaya nagkaganoon si Janus. Bumilis ang t***

