"Saan pala kayo pupunta sa kabilang bayan banda?" tanong ni Lucas, hindi ako nagsalita at tumingin lang sa labas ng bintana ng kotse. "Pupunta lang kami sa isang shop para sa gown ko." Biglang sagot naman ni Sab. Kanina pa silang dalawa nag-uusap at kahit ako ang tinatanong ni Lucas ay si Sab ang sumasagot. Alam na kasi ni Sab na hindi ko bubuksan ang bibig ko. "Para ba iyan sa prom?" napansin ko ang interes sa boses ni Lucas. "Oo," agad naman na sagot ni Sab habang ako ay nanatiling nakatingin lang sa labas at walang choice kundi makinig sa usapan nila. "Ah kaya pala, si Cahya din ba magsusukat ng gown niya?" Tanong ni Lucas. "Hindi e, may gown na ata siya, binili ng kapatid niya." Mabilis na sagot ni ni Sab na updated na updated sa nangyayari sa akin. Si Nanay na naman siguro ang n

