"Hoy, andyan na naman si Lucas." Siniko ako ni Sab na hindi ko lang pinansin. Diretso lang ang tingin ko sa daan habang naglalakad kami ngayon palabas ng eskwelahan kasi tapos na ang klase namin. "Hi Lucas." Bati ni Sab kay Lucas ng makalapit kami sa may kinakatayuan niya ngayon. Dahil ayoko naman magmukhang sobrang sama ay napilitin akong ngumiti ng kaunti bilang pagbati sa kanya. "Hi Sab and Cahya," Bati niya sa aming dalawa. Nakacasual ang suot niya ngayon at wala siyang dala na saksakyan hindi katulad noong mga nakaraan. Nitong mga nakaraang araw ay parating nakakasama namin si Lucas, minsan nakikita ko na siyang nauunang nakaupo sa mesa na inuupuan namin na may dalang mga pagkain o kaya pag free time namin at pumupunta kami ng library ay nandoon din siya. Malakas ang pakiramdam k

