Chapter 16

1558 Words
"Pinag-alala mo ako." Mahina niyang sambit habang papalapit siya sa akin. Kahit nasa panaginip ako ay hindi ko mapigilang kiligin sa sinabi niya pero hindi ko iyon pinahalata masyado pero nakangiti talaga ako ngayon. Hinawakan niya ang dalawa kong kamay, nakita niya na ang isa kong braso lang ang may bahid ng dugo at nangingitim. Napakislot ako ng iniangat niya ang kamay ko na duguan. Ngayon ko lang napansin na masakit pala talaga ang ginawa sa akin ng nilalang kanina. Para talagang totoo ang panaginip na ito dahil ramdam na ramdam ko ang sobrang sapdi at sakit ng braso ko. At kadalasan ang panaginip ay hindi malinaw pero itong panaginip ko ay daig pa ang high definition sa linaw. "Nalingat lang ako saglit ay nanganib na agad ang buhay mo." Napabuntong hininga siya habang tinitignan ang sugat ko. Napakunot naman ang noo ko habang nakatingalang nakatingin sa kanya, ang galing talaga ng panagip ko gumawa ng scene. "Masakit ba?" Tanong niya sa akin. Mabilis akong umiling kahit napapakislot ako pag-ginagalaw niya ang braso ko. "Liar." Mahina niyang sambit habang nakatingin pa din sa sugat ko. Maya-maya lang ay itinaas niya ang kanyang kamay at may lumitaw na punyal roon na kinamangha ko. Nakasunod lang ang tingin ko sa bawat galaw niya, nanlaki ang mga mata ko ng bigla niyang hiwain ang palad niya. Pagkatapos ay biglang nawala ang punyal sa kanyang kamay na parang bula. "A-anong gagawin mo?" Nagtataka kong tanong pero hindi niya ako sinagot. Pinatulo niya ang dugo sa braso ko. Isang patak lang ng dugo niya sa balat ko ay agad na bumalik sa normal ang balat ko na parang walang nangyari. "Please be careful next time." narinig kong sabi niya habang ginalaw-galaw ko ang braso ko. Wala na talaga ang sakit, sabagay panaginip naman ito kaya hindi na nakakabigla kung anong kapangyarihan niya. "Thank you, kahit na panaginip lang ito tinulungan mo na naman ako." Nakangiti kong sabi sa kanya. Ngumiti lang din sa akin Mr. Alterio at hinawakan ang kamay ko. At napansin ko na lang na nakalabas na kami ng kagubatan, bumalik kami sa may bangin kung nasaan ako kanina. "I hoping of not seeing you in this place, again, Cahya." Malamlam ang mga mata n'ya habang nakatingin sa akin. Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Huh? Bago pa ako makasagot ay naibuka ko na ang mga mata ko at nahanap ko muli ang sarili ko sa sarili kong kama. At habang nakatingin ako sa kisame ng kwarto ko ay hindi pa din nawala sa isipan ko ang napagdaanan ko sa panaginip na iyon. "Ang pogi niya pa din sa panaginip ko." Nangingiti kong sambit. Sobrang dilim pa sa paligid kaya ibig sabihin ay maaga pa. Napatingin ako sa alarm clock na nasa tabi ng higaan ko. Glow.in the dark ang orasan ko kaya nakikita ko ngayon na mag aalas tres na pala ng umaga. Muli kong sinara ang mga mata ko para muling matulog ngunit hindi na ako dinalaw ng antok. Kinumutan ko ang sarili ko hanggang ulo habang nagingiti pa din. Urgh, jusko crush ko lang naman si Mr Alterio pero grabe ang epekto niya sa akin. Para siyang drugs, lalo akong naaadik. At patagal ng patagal ay lalo akong nalululong. Hindi ko na lang namalayan na kakaisip tungkol kay Mr. Alterio ay nakatulog din ako ng mahimbing. "SISTERET!" MALAKAS na sigaw ni Sab. Nangingiting umiling na lang ako habang pinagbubuksan ng gate si Sab na ngayon ay nakasuot ng dress at flat shoes. Halatang-halata na may dadaluhan na kainan kasi may dala pang pa isang basket ng prutas at sa kabila n'yang kamay ay isang magandang paper bag, siguro regalo n'ya sa akin. "Happy Birthday!" Agad kong kinuha sa kabila niyang kamay ang prutas. "Thanks, Sab. Nag-abala ka pang magdala ng prutas," Sabi ko naman. Naglakad na kami papasok ng bahay. "Si Mama kasi, bumili s'ya nito kahapon sa palengke para daw may ibigay ako. E may regalo na nga ako sayo," si Sab. "Nga pala ba't hindi mo kasama si Tita at Tito?" tanong ko naman dahil gindi kasama ni Sab ang mga nagulang niya. Malapit din kasi na kaibigan ng mga magulang ko ang magulang ni Sab. "Iyon na nga, ito daw regalo nila. Kailangan kasi nilang pumunta sa Maynila, may aasikasuhin lang daw." Binaba ko na ang dala ni Sab sa mesa sa may sala. "Ah, o siya. Sa kwarto na muna tayo kasi nagluluto pa si Nanay. Ang aga mo pumunta dito," natawa naman si Sab sa sinabi ko. Sumiretso na kami sa hagdanan ng makita namin si Kuya Jayson na pababa ng hagdanan. "Hi Kuya!" bati ni Sab. "Oy, ikaw pala 'yan Sab." Nakangiti namang sabi ni Kuya na mukhang bagong gising lang dahil sobrang gulo pa ng buhok nito. Pumasok na kami sa kwarto ko at agad na naman naupo sa kama ko si Sab. Inabot niya sa akin ang dala niyang paper bag. "Gift ko," si Sab. "Thanks again, Sab." Naupo na rin ako sa kama at agad na binuksan ang paper bag. Agad akong napangiti ng makita ko na libro ang binigay sa akin ni Sab. "Daughter of the Night?" sambit ko sa title ng story ng libro. "Iyan na ang binili ko kasi mukhang maganda 'yong story. Ang ganda kasi ng book cover at synopsis." Napailing na lang ako sa sinabi ni Sab. Ano pa bang eexpect ko sa kaibigan kong hindi mahilig magbasa ng libro? "Mukha siyang maganda," pagkomento ko na din dahil amaganda naman talaga ang cover ng libro at mukhang mamahalin. Binaliktad ko ang libro at binasa ang synopsis. "Babasahin ko ito mamaya," dagdag ko. "Alam ko naman mahilig ka sa ganyan, make up sana ibibigay ko kaso alam kong di mo naman gagamitin kaya sayang lang." Gumulong gulong si Sab sa kama ko na para bata. "Buti alam mo." Natatawa kong sabi sa kanya. Mabilis na lumipas ang oras at sumapit ang lunch time. Simpleng handaan lang ang nangyari at si Sab lang ang bisita namin kasi wala naman akong ibang close na kaibigan bukod sa kanya. "Anak, gift namin ng Itay mo." Nabigla naman ako ng inabot sa akin ni Nanay ang isang malaking box na nakabalot ng gift wrapper. "Nay nag-abala pa kayo." Kinuha ko ang box habang nakangiti. Ayos lang naman sa akin kung walang regalo sila Nanay at Tatay kasi wala naman akong gusto talagang bagay o kung ano. "Ito ang akin, my sister." Nilabas naman ni Kuya sa likuran niya ang isang maliit na box na naka gift wrapper din na pareho sa wrapper ng regalo nina Nanay. Natawa naman ako kasi halatang si Kuya ang nagbalot ng mga regalo nila. "Thank you, Kuya. Kala ko binarat mo ako." Natawa naman sila sa akin. "Buksan mo na, dali," excited naman na sambit ni Sab na kulang na lang siya ang magbukas. Nasa sala na kami ngayon dahil kakatapos lang namin kumain. Katabi ko si Sab na curious na curious kung anong laman ng mga box. Una kong binuksan ang regalo nila Tatay at Nanay sa akin. Nanlaki ang mata ko dahil box ng laptop ang sumalubong sa akin. "Nay, napakamahal nito. Dapat hindi niyo na ako binilhan." "Anak, kesa lumabas ka pa at oumunta sa computer shop. Mas mapapanatag kami ng Nanay mo kung dito ka na lang sa bahay para gawin ang mga assignments mo." Tumango naman si Nanay sa sinabi ni Tatay. "Salamat po," wala na ako nasabi kasi tama naman sila. Lalo na pag nagcollege ako mas kailangan ko ng laptop para sa mga assignments at projects. Binuksan ko na din ang regalo ni Kuya at agad kong nakita ang box ng cellphone. "Ay taray, latest version ng iphone," komento ni Sab. "Birthday at graduation gift ko na iyan." Habol na sabi ni kuya na kinatawa namin. "Salamat kuya, may cellphone pa naman ako" sabi ko. "Oo di keypad tapos di mo pa ginagamit," sabat ni Sab. Sinamaan ko ng tingin si Sab. "Naku Tita, mas okay na may bagong cellphone si Cahya para mabilis tawagan." Dugtong na sabi ni Sab kay Nanay na tumango din. Pagkatapos ko mabuksan ang mga regalo ay nagdaldalan pa kami, pero more on si Nanay at Sab lang talaga ang nag-uusap habang si Tatay at Kuya ay nanobood ng basketball sa telebisyon. Mga hapon na ay pumanhik na ako sa kwarto at sumunod naman sa akin si Sab. Pag ganitong natambay si Sab sa bahay ay hanggang mamayang gabi na. "Cahya, bukod sa mga libro natin sa school ay napansin kong nahilig ka sa romance novels ngayon. May nagugustuhan ka na ngayon no?" Nanlaki ang mata ko habang nakatingin sa kanya. Agad akong tumikhim at naupo sa kama ko. "Paano mo naman nasabi?" mahina kong sambit. Nahahalata ba ako ni Sab? "Napansin ko lang," simpleng sabi ni sab sa akin. "Jusko, nahihiya ka pa sakin. Normal na magkagusto sa isang tao, Cahya. Lalo na teenager tayo." Pag-eexplain ni Sab na ngayon ay nakaupo na sa may ulunan ng kama at hawak hawak ang hotdog kong unan. "So meron nga?" Muling tanong ni Sab, habang ako ay natahimik na lang sa gilid. "Crush lang naman." Pakiramdam ko ay namumula ang byong mukha ko ngayon. "I knew it," napalakpak na sabi ni Sab. "Si Mr. Alterio?" "Alam mo?" Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin kay Sab. "Baka nakalimutan mo Chay, bestfriend mo ko kaya mapapansin ko talaga tsaka halata ka kaya," kibit balikat na sabi ni Sab sa akin. Pakiramdam ko ay namula ang buong mukha ko kaya kinuha ko ang isa kong unan at tinakpan ang mukha ko. "Halata pala ako? Paano na lang kung nakahalata na din siya?" Nagugulantang kong tanong kay Sab. Jusko po, wala akong mukha maihaharap kung alam na nga ni Mr Alterio na crush ko siya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD