Chapter 49

2342 Words

"Nagkita na ba kayo uli ni Lucas?" tanong sa akin ni Sab sa akin. "Hindi, bakit?" tanong ko. Napatango naman sa akin si Sab at halatang may gusto pang sabihin sa akin. Kumunot ang noo ko ng hindi pa din nagsasalita si Sab, nakatingin lang siya sa akin at tinataas-taas ang kilay niya. "Anong meron kay Lucas?" tanong ko muli sa kanya. "Nakausap ko siya noong nakaraan, hindi daw siya makalapit sayo dahil parati kang may kasama," turan ni Sab. Inikot ko ang mga mata ko ng marinig ko ang huling salitang sinabi niya. "Hindi ko siya makita nitong mga nakaraang araw baka busy lang siya." Simple ko namang sagot kay Sab.  Hindi ko maikakaila na halos si Hadeon na ang kasama ko sa araw-araw dahil siya lang naman ang naging malapit kong kaklase at lahat ng subjects ay pareho kami. "Hindi ka nga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD