Chapter 44

1326 Words

Unti-unti kong binuka ang mga mata ko, agad akong napamulat dahil napansin kong natutulog ako ngayon sa armchair ko. "Mabuti naman na gising ka na," narinig kong turan ni Hadeon sa tabi ko. Agad akong napalingon sa kanya at muli akong napatingin sa loob ng classroom namin. Kumunot ang noo ko dahil ang huli ko lang na naalala ay kasama ko si Sab sa cafeteria. "Kanina pa ba akong tulog?" naguguluhan kong tanong kay Hadeon. "Oo," sagot niya sa akin habang nakatitig ng seryoso sa mukha ko.  Hindi ko alam bakit ganoon siya makatingin sa akin pero hindi ko na siya pinansin at inayos ko na lang ang aking sarili. Paniguradong magulo ang kulot kong buhok at ang mukha ko. Habang nagsusuklay ako ay hinahagilap ko pa rin sa utak ko ang nangyari sa akin, paanong hindi ko maalala pagkatapos noong

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD