"Kailangan mo ba talagang gawin ito, Mahal na hari?" tanong ni Laron sa akin. Hindi ko na binigyan ng pansin ang tanong ni Laron sa akin, hindi na magbabago ang isip ko tungkol sa desisyon ko. "Mas madali ko siyang mababantayan pag nasa tabi ko siya." Mahina kong sabi habang sinasalinan ko ang sarili kong baso ng alak na ginawa dito sa mundong ilalim, wala namang nagiging epekto sa akin kahit ang alak na gawa dito sa mundong ilalim, nasanay na lang akong ito ang iniinom ko dito sa palasyo. "Mahal na hari, marami na po kaming nagbabantay kay Cahya, sisiguraduhin po naming walang mangyayari sa kanya--" Hindi na natapos si Laron sa pagsasalita dahil narinig niya ang pagbagsak ko sa botelya ng bote sa mesa. Alam kong hindi sang ayon sa desisyon ko sila Laron lalo na ngayong tinitignan ng m

