Napatingin ako kay Hadeon na ngayon ay nakiki-share ng libro sa akin. Bakit ba hindi dinadala ng lalaking ito ang sarili niyang libro? "Next page," narinig kong bulong niya sa akin. Kumunot lang ang noo ko habang nakatingin sa kanya. "Next page na," muli niyang bulong sa akin habang nakangiti. Bago pa ako makakilos ay siya na mismo ang nagpalit ng pahina ng libro. Bigla kong binaling ang tingin ko sa libro at napailing. Ano bang nangyayari sa akin? Pinilit kong ituon ang sarili ko sa klase na lang at hindi na pinansin si Hadeon. Pinilit kong makinig sa sinasabi ng Professor namin lalo na't major subject namin ito. Ako lang ata ang hindi nakafocus sa klase ngayon, napansin ko lahat ng kaklase ko ay nagnonotes sa lahat ng sinusulat at sinasabi ng Professor namin samantalang ako ay ay nas

