"Cahya?" napatayo at napalingon ako kay Kuya Jayson na ngayon ay may pagtataka sa mukha niya. Napahakbang ako palayo habang nakatingin kay Kuya at sa tanim na ngayon ay namumulaklak pa. "Anong nangyari sayo?" tanong ni Kuya habang nakakunot ang tingin sa akin. "Wala kuya, ahh- akyat lang ako sa kwarto." Nagmamadali akong pumasok sa bahay at iniwan si Kuya na nakatingin sa akin. Nakasalubong ko si Nanay na palabas na din ng bahay. "O bakit papasok ka na?" tanong ni Nanay sa akin pero hindi ko na siyang nagawang sagutin, dire-diretso akong pumanhik sa hagdanan papunta sa kwarto ko. Nanghina ang katawan ko na naupo sa kama ko, napabuntong hininga ako at napasara ng mata. "Siguro guni-guni ko lang iyon." Napailing ako at nahiga, habang nakahiga ay nakaramdam ako ng kunting pagkahilo. Isina

