Agad kong inikot ang paningin ko pagkapasok ko sa auditorium, napakalawak pala ng nasa loob. At talaga namang kasya ang lahat ng nagsisipasukang estudyante. Hindi ko inaasahan na napakadami ng bilang ng accountancy students, marami din ako nakitang pamilyar na mukha ng mga kaklase ko dati na accountancy din pala ang kinuha na kurso. "Hi Cahya." Napalingon ako sa bumati sa akin na isa sa mga dati kong kaklase babae na ginantihan ko lang ng ngiti. "Accountancy din pala ang napili mong kurso. Sige, pasok na kami." Pagpapaalam niya sa akin kasama ang ibang mga kapwa naming estudyante na halatang mga kaibigan ng babae. Naglakad na sila papunta sa unahang upuan. Ngayon ko lang napagtanto na mag-isa na lang pala ako kasi nasa orientation day ng nursing department si Sab. Napabuntong hininga a

