"Hala nakalimutan kong kunin iyong form sa accounting office." Biglang turan ni Sab sa akin na kinalingon ko naman sa kanya. "Kunin mo na antayin na lang kita rito sa gilid." Agad namang tumango si Sab at mabilis na naglakad pabalik sa accounting office. Naglakad ako sa pinakamalapit na bench at naupo. Pinatong ko muna ang dala kong bag at napatingin sa harap kung saan may fountain. Halatang hindi pa nalilinis ang fountain dahil mapusyaw na berde na ang kulay ng tubig. At nakapalibot rito ay mga pananim na halatang hindi rin nabibigyan ng pansin. Napalingon ako sa mga estudyanteng pare-parehong mga busy at mukhang nagmamadali. Ngayon kasi ang first week of enrollment para sa kolehiyo, nagmamadali silang matapos agad ang pag eenroll nila. Napabuntong hininga ako, ang bilis ng araw at i

