Halika ka na Chaya," pag-aya ni Hadeon sa akin sabay hawak sa kanan kong kamay. Hinila niya ako papalayo sa tatlong lalaki na halata ang takot sa mga mukha nila habang nakatingin sa aming dalawa. Bakit parang sobrang takot naman ata nila kay Hadeon? Hindi ko na masyadong nabigyan ng pansin ang tatlong lalaki dahil mabilis akong nahila ni Hadeon. Habang dala-dala ko ang ibang gamit sa isang kamay ko ay bitbit din ni Hadeon ang iba kong mga gamit na kinuha niya sa tatlong lalaki. Ang isa niyang kamay ay mahigpit na nakahawak sa isa kong kamay, kaya wala akong nagawa kung sundan ang tulin ng paglalakad niya. "Teka, saan ba tayo pupunta?" tanging tanong ko habang nakatingin ngayon sa kamay na mahigpit na nakahawak sa akin ngayon. Parang walang plano si Hadeon na bitawan ang kamay ko sa kal

