"O saan ka pupunta?" tanong ni Hadeon sa akin. Nakatayo ako ngayon sa tabi ng pinto ng kotse ni Hadeon samantalang siya ay nakatayo malapit sa direksyon ng malaking puting mansyon. "Huh? Akala ko uuwi na tayo?" iyan ang tangi kong naitanong. Ang buo kong akala ay iuuwi na niya ako dahil tapos na niya ipakita sa akin ang magandang tanawin kanina. "Tara, pasok ka sa loob. Nagugutom ka na diba?" Pag-aanya niya sa akin pero agad na sinamaan ko siya ng tingin ng may bahid na naman ng ngiti ang labi niya na parang niloloko niya ako dahil narinig niya ang pag-iingay ng tiyan ko. "Urgh," wala na akong nagawa kundi ang sumunod, napatingin ako sa kotse kung saan nandoon ang mga kagamitan ko. Paniguradong hindi na naman ako makakauwi dahil wala naman akong masasakyan dito at ayokong lakarin ang da

