"Asan si Kuya, 'Nay?" tanong ko habang nginangata ang piniritong saging ni Nanay bilang agahan. "Nagpaalam kaninang maagang-maaga na luluwas daw ng Maynila. Improtante ata, siguro sa trabaho niya." Tugon ni Nanay habang naglalagay ng saging sa plato ni Tatay. Pangalawang araw ko ng hindi nakita sa bahay si Kuya mula ng gabing sinabi ko sa kanya ang panaginip ko. Napailing ako ng ulo, siguro hindi naman iyon konektado sa pagluwas niya sa Maynila. Kailangan ko na ding alisin sa utak ko ang napanaginipan ko, isang panaginip lang iyon. At kahit kailan ay hindi iyon magkakatotoo. "Buong akala ko dito na lang siya sa lugar natin magtratrabaho," si Tatay. Napatingin naman ako kay Tatay na tumusok na ng saging at humigop ng mainit niyang kape na nasa tasa. Kahit ako ay iyon din ang naiisip,

