Chapter 36

1232 Words

"Sigurado ka bang ayaw mong ihatid kita?" turan ni Lucas habang nakasunod siya sa akin. Kanina niya pa ako kinakausap pero hindi ko siya pinapansin. Naalala ko pa ang ginawa niya noong prom namin. "Ayaw mo talagang ihatid kita? Alam mo delikado pa naman sa daan ngayon," sunod sunod niyang turan sa akin. Halata na wala aiyang pakialam kahit hindi ko sagutin. Napaikot na lang ang mga mata ko. Sa sobrang daldal niya at sa kakasunod niya sa akin ay parang naihatod na din niya ako dahil malapit na kami sa bahay ko. "Pwede ba wag kang sunod ng sunod sa akin," tumaas ang gilid ng labi ko at tinignan siya ng masama. "Diba college ka na, ba't parang di ka nag-aaral?" Tinignan ko siya pataas pababa. "Grabe ka naman, syempre nag-aaral ako. Ako pa ba," puno ng pagmamayabang niyang sabi sa akin. "

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD