"Ayos ka lang ba?" natatawa kong tanong kay Sab na lupaypay kung maglakad. Kakatapos lang ng final exam namin sa pangalawang subject at iyong si Sab ay parang ubos na agad ang enerhiya. Sinamaan niya ako tingin at ngumuso. Lalo namang lumakas ang tawa ko dahil sa aksyon niya. Inabutan ko siya ng maliit na pakiti ng chuckie na agad naman niyang kinuha. Exams week kasi namin ngayon, isang linggo na ang nakakalipas ang nagdaan mula noong prom namin. Bago pa ang prom namin ay sinabihan ko na si Sab tungkol sa final exams namin. Ayoko kasing nagagahol siya sa pag-aaral. "Pagod na ako, pakiramdam ko wala na akong maisasagot mamaya." Napabuntong hininga niyang sabi sa akin. "Kaya mo iyan panigurado namang nag-aral ka kagabi kasi halata sa eyebags mo," natatawa kong sabi sa kanya. Napa-tss lan

