“BAKIT gano’n, ‘Nay, ‘Tay?” umiiyak na tanong ni Eli, “Bakit kailangang gawin nila sa inyo ang bagay na iyon?” Tanging hagulgol lang nga dalaga ang maririnig sa parteng iyon ng sementeryo. Walang bang tao roon maliban sa kanya at ngunit tila maging ang katahimikan ay ramdam ang sakit na nararamdaman niya sa mga oras na ito. Walang ibang nararamdaman ngayon ang dalaga kung hindi sakit, lungkot at sama ng loob matapos malaman ang katotohanan sa likod ng pagkawala ng kanyang mga magulang. Matapos ang naging pag-uusap nila ni JC ay dumiretso si Eli sa sementeryo at doon inilabas ang sakit na kanyang nararamdaman. “Bakit ang aga niyong kinuha sa akin? Bakit ang aga niyo akong iniwan, ‘Nay, ‘Tay?” Punong-puno ng hinagpis ang bawat salitang lumalabas sa bibig ng dalaga. Wala na siyang paki-al

