KASALUKUYANG nanananghalian ang apat na magkakaibigan sa cafeteria ng kompanya. Masayang nagkukuwentuhan sina Jackie, Cindy, at Yanna habang si Eli naman ay tahimik lamang na nakikinig sa kanila habang kumakain ng biniling pagkain. Kinuha kasi ni Jayden ang baon niyang pagkain kanina at binigyan na lamang ng pera upang makabili ng kakainin niya ngayong lunch. And speaking of the devil. Hanggang ngayon ay namumula pa rin ang kaninang minarkahan ng binata sa parteng iyon ng kanyang leeg. Ilang beses niya itong tinapalan ng concealer ngunit tila habang tumatagal ay nagiging malinaw na ang kulay pulang kinagat ng binata kanina. Hindi alam ni Eli kung ano ang mararamdaman niya sa ginawang iyon ni Jayden sa kanya kanina. Halos mabatukan niya pa nga ito nang bongga kanina nang makita niya sa s

