“SIGURADO ka na bang papasok ka na?” Ilang araw matapos ang pahinga ng dalaga mula sa nangyari sa factrory ay nagdesisyon na siyang pumasok ulit sa kompanya. Matapos ang nangyaring iyon ay nagsampa ng kaso si Jayden kina Margareth at Eunice kasabay ng pagkakatanggal nila sa trabaho. Noong una’y gusto niya pang pigilan si JC ngunit sadyang matigas ang pinsan nito at maging ang binata ay hindi na rin nakaangal pa. “Hindi ako pwedeng tumambay dito sa bahay, Jackie,” sagot niya sa kaibigan, “paniguradong tambak na ako ng trabaho sa kompanya kapag nagtagal pa ako rito.” “Tsh, hindi naman siguro gagawin ni Aiden ‘yon sa ‘yo, ‘no,” masungit pang wika ng kanyang kaibigan, “subukan niyang pahirapan ka ulit, ipapalapa ko siya kay Mochi!” “Ewan ko sa ‘yo, Jackie,” saad naman ng dalaga, “halika

