“ANO’NG nangyari?” Bumungad ang nag-aalalang si Jackie sa hospital room ni Eli. Nadatnan niyang walang malay na nakahiga sa hospital bed ang kanyang kaibigan habang sina Lester, JC, Leo, Annica at Jayden naman ay nakaupo sa isang mahabang upuan na naroon. “Sabihin mo, bakit narito na naman si Eli?” Ibinaling niya ang tingin sa gawi ni JC. “Ano’ng nangyari sa kanya?” “S-she was . . . We found her at the freezer earlier.” Napatakip ng bibig ang dalaga at gulat na tiningnan ang kinaroroonan ng kanyang kaibigan. Kaagad niya itong nilapitan at hinawakan ang malamig pa ring kamay ng dalaga. “Ano ba namang nangyayari, Eli?” maluha-luhang tanong niya pa rito, “Bakit nangyayari sa ‘yo ‘to?” Mabilis niyang ibinaling ang tingin sa kinauupuan n Jayden at nanlilisik ang mga matang nilapitan i

