LUMIPAS ang ilang araw matapos bumalik ni Jayden sa mundo ng negosyo. Sa ilang araw na iyon ay kabi-kabila ang mga bagong investments na pumapasok sa iba’t ibang uri ng negosyo ng binata kaya naman pabalik-balik ito sa Maynila. Marami ang talaga namang nagulat sa biglaang pagpapakita ng binata mula sa balitang patay na ito isang bwan na ang nakalipas. Kaya naman hindi na rin naitago pa sa medya ang nangyari at tila hindi na lamang siya sa mundo ng negosyo sikat. Sa kabilang banda ay mas marami ang naging trabaho ni Eli sa nakalipas na mga araw. Halos hindi na siya makakain at makatulog nang maayos dahil sa tambak na trabahong ibinibigay ng binata sa kanya. Madalang na lang din niyang nakakasabay ang mga kaibigang sina Cindy, Yanna at Jackie na kumain dahil madalas ay sa opisina na lang d

