NANG magising si Eli ay ang mukha kaagad ni Jackie ang kanyang nakita. Bakas ang pag-aalala sa mukha nito at mangiyak-ngiyak pang nakatingin sa kanya. Hanggang ngayon ay mabigat pa rin ang pakiramdam ng dalaga na para bang may kung ano ang nakadagan sa kanya. “Eli!” sigaw ni Jackie nang makitang dilat na siya, “Pinag-aalala mo ‘ko! Sinasabi ko na nga ba at may sakit ka, eh!” Dahan-dahang bumangon si Eli mula sa pagkakahiga at doon niya napagtantong nasa ospital siya. Inilibot niya ang kanyang paningin at naroon sina JC at Leo na nakaupo. May kausap sa telepono ang binata habang ang assistant nito ay may inaayos na kung ano sa kanyang laptop. “Bakit ako narito?” mahinang tanong ng dalaga sa kaibigan. Ramdam pa rin niya ang pagkirot ng kanyang ulo habang pilit na inaalala kung ano ang

