MATAPOS ang nangyaring iyon noong isang araw ay hindi na hinayaan pa ni Aiden na umalis mag-isa si Eli. Palagi na siyang inihahatid-sundo nito sa kanyang trabaho at lagi itong seryoso. Kung minsa’y nag-aalala na rin ang dalaga sa pananahimik ng binata na tila ba laging may iniisip at gustong-gusto niyang malaman iyon. Ngunit kahit ano’ng gawin niya ay hindi siya makakuha ng pagkakataong tanungin ang binata. Maging si Eli ay nakakaramdam na rin ng takot sapagkat iniisip niya na sa tuwing lalabas silang dalawa ay laging mayroong mangyayaring gano’n. At gaya ng sinabi sa kanya ng kasintahan ay mas naging cautious ang dalaga sa kanyang paligid. Maging pati sa opisina ay tila ba nababaha siya sa tuwing makakakita ng mga lalaking nakaitim na kagaya ng sa tauhan ni Don Juan Antonio. Hindi na ri

