ISANG linggo na lamang ang natitira para sa preparasyon ng gaganaping anibersaryo ng Montenegro Empire kasabay ng anibersaryo ng Montenegro Choco Industry. Maraming tao ang naging abala sa pagsasa-ayos ng lugar na pagdarausan ng pagdiriwang sa kompanya, at isa na nga roon si Eli. Napagpasyahan din ni JC na hindi pasamahin ang dalaga sa kanyang pinsan dahil sa ginawa nitong pag-angkin sa disenyong gawa niya. Ngunit sa kabila ng pagkaka-alis ni Eli ay may iniutos naman ang kanyang amo sa kanya. Iyon ay ang oraganisahin ang mga invitation cards na ginawa nilang dalawa ni Leo at ibigay sa mga taong nasa listahan. Dalawa sila ni Leo na nagbi-biyahe sa iba’t ibang parte ng bansa upang ibigay ang imbitasyon para sa mga naglalakihang personalidad na dadalo sa pagdiriwang. Ang sabi ng binata ay

