BALIK sa normal ang lahat matapos ang meeting na naganap kahapon tungkol sa pag-oorganisa ng nalalapit na pagdiriwang. Pagpasok pa lang ni Eli sa opisina ay kaagad na niyang iniwasan si Annica. Nag-umpisa na ang proyekto nilang dalawa sa pagbuo ng venue ng gaganaping anniversary event sa kompanya at kapwa sila naging abala para rito. Sariwa pa rin sa isipan ng dalaga ang ginawa ng kanyang kasama. Ang pag-ankin nito sa kanyang ideya ay isang maling gawain na dapat itama. Ngunit hindi na iyon masabi kay JC dahil natatakot siyang may ibang gawin ang dalaga na makaaapekto sa pagtatrabaho niya sa kompanya. Naisip na rin ni Eli na kausapin nang masinsinan si Annica tungkol sa nangyari, subalit hindi siya makakuha ng pagkakataong komprontahin si Annica sapagkat hindi niya ito mahanapan ng tiyem

