MULA sa Netherlands ay nakatanggap si JC ng tawag mula sa kanyang ama na nasa London. Abala ang binata sa kanyang trabaho bilang Executive director ng isang Automotive Company sa bansa nang malaman niya ang nangyayari sa kanilang angkan sa Pilipinas. “Hello, Dad.” “Clarence, prepare yourself,” wika ni Don, “your uncle John and his wife got involved into an accident.” Kaagad na napahinto sa kanyang ginagawa ang binata sa narinig. “W-what?” “Yes.” Ramdam ang lungkot sa tono ng pananalita ng kanyang ama. “They’re dead on the spot.” Napamura sa kanyang isipan si JC matapos marinig ang sinabi ng kanyang ama. Hindi siya makapaniwala sa nangyari sapagkat ilang araw pa lamang nang maihatid nila ang mag-asawa sa pantalan. Sumagi sa kanyang isipan ang kaisa-isang anak ng mga ito at ang kan

