KINAKABAHANG pumasok si Eli sa opisina. Dala niya ang papel na naglalaman ng trinabaho niya kahapon. Ipakikita niya iyon kay Annica bago ipasa kay Aiden para sa approval. Naroon na sina Leo at ang dalaga nang makapasok siya. Abala ang dalawa sa kung ano ang ginagawa nila kaya’t ibinaba muna ni Eli ang kanyang mga gamit bago lumapit sa kinaroroonan ni Annica. “Good morning, Ms. Annica,” pagbati niya rito, “heto po ‘yong pinagagawa niyo.” Iniabot ni Eli ang folder sa dalaga. Bahagya naman itong tumigil sa pagtitipa atsaka kinuha iyon. Tahimik na nakatingin naman sa kanya si Eli na halos hindi na huminga dahil sa kaba. Nakakuyom ang kamao nito habang hinihintay ang sasabihin ng babaeng amo. Pagkuwa’y isinara ni Annica ang folder atsaka nginitian si Eli. “Congratulations,” anito haba

