Ashleene's PoV:
I slowly opened my eyes. At medyo blur pa ang vision ko. Napatingin ako sa wall clock. It's already 6:30 pm. Hmm... Mukha atang napasarap ang tulog ko. Anyways, okay lang din yun since maayos talaga ang beauty rest ko.
I closed my eyes again. Ilang minuto muna ang pinalipas ko bago mapagdesisyunang bumangon na.
Isa na siguro sa pinakamahirap na gawin ay ang bumangon. Aish. Parang gusto ko pa uling matulog. As far as I remember ay wala naman akong gagawing assigments or task. I'm free for the whole night.
I suddenly remembered my dream. Actually, ang weird nga nya eh. It's kinda unusual. I just dreamed that someone was kissing me. Smack lang naman pero parang totoo.
Wala sa sariling napahawak ako sa aking labi. I can still feel that someone's lips on mine. I can assure you, malambot ang labi nung humalik sa akin. It kinda tastes sweet.
Matatawag na ba akong ilusyunada kung si Freyja ang naaalala kong humalik sa akin?
Napailing na lang ako sa kawalan. I chuckled. Nahihibang na siguro ako. It's really impossible na mangyari yun dahil unang-una ay nakasarado ang pintuan ng condo unit ko. Second, bakit naman magiging si Freyja eh hindi nya naman alam kung saan ako nakatira. She's probably busy right now.
Ganto na siguro ang epekto ng pagkaka-girlcrush ko sa kanya.
I started to made my way towards the sink. I washed my face para naman mahimasmasan ako at magising na rin ang diwa ko. Hindi ko maiwasang mapatingin sa aking sarili.
"Damn. Ang ganda-ganda mo talaga Ashleene." I said to myself. That's the truth though hahaha. Bawal kumontra.
Umupo ako sa pinakamalapit na upuan. I scanned the surroundings and so far ay wala naman akong nakikitang nabago. Meaning, wala talagang pumason dito sa loob.
I heaved a deep sigh. Might as well ikain ko na lang tong iniisip ko. Yeah right. I started to fixed myself. Simpleng damit lang ang suot ko. Pero mind you guys, bagay na bagay sa akin to.
Once I'm done ay umalis na ako sa condo unit ko. Nagsimula akong magdrive papunta sa pinakamalapit na mall. I decided na sa Jollibee na lang kumain. Parang nagcrave kasi ako bigla sa chicken nila. Lalo na yung juicy na balat at masarap na gravy hahaha.
"Miss paorder po ng Isang Two-Piece Chickenjoy, 2 Yumburger, 1 Sundae, at Large Fries. Dine in." Pag-order ko sa counter. Don't worry, kaya ko yung ubusin mag-isa.
The girl nodded her head and quickly prepare my order. Ibinigay ko na rin ang bayad with tip.
"Thank you Ma'am. Enjoy your order." Nakangiti nitong turan sa akin. I smiled back at her bago tuluyang kunin ang aking order.
Mabilis na nakakita ako ng bakanteng-upuan. It's a table good for 4. Wala naman sigurong masama kung dun ako uupo. Mas okay na rin yun para maluwag ang gagalawan ko.
I prayed first bago tuluyang magsimulang kumain.
"Hmm... Ang sarap." Napapikit ako nang mariin habang ninanamnam ang chicken joy. The best talaga to for me. I'm really grateful na ganto ang childhood food ko.
"Is it really delicious for you to react that way?" Someone suddenly said. Automatic na nanlaki ang aking mata. That voice again... Kilalang-kilala ko kung kanino yun.
Here she is, nasa harapan ko ngayon ang babaeng nagpapagulo sa aking isipan. She's standing while directly looking at me.
Damn. Ang ganda nya pa rin talaga. Hindi ko maiwasang pasadahan sya ng tingin. She's wearing a sleeveless crop top na pinaresan nya ng shorts. Labas na labas ang kaputian nya ngayon.
"M-Miss Freyja ikaw pala yan." I said. I'm still in the state of shock. Hindi ko ineexpect na makikita ko sya rito. You did a good job Tadhana. Ito na ba ang sign na meant to be kaming dalawa?
"What are you doing here?" Huli na nang marealize ko ang tanong ko. Napaface-palm na lang ako. Aish. You're really dumb Ashleene. Baka maturn-off sya sayo.
Suddenly, I heard she giggled. And trust me, it's like a music to my ears. "Silly, I came here para kumain. Tamang-tama at nakita rito."
Napakamot na lang ako sa aking leeg. Damn. That's kinda embarrassing. Aish. I noticed that she's not holding anything. It's just her bag. Mabilis akong tumayo.
"Wait me here. Ako na lang ang mag-oorder para sayo." Hindi ko na sya inaantay pang magsalita. I don't want her to refuse though.
I quickly made my way towards the counter at umorder uli para sa kanya. I picked out the best menu for her. I didn't know na kumakain pala si Freyja sa Jollibee. I find it cute though.
Maya-maya pa ay dumating na rin ang inorder ko for her. "Here Freyja. Eat up."
"Thank you for this Ashleene." She said. Isang ngiti ang nakita kong sumilay sa kanyang labi. I'm stunned in my spot. Oh God. Ang lakas talaga ng epekto nya sa akin. Ngiti palang yun ha tapos ganito na agad ang reaksyon ko.
We started to eat in silence. Panaka-nakang tinatapunan ko sya ng tingin. Mukha namang nag-eenjoy sya sa pagkain. By the way, we're facing each other.
I faked a cough to catch her attention. Might as well start a conversation with her para naman makilala ko sya. "So... How are you? May kasama ka ba ngayon?"
"I'm fine. And no, I'm alone. Nagpa-drive lang ako sa driver namin para makarating ako rito." She answered. Napatango-tango naman ako dahil don. "How about you?"
"I just came here with myself too." We chit-chatted for a while. And mind you guys, hindi naman pala masyadong strict si Freyja. It's a normal thing for her. Mabait sya and she's fun to be with. Mukhang magiging close kaming dalawa.
I looked at my wristwatch. It's already 8:00 pm. Wow. Hindi ko man lang namalayan ang oras. Ganon talaga siguro kapag nag-eenjoy ko.
I looked at Freyja and I found out that she's also looking at me. Hindi ko maiwasang maconcious. Nang biglang dumukwang sya papalapit sa akin. And quickly... l-licked something on the side of my lips.
Nahigit ko bigla ang aking hininga. My mouth went agape and I'm stunned in my spot. f**k. What did just happpened? Parang hindi kayang iproseso ng utak ko ang ginawa nya.
"What's wrong Ashleene?" Nakakunot-noong tanong ni Freyja sa akin. Parang wala lang sa kanya ang lahat. While me, parang mamamatay na sa sobrang kilig.
"W-Why did you do that Miss Freyja?" Nauutal kong turan. Hindi makapaniwalang tinapunan ko sya ng tingin. I'm still in shock. Hindi ko ineexpect na gagawin nya yun.
"Hmm... I don't see anything wrong with that." Sagot nya. She tilted her head while still staring at me. Ipinatong nya ang kanyang pisngi sa kanyang kamay.
I gulped. "May tissue naman. O kaya dapat sinabi mo na lang sa akin na may sundae malapit sa lips ko." Hindi naman sa sinasabi kong ayaw ko... Pero nagukat lang talaga ako sa ginawa nya.
"Na-uh. I don't want to. It's fine. I manage to taste the sundae. It's so sweet like your lips." She answered. Nakita kong napakagat-labi sya bigla. A naughty woman indeed.
Ramdam na ramdam ko ang pag-init ng pisngi. This is so—— Argh! Mukha atang alam ni Freyja na malakas ang epekto nya sa akin. Wala sa sariling napasandal ako sa upuan. Napahawak ako bigla sa aking dibdib. My heart's beating so fast. And I know, sya ang may gawa non.
I heaved a deep sigh and started to compose myself. Hindi pwedeng mapahiya ako sa crush ko.
"Let's go for a walk now shall we?" Pag-offer ko pa. She nodded her head as an answer.
We started to take our walk. Inikot namin ang mall ng magkasama hanggang sa dinala kami ng mga paa namin sa pinakataas ng mall.
Napahinto ako bigla. f**k. Halos lahat pala ng naririto ay couple. Mukhang dito ata sila nagmomoment together. I bit my lips. Gosh. Paano na yan?
Naputol ang aking pag-iisip nang hinila ako ni Freyja papunta sa isang bench. Mula rito ay tanaw na tanaw ang napaka-gandang buwan kasama ang mga bituin. Full Moon siguro ngayon.
"The moon is beautiful, isn't it?" Freyja suddenly said.
"I love you too." Wala sa sariling saad ko. Mabilis na natampal ko bigla ang aking sarili. Ugh! Kung ano-ano na lang ang lumalabas sa bibig ko.
"What did you say?" She's now staring at me. Hindi ko mabasa ang expression ni Freyja ngayon. But I know, she wants to know my answer. I can see a hint of interest on her eyes.
Dumukwang sya papalapit sa akin. Dahan-dahan nyang ipinatong ang kanyang kamay sa aking balikat.
"M-My bad. I thought it means 'I love you'. May nabasa kasi ako na yun ang meaning nung phrase na sinabi mo." I reasoned out. Ugh! Ilang beses ko na bang pinapahiya ang sarili ko sa harapan nya?
"Hmm... Sabi mo eh." She said and smirked at me. "I'm sleepy, Ashleene. Gusto ko nang matulog."
Parang nawala ako bigla sa aking katinuan nang biglang inilingkis ni Freyja ang kanyang kamay sa aking batok at yumakap sa akin. She's hugging me so tight that I can feel how soft her body is.
I can feel the tingling sensation on my whole system. Same goes with their so called 'butterflies in the stomach'.
I gulped. I gathered all my courage. Dahan-dahan kong ipinatong ang aking kamay sa kanyang beywang at hinigit sya papalapit sa akin. I hugged her back.
We stayed in that position for a while. Trust me, hinding-hindi ko to makakalimutan. I find it sweet. We're under the moon, embracing each other as if we're lost in our own world.
Maya-maya pa ay naramdaman kong bumibigat na ang paghinga ni Freyja. I took a peek and I saw that her eyes are now closed. Mukha atang nakatulog na sya.
My heart flustered. Aww.. Ganito pala ang itsura nya kapag tulog. Ang ganda pa rin.
Hmm... Should I call Zarrain para naman mapick-up nya ang pinsan nya rito?
Napasapo ako bigla sa aking noo nang marealize ko ang isang bagay. Aish. Wala nga pala along number nya. I forgot to get her number. Dibale, sa susunod nga ay kukunin ko na.
Dahan-dahan kong tinanggal ang pagkakakapit nya sa akin. Marahang binuhat ko sya ng pabridal-style.
Isang malalim na buntong-hininga ang aking ginawa. I guess, she'll gonna spend the night together on my condo. Wala na akong choice. It's not that I'm complaining. Gusto ko rin naman.