chapter 5

1458 Words
Clem's almost asleep when her phone vibrated, tumabi sya sa kanyang mommy, 10 am pa naman yung klase nya tomorrow kaya dito sya sa hospital matutulog. "Hello," bati nya in a sleepy tone. "Bakit nawala ka, bakit di ka nagpaalam, sabi ko ihahatid kita eh, delikado sa daan alam mo ba yun?" bakas ang pagalala sa boses nito. Sira ka talaga, nagpaalam ako, ayaw mo lang akong intindihin kasi busy ka sa syota mo. "Kausap mo sya ayaw ko naman mang abala," sagot nya na lang "Sandali lang naman yun eh, sana inantay mo nalang kami mayari, eh paano kung may nangyari sayo?" Sandali? Saang banda? Sandali ba ang 20 minutes? Nagka ugat na nga ako sa kahihintay, parang wala naman kayong balak matapos sa lambingan nyo. "Ano ka ba? Okay na naman ako, malaki na ako, kaya ko ang sarili ko." "Di mo alam kung anong tumatakbo sa isip ng mga lalake sa paligid, " Pero masakit ang pinapagawa mo, ang manatili Doon at makinig Kung gaano mo sya kamahal, at kung gaano mo ako nakakalimutan everytime that you're with her. "Okay lang talaga ako, nandito na nga ako at matutulog na sana kung hindi ka lang talaga tumawag," sabi nya dito. Narinig nya ang lakas ng buntong hininga nito, ang sweet sanang isipin na grabe itong mag alala sa kanya, pero bilang kaibigan lang, na nagiging invisible kapag kasama ang kanyang lover. "Okay, good night Clem and thanks for today," "Sige." After that conversation, natagalan pa sya bago ulit dalawin ng antok. ...................................................................................... Matapos sa  fastfood restaurant wala syang nagawa kundi kunin ang last salary nya, Clem found a new job sa isang ice cream parlor, medyo malapit din sa school, favorite nya ang ice cream kaya naman iba ang feeling na ito mismo ang magiging linya ng kanyang trabaho. Madali lang naman, kaya lang ,medyo pagod dahil konti lang silang staff at ang mga customer  nila ay mga student within the area, so nandoon talagang kulitin sya ng mga student lalo na ng mga lalake, asking if she has a boyfriend or if she is dating someone. She tried her best to turn them all down as kind as she can, Hindi sya naghahanap ng magulong love life ngayon, what she needs is a job to support her. She accepted Jett's  apology, after all kasalanan nito kung bakit sya nawalan ng trabaho. Kung hindi naman kasi ito nag inarte, hindi sana sya natanggal sa huling pinasukan. Para naman gumaan ang loob nito sa ginawa, ito ang taya sa kanyang lunch and meryenda na tinanggap nya na rin since kailangan nya talagang mag tipid, pero kahit di naman nito inooffer lagi naman syang nakakatikim ng libre dito. And another thing pabor dito everytime na magkasabay sila sa canteen walang babaeng nakakalapit sa bestfriend nya, since every one thought na sya nga ang dearest girlfriend when turn out isang malaking palabas lamang. Palabas na sana totoo na lang. ."Talagang pinuntahan mo ako?" nagulat si Clem ng mag out sya ng 7 pm nasa labas na si Jett at naghihintay. Sa sobra nyang tuwa napayakap sya rito, para naming magic na naglaho ang pagod nya. "di ba sabi ko magdidinner tayo , I have something to announce,"sagot nito returning her hug. Ang bango talaga ng bestfriend nya samantalang sya amoy pawis, vanilla flavor, natapunan kasi sya kanina, nag spaspace out lang. "akala ko jinojoke mo lang ako." they were on their hugging position when they've heard  someone coughs. Biglang bumitaw si Jett at para naman nabuhusan ng malamig na tubig si Clem, "so shall we go?"sabi nito na nakangiti, pero sa woman instinct ni Clem, ayaw nito ang nakita nya, Kasama pala ito, malamang magiging disaster ang gabi na ito. ......................................................................... Clem sits at the backseat syempre  ang lovers magkatabi, magkahawak ang kamay, isang kamay lang ni Jett ang nagdidrive, they are talking sweetly as if wala sya sa paligid, sa salitang kanto kumbaga naglalandian, di mo aakalaing isang teacher ang kasama nila, ibang iba talaga sya, sa isip isip ni Clem. Di nakalampas sa mata ni Clem ang mag pasimpleng irap ni Amanda everytime na isinasama sya ni Jett sa conversation, may iba talaga dito, something na hindi mo dapat pagkatiwalaan. They stop at a fine dining restaurant, naiilang sya sa suot nyang jeans and t shirt, ang formal kasi ng attire ng mga kasama nya, nagmumukha syang katulong, She stopped at the door ilang talaga syang pumasok, when Jett noticed na hindi sya sumunod, lumingon ito, sumalubong ang kilay sa kanya at pagkatapos natawa, binitawan nito ang kamay ni Amanda , lumapit sa kanya , hinawakan ang kanyang kamay at tatawa tawang hinila sya papasok. "sira ka talaga Clem, you belong here kahit ano pa ang itsura mo, ang ganda mo kaya, so wag kang mahiya kung ano ang suot mo come on," ngumiti ito sa kanya at sinabihan pa sya ng maganda. Ang saya lang nagwawala na naman ang puso nya at di nya mapigilang ngumiti, "right babe?" okay na sana eh, kaso hiningi pa ang opinion ng girlfriend, Syempre napansin ni Clem kung paano nagchange ang mood nito ng three hundred sixty degrees, nakairap pero biglang ngumiti nang humarap si Jett sa kanya, ngumiti  rin at lumapit kay Clem saka hinawakan ang isa nyang kamay. Kinakabahan sya sa mangyayari ..................................................................... "I propose to her," nabilaukan si Clem nang biglang sabihin yun ni Jett,magkahawak ang mga kamay ng mga ito na nakaupo opposite her, Where is the ring? Hinahanap ng mata nya ang ebidensya, ang singsing. "I will buy her the most beautiful ring, once I turn eighteen that time I will get an ultimate access sa mana ko kay lolo, kahit gaano pa ka expensive yun, I will buy that for this beautiful woman beside me," he said sweetly staring at Amanda's eyes, she smiled back and they f*****g kiss in front of her. Ang puso nya parang dinudurog, gusto nyang maiyak pero hindi pwede. "Congratulations," she gave out a fake smile at them, sobrang hirap na sabihin. "I'll just go to the washroom," paalam nya, kailangan nya munang huminga , makalayo ng konti sa dalawa. Muntikan na syang madapa papunta ng washroom, may nabunggo pa nga say buti na lang mabait yung lalake di nagalit, di nya nakita ang itsura, masyadong occupied ang utak at tuliro ang puso nya para intindihin yun, nagkulong sya sa isang cubicle at pinakawalan ang mga luha, she needs to cry kahit konti,later na ang continuation, basta bahala na how she will explain it later. After some minutes lumabas sya at naghilamos ng paulit ulit, kaya lang ng iniangat nya ang mukha nya, nagulat sya sa reflection ng tao sa tabi nya, nakangisi habang nakacross arms. "teacher Amanda,"at least ginagalang nya pa rin ito. "are you done crying?" Narinig nya ba? Gaano na katagal? "why would I cry?" she asked habang nauutal, posible kaya? "maybe because nagluluksa ka because your bestfriend proposed to me." "bakit naman? I am happy for the both of you" "Liar, you're such a bad liar." sabi nito na pumapalatak."well let me rephrase that, nagluluksa ka because your bestfriend that you secretly love will be my husband soon, masyado bang masakit, inlove ka sa kanya pero sa akin sya nahuhumaling?" Ngayon nakikita na ni Clem ang totoong kulay ni Amanda, she's a silent evil, na sa halip na maawa sa suffering ng isa, ay matutuwa pa at patuloy pa itong aapakan. She wonders kung ano ba talaga ang nagustuhan ni Jett dito, is that because  she's older and experience. "that's not true hindi ako inlove sa kanya." whatever happened di sya aamin. "stop pretending, I knew from the start that I doubt about it, hindi nga ako nagkamali, well sorry ka nalang ako lang talaga from the start and end, akin lang si Aiden,  once we get married, I will do my best para burahin ka sa buhay nya." "what!" napasigaw sya sa mga lumalabas sa bibig nito. "Why? Galit ka na? You want to slap me? Go on?" Di nya balak gawin yun, pero parang gusto nya, but she hates violence kaya it's better to ignore her, kaya nilampasan nya ito and she went out, kaya lang nagulat siya nang bigla nitong hatakin ang buhok nya. Ang sakit lang. Never syang sinaktan ng parents nya physically, at ito lang na babaeng ito ang mananakit sa kanya, biglang nabuhay ang galit na tinitimpi nya, she holds her hands and push Amanda aside napalakas yata dahil sumalampak sa floor. "buti nga sayo, ang sama mo kasi." Iniinda nito ang kamay, at naiiyak na, kaya lang wrong timing naman kasi not far away from them she heared Jett's voice screaming Clem's name. Galit. Patay sya, gayong di naman nya talaga kasalanan, di naman sya ang nagsimula.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD