chapter 4

1616 Words
Nasunod din ang gusto ni Jett after ng kanilang drama, nakumbinsi nya ito na walang alam si Luke, gagawan nya na lang ng paraan kung sakaling may hinala pa rin ito. Bahala na. Nagtawanan na sila at di na sya nakaalis para pumasok, hinahanda nya ang sarili sa sermon na marereceive nya the next day, pati kung saan ang next target nya for her next part time job. Kailangan nya na naman mag print ng biodata at mag galagala sa malapit sa school, sa mga malls at restaurant. Nilambing pa sya ni Jett to cook adobo for him, favorite kasi nito ang adobo na gawa nya iyong tuyot walang sabaw at manamis namis, ibang iba sa adobo ng iba, di nito alam minaster nya talaga iyon noong high school palang, nagpaturo sya sa cook nila kasi dahil favorite nga ito nito Jett. Pero wala na sigurong chance para malaman pa nito lahat ng mga effort nya noon para magustuhan at mapansin nito, after all di na naman sya umaasa na magiging sila in the end, kuntento na sya sa kanilang bestfriendd status, lalo pa ngat in love ito sa kanilang teacher. Pa -simple nya itong pinapanood habang kumakain, natatawa sya habang naalala ang mga ilusyon nya noon, sabay silang kumakain ni Jett nagsusubuan, habang tinutukso sila ng kanilang mga anak sa kanilang ka-sweetan, umiling na lamang sya, to shake those thoughts away. Nakakahiya sya, iniilusyon nya ang kanyang bestfriend, pinagpapantasyahan nya sa kanyang isipan. "Bakit ka umiiling?" takang tanong nito "Ha? Wala, may naiisip lang ako? " "Iyong trabaho mo ba?" tumango na lamang sya para maiba ang usapan, mailigaw. "Sorry, nagcacrave lang talaga ko sa adobo mo e, kaya kinidnap kita!" Nahawa na siya sa pagngiti nito. "More on hinarassed pumunta dito, paarte -arte ka pa," medyo nahihiya nga itong nagkakamot ng batok. Na cute-tan naman sya sa reaksyon ng kaibigan, sinong magsasabi na ang manly na kaibigan nya ay ganito kaisip bata at attention seeker? "Attention seeker," bulong nya, na napalakas yata dahil tumingala ito sa kanya at kunot ang noo. "Anong sabi mo?" "Ha? Wala may sinabi ba ako?" pagtanggi nya, pigil ang ngiti. "Oo at narinig ko!" sabi nito na pumapalatak pa. "Wala nga." Tanggi niya. "Attention seeker, iyon ang sinabi mo." "Uy! Hindi ah." tanggi nya, mukha kasing naiinis talaga ito. "Attention seeker pala ah." tumayo ito sa upuan, tumayo din sya, ayaw nya ang pinaplanong gawin nito. At iyon nga hinabol sya, tumakbo sya palabas ng kusina papunta sa sala pero dahil sa mas mabilis ito at malakas, nadamba sya nito nahulog sila sa couch at pinagkikiliti sya nito sa tagiliran. Tawa sya nang tawa, nagmamakaawa syang tumigil na ito pero ayaw pa rin syang tantanan. "Sorry na Jett, tama na please!" she begged habang tawa nang tawa dahil sa malakas ang kiliti niya sa tagiliran. "Hindi mo kasi ako dapat inaasar ng ganoon, kasi kahit saan anggulo natin tignan ikaw ang talo!" tumatawa din ito habang patuloy sa pagkiliti sa kanya, nakapatong na ito sa kanya, nakahiga na si Clem sa floor, sinasalag ang malikot na kamay ni Jett, kung isipin parang mag -asawa lamang silang naglalambingan. Pero hindi. "Stop!" nanlaki ang mata ni Clem nang marealize nya na ang mga kamay ni Jett ay nakarating na sa right breast nya nang di nito sinasadya, nang mapansin naman ito ng huli ay nanlaki din ang mata nito, tumingin si Jett sa kamay nito na nakahawak pa rin sa breast ni Clem, nakita ni Clem na namula rin ito kagaya nya. Bigla naman itong natauhan at tumayo ,hiyang hiya habang hinihimas ang batok, nakatingin din sa ibang direksyon, ang awkward naman kasi, ang mga kasatan kasi nila hindi naman humahantong sa ganitong hipuan dati, habang tumatanda, pumipilyo na iyong kamay ni Jett.Saan- saan na napupunta, imbes na sa kilikili at tagiliran lamang. Akala mo ba ako si Amanda? Umupo na si Clem, habang inaayos ang damit at ang nagulong buhok, inayos nya ang pagkapony tail ng kanyang itim at straight na buhok. "Sorry, di ko sinasadya," halata ang pag-alala sa boses ni Jett, tinignan na ito ni Clem. Naguguluhan siya, di sya natutuwa sa sorry na nanggaling dito, ibig sabihin kasi, ang relasyon talaga nila, hindi lalampas sa ganoong estado. He can never see her as a woman. Ang sakit lamang, pero pinilit nyang ngumiti. "Okay lang, wala naman iyon, parang di ka naman nasanay, ganoon naman talaga tayo magkasatan." sabi nya para mabura ang awkwardness sa kanilang dalawa. Nakita nyang napalunok ito, di nya talaga mapigilan ang sariling panoorin ang mga body reactions nito, maya-maya lamang, he form a grin at humarap sa kanya. Oh no, may sasabihin itong hindi maganda. "Bakit? What are you thinking?" Tumawa muna ito bago nagsalita," Kung di ako napatingin akala ko washboard lamang ang nahawakan ko," pang-aasar nito."Flat na flat eh." "What? Ang sama mo talaga!" nilapitan nya ito at hinampas ng pinulot na throw pillow, hinarangan lamang nito ang gwapong mukha at tumatawa tawa. Tama daw bang I compare ang akin sa kapalaran ng washboard. Meron naman ako, blessed pa nga eh, kung alam mo lang! Huminto sya at inirapan ito, ayaw nya ang iniisip na sagot nya dito. Baka ipahamak siya ng kanyang mga salita. "Uwi na ako," paalam ni Clem, alas nuebe na ng gabi, hinihintay na sya ng mommy sa hospital. "Hatid na kita, gabi na, kunin ko lamang iyong susi," sabi nito, bago pa man ito madampot ang susi ng kotse, nag-ring ang phone nito, his face brighten when he saw the name of the caller. "Hi baby!" bati agad nito sa phone. Umupo sa couch at masayang nakipagkwentuhan kay Amanda. Sweet itong nakipag -usap sa girlfriend habang parehas nilang ni -rereminisce ang nangyari kanina at nakalimutan na rin ni Jett na nagsabi siyang ihahatid nito.. Wala naman pala silang problema kanina, ang saya-saya nya, then why did he acted so strange ealier? Di pa tuloy ako nakapasok sa work sayang ang bayad, kailan kaya mayayari ang usapan nila? Fifteen minutes ang nakalipas, hinihintay na ako ni mommy. I tried to call him, get his attention, pero everything seems useless, ganoon naman sya lagi everytime na kausap or kaharap nya si Amanda, wala ng ibang mahalaga. Balewala lahat, maski ako. I guese uuwi na lamang talaga ako mag isa, goodbye Jett. Lumabas na si Clem ng unit ni Jett, naiilang na rin syang marinig kung gaano ka sweet mag-usap ang dalawa, nag-lakad sya sa sakayan ng jeep buti at malapit lamang ang paradahan papuntang hospital at marami siyang mga kasabay. "Manong isa po!" pinakiabot nya iyong bente pesos sa mga katabi, sa hospital ang kanyang baba, naalala nya kung gaano siya kainosente noong unang beses siyang sumakay sa jeep, nakakahiya, di nya lam kung paano nagbabayad, lumapit pa sya mismo sa harapan since nasa dulo sya nakaupo, tapos lahat ng mga nakasakay sa jeep nanlaki ang mata at tumawa sa kanya, oblivious sya kung bakit tumatawa ang mga tao, buti na lamang may mabait na bata ang nagpaliwanag sa kanya kung bakit. "Ate first time mong mag-jeep?" nahihiya syang tumango. Bumaling iyong bata sa mga kapwa pasahero, "Mga ate, kuya, first time pala ni ate kaya wag na nating pagtawanan," huminto naman iyong mga tumatawa, tapos bumaling iyong mabait na bata sa kanya,"Ate kapag magbabayad ka , ipaabot mo lamang sa katabi mo iyong bayad mo, gaya nito, manong isa po!" Inabot naman ng katabi iyong bayad noong bata saka binigay papunta sa driver. "Ah ganoon pala, salamat." sabi nya sa bata "You're welcome ate," sagot nitong ngumiti, gusto nya sana itong kausapin pa kaya lamang bago pa sya makapagsalita at makapagtanong bumaba na ito. Sayang, iyon lamang iyong nasabi nya. "Mommy, why are you still awake?" bungad nya sa kanyang ina. Ang mga ka share nito sa ward na iyon ay mga tulog na, kaya hininaan nya ang boses ng lumapit dito. As usual she's reading a book, napaka -bookworm talaga ng mommy niya, bagay na di nya namana. "I am waiting for you," she comes closer and hug her waist. "I miss you mommy," "I miss you more, my baby." Sabi nito, kinalas ang yakap niya saka hinimas ang kanyang buhok, "Tired?" "Not really, di ako pumasok sa work tonight, I was with Jett, so di ako masyadong pagod," she broke the hug and locked eyes with her mother Maganda pa rin ang mommy nya kahit pumapayat sa kanyang sakit, tumaas ang kamay nito at nagulat sya ng pahiran ang kanyang mata, may luha pala sya. Hindi niya namalayan, nakakahiya. "Not tired? I doubt it, lalo na't sya ang kasama mo," huminga muna ito ng malalim," I'm sorry anak; you're suffering because of me." Her mother sounded so depressed. "Don't be mommy, wala kang kasalanan at saka I am happy on what I am doing, I love you so much and I am willing to do everything for you." Ngumiti sya ng matamis dito, di nya kakayanin pag-nawala ang kanyang mommy, that's why she will do everything to extend her life. Ayaw nyang mag self-pity na naman ito at sisihin ang sarili. Alam kasi ng ina, kung gaano sya ka inlove sa bestfriend at kung gaano nya itinatago  ang kanyang feelings deep within her heart.Alam rin ng mommy niya ang relasyon ni Jett with Amanda, her mother accidentally found out about it, wala siyang mailihim dito, kaya naman sinabi niya, since she needs someone to confide and her mother is the only one. Nag-aalala naman ito dahil nasasaktan siya. "Don't lose hope my dear," rinig pa nyang sabi ng kanyang ina, pero matagal nya ng inalis iyon sa kanyang dictionary. The only thing she wishes for ay magkaroon ng miracle at tuluyang gumaling ang kanyang mommy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD