Habang nagdidrive , pasulyap sulyap si Jett sa kanyang kambal na nakaupo sa backseat, nagbubulungan ang mga ito, maaring pinag uusapan yung kalokohan na ginawa ni Ren sa kanya. Napapailing na lang sya at napapangiti na ngayon, aaminin nya nainis sya kanina, bago kasi sa kanya ang ganoon, ang niloloko o binibiro, sanay kasi sya na isang sabi nya lang nasusunod. O kahit di pa nga sya nag -uutos, ginagawa na ang gusto nya.... Pero ngayon, ramdam na ramdam nya, dumating na yung karma nya, ganito pala ang pakiramdam ng laging napapasunod. Nagpatawag pa yung assistant nya ng tao, para iuwi yung mga kotse, nagtataka pa nga si nanay Espie, kung bakit madami raw sasakyan sa labas ng bahay nila. Nanay na rin yung tawag nya dito. Hindi naman nya sinumbong si Ren, hinuhuli nya yung mata nito sa iba

