Bitbit ni Warren ang pumpon ng bulaklak, nandito sya para bisitahin ang kanyang original na Anghel. Inilapag nya ang bulaklak at nag- alay ng panalangin dito, siyam na taon na ang lumipas, pero parang kahapon lamang , sariwa pa rin kasi ang bawat sugat. "Ang kapal ng mukha mong pumunta dito." Narinig nya ang mabigat na yabag sa likod nya pero hindi sya lumingon. Gusto nyang igalang ang puntod ng anak, nang kanilang munting anghel. "Cat got your tongue?" She questioned sarcastically. "Pease, 'wag tayong mag- away sa harap ng puntod ng bata," sabi ni Warren sa malumanay na tinig. "Huwag mo nga akong patawanin, so kaya pala nagpediatrecian ka dahil nakukonsensya ka sa pagkamatay ng anak natin? Ay mali, let me rephrase that, nakukonsesya dahil you killed our daughter, because of your

