Sa wakas nakawala na rin sya kay Sheena, he meant sa paglingkis nito sa kanya. Kahit panandalian lamang, iniwan nya ito sa isang boutique para mag punta sa comfort room. Ito ang nasunod pagkatapos nilang kumain sa restaurant, akala niya after sa art exhibit makakawala na sya dito, pero nakiusap ito sa kanya na magpunta muna sa mall at may bibilhin daw. Kaya naman kahit labag sa kanyang loob, sumama sya rito. Hindi pa nga naman nya nasabi ang dapat nyang sabihin dito. Hindi nya kayang sabihin ito sa mismong birhday nito.. Alam naman kasi nito, na kahit ganito lang ang estado ng relasyon nila, kung sakaling maisipan nyang magpakasal at magseryoso ng babae, ito ang una sa listahan... Pero iba na ang sitwasyon ngayon, may pamilya pala sya na worth it ipaglaban.. mayroon syang Clem na gagaw

