.............. "Halika na't kumain," Napabalik sa kanyang ulirat si Clem, hinatid nya si Jett hanggang sa makaalis ito...wala na sa paningin nya yung anino ng kotse ni Jett, pero nandoon pa rin sya nakatayo. Kung hindi pa siya tawagin ni nanay Espie malamang nandoon pa rin siya. "Sige po," magalang nyang sagot sa matanda, ito ang syang saksi sa lahat ng kanyang pinagdaanan, second nanay na talaga ang turing nya dito at hindi ibang tao, ito ang karamay nya noong buntis sya sa kambal, at nang ilabas nya ang mga ito sa mundo. Ito ang nagturo sa kanya kung paano mag -alaga.. litong -lito sya noon, tuliro, pero kasama noon ang kakaibang excitement na may dalawang anghel na syang kasama, na mula sa kanya at sa isang taong naging special sa kanya.. Di nga bat' special pa rin ito magpahanggang

