Extra special ang araw na ito, kaya naman I want this day to be perfect. These past weeks medyo nag bobond na kami ni Jett, maayos na kami mag -usap, nabawasan na rin ng konti yung ilang ko sa kanya, after noong may mangyari sa amin, hindi na yun nasundan, which I am partially thankful, bakit partial lang? Ayoko naman kasi maghing plastic, kahit sa sarili ko man lang maamin ko na hindi ko yun pinagsisissihan na ibinigay ko yun sa kanya, kahit pa alam naman natin na ibang tao yung nasa isip nya during those moment.. na dapat ako lang sana....
Hay ano ba!
Kasasabi ko lang na gusto kong maging masaya today, pero pilit pa rin yun sumasagi sa isip ko,
"Happy birthday!" bati sa akin ni Luke pagkakita palang sa akin dito sa canteen, nagtext kasi sya sa akin, kahapon pa sya bumabati. Eighteen na ako today, although hindi ito ang birthday na pinangarap ko noong bata ako, pero thinking that I am still bless having my mother kahit less than two months pa syang hindi gumigising, hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa.
Inabot nya na sa akin ang regalo ko, "Happy birthday Claynn," bati ni PJ, remember bestfriend ni Luke,ang cute nya talaga, wag kayong maguluhan, Claynn talaga tawag nya sa akin, kasi may pag ka bulol yang si PJ sa letter e, ewan bakit nahihirapan syang bigkasin yun, samantalang nasa pangalan nya yun na Perry Joseph, kaya siguro naimbento ang PJ....
"Salamat," at may regalo rin pala ako mula sa kanya, na kung tutuusin sampid lang ako sa friendship nila..":sana magustuhan mo."
"Oo naman, kahit ano pa laman nito, wag lang yung mabalahibo ah, takot ako doon eh,,,"
Sabi ko na abot tainga ang ngiti, sila lang ang nagregalo sa akin, I stop expecting from anyone, maski kay Jett, plano ko nga ako pa ang magbigay sa kanya...
"Any plans for today?" asked ni Luke...
Wala naman talaga akong plano, gusto ko lang mag luto ng special for Jett, I just want to spend this special day with him....ngayon lang natapat na libre ang araw nya, sa tapat ng araw ng birthday ko.
"Wala naman, busy ako eh, baka next day ko na lang kayong dalawa ilibre..." amusement written in their faces, alam kasi ni Luke na wala na akong trabaho, kaya nagtataka sya kung saan ako kukuha ng pera....
Hindi ko pa pala napapaliwanang sa kanya yun, na si Jett na ang sumasagot sa lahat ng kailangan ko,, sobrang pinagalitan nya muna ako before that, kasi nag print ako ng resume using his printer, nalaman nya yung kinagabihan nang gabihin ako ng uwi kasi nga naging abala ako pagkatapos ng class ko sa paghanap ng pwedeng pasukan. He was mad while waiting for me sa sala.. he said na ang kulit ko raw, then doon sa likod ng resume na ginawa ko sinulatan nya, na sagot nya ang lahat ng gastos ko sa school at hospital at kung ano mang kailangan ko, tapos ang kapalit susunod ako sa lahat ng gusto nya, di naman nya gaanong ine specify, pero siguro malamang kung gusto ko man o hindi kailangan ko pa ring sundin, so yun ang dahilan kung bakit may weekly allowance na ako.
Ewan ko rin ba kung mabuti yun o nakakasama, o dapat ko pa bang sabihin kay Luke kasi kaibigan ko na rin sya, basta iba kasi ang pakiramdam ko, takot din kasi ako na malaman ng lolo nya na sobra na akong nakadikit sa kanya, na sobra na akong umaasa, na hindi na nga ako nag eexert ng effort para maghanap buhay in the end, binigyan linaw nya rin yung katanungan sa isip ko noong time na yun...
"Hanggat pu-pwede, uubusin ko yung pera ni lolo sa'yo, di ba binayaran ka rin nya pra magsalita against me, ang pinagkaiba nga lang ngayon, ako na mismo ang kusang nagbibigay at nagwawaldas ng pera nya, excited ako sa magiging reaction nya, kaya wag mong isipin na ginagawa ko to dahil gusto ko, I always have my reasons. "
Oo masakit yun , pero anong laban ko, totoo naman ang bawat sinabi nya, I salute him for being honest , para hindi ako lubusang umasa, para yung kalahati ng utak ko sinesermunan yung kalahating bahagi na inaasume na bumabalik na kami sa dati...
Salamat kasi malinaw pa rin sa akin, kung saan lang ako dapat tumapak, at kung saan lang ako dapat na ka posisyon.....
At dahil birthday ko ngayon, gusto ko munang kalimutan yun pansamantala, gusto kong pagsilbihan sya,para naman kahit paano maging worth it yung mga binibigay nya sa akin,
Iintindihin ko sya..I will carry half of his pain, para sooner makita ko rin syang ngumiti...
Kahit na hindi patungkol sa akin...
Kahit na hindi ako ang tunay na dahilan.
..................................
Third person POV...
Hindi ineexpect ni Clem and biglaang meeting sa org na kinabibilangan nya, since she's always absent sya sa mga previous meet ups, napilitan syang magpunta. Ilang beses nya ti-nry na tumakas but to her dismay hindi naging posible, kahapon nya pa naman pinaplano ang isang perfect dinner na gusto nyang ihanda bago dumating si Jett, birthday pa naman nya, pero di nya masyadong pinakita ang pagkadismaya at pag kairita nya, nagparticiptae parin sya kahit paano, kahit mayamaya nakatingin sya sa kanyang wristwatch.
Madilim na nang mayari ang lahat ng agenda ng org, mabilis syang umalis, hindi nya na nga nilingon pa yung pagtawag sa kanya ng isang kaklase, magsuplada muna sya ngayon...
She went straight to the market, kung saan mas fresh ang mga gulay at meat, masigla syang nakapamili, at pagkatapos pumara ng taxi papunta sa bahay ni Jett, magagalit na naman kasi ito pag nalaman na sumasakay sya ulit ng jeep.
She's secretly praying na sana wala pa ito sa bahay habang lulan ng elevator, tiwala si Clem na magagawa nya ang lahat ng plano sa loob ng thirty minutes, kaya sana ma late ito ng uwi..
Madilim ng mabuksan nya ang pinto, her heart beat rapidly, kasi while walking inside unti- unting lumilinaw sa pandinig nya ang isang malungkot na musika...
She knew that song, narinig nya na ito na hinarana ng daddy nya sa mommy nya noong nabubuhay pa ito, patuloy syang lumakad kung saan galing ang musika, unti-unti din nakakasilip sya ng liwanag, wala ngang duda sa kwarto nga ni Jett.
Nandito sya, ang taong hiniling nya sana , wala pa para makapaghanda sya ng isang dinner para dito..
Nakasalampak ito sa sahig, nakasandal ang likod nito sa dulo ng kama, habang sa harap nito may mga bote ng beer, sa tantya nya, kanina pa ito umiinom, o baka buong araw itong umiinom at hindi lumabas...
Paulit ulit lang din ang kanta, ang mga linya na ito ang nagpapasakit lalo sa sugat na meron na ang puso nya,ng kanyang guilt
When a man loves a woman
Can't keep his mind on nothin' else
He'd trade the world
For the good thing he's found
If she is bad, he can't see i
She can do no wrong
And turn his back on his best friend
If he puts her down
When a man loves a woman
Spend his very last dime
And trying to hold on to what he needs
He'd give up all his comforts
And sleep out in the rain
If she said that's the way,
it ought to be
When a man loves a woman
I give you everything I've got
Ang sakit ng linyang yun, patama sa kanya, agad nyang pinunasan ang luha na tumulo sa kanyang mata.
Napakaiyakin nya na talaga, sa action na yun, nahulog yung mga dala nya, causing noises na nakaagaw ng attention ni Jett,
"Dyan ka na pala?" sabi nito, bakas ang pinaghalong lungkot at kalasingan sa boses nito....
"I am celebrating join me," sabay taas ng beer, motioning her to come closer, she's aware na hindi ang birthday nya ang tinutukoy na celebration nito....
Tama na ang panloloko sa sarili, isang dahilan kung bakit gusto nyang maging special ang araw na ito kasi dalawang taon na magkasunod na birthday nya, hindi nya kasama para icelebrate iyon with Jett...
His reason?
Simple lang, sinagot si Jett ni Amanda sa mismong araw ng birthday ni Clem, if he only knew kung gaano sya umiyak at pinagbagsakan ng langit at lupa that day, pero wala nga naman talagang nakakaalam, because she hid it well...yung sya lang ang handang masaktan.
"Supposed to e, it's our third year anniversary," he said bitterly, sabay lagok ng beer," and also your birthday right?" she nods at him, kasi parang inaantay talaga sya nitong sumagot. Kahit alam naman na talaga nya..
"Do you want me to sing you a birthday song?"
"No need," she answered shortly, kung bata lang sana ito na pwede nyang patigilin sa pag inom at patalugin na lang sana ginawa nya na, tumawa naman ito ng mapakla.
"Good then, I am not in the mood to sing," muli itong umiinom tapos pumikit habang animo dinadaman yung bawat lyrics ng kantang paulit ulit na nagpaplay.
"When a man loves a woman, he's gone mad, just like me..." muli syang tumingin kay Clem, this time iba na , wala na ang playful at mapanga- asar na aura nito kanina, puro poot ang nakikita nya sa mga mata nito na natatamaan ng liwanag,
"Tell me Clem, did you ever felt sincerely happy noong time na binabati mo ako dahil anniversary namin? Or secretly you hated me, you hated us, kasi gusto mo na tayo ang magkasama sa birthday mo?"
She also gaze at him, how will she answer it, yung totoo ba na masakit? O yung kasinungalingan na alam nya namang hindi nito paniniwalaan, anong card ang ipe-present nya sa harap nito...
She decided to settle to the safest answer, or maybe not.
"God knows I tried," she answered out of breath, nakikipaglaban ng titigan dito,pero ito ang unang nag iwas, she saw how he tightened his grip sa beer in can na hawak nito, nayupi yun at tumulo, alam nyang nagtitimpi ito ng galit.
"I wish you just lied, but I know you're never good at it, look at us now, look at how pathetic I became since I lost her, are you happy now?" he asked sarcastically..
She stay rooted in her place, ayaw nya syang patulan, kahit pa sobra, lasing pa rin kasi ito,
"Sa bagay bakit ka nga naman hindi sasaya? I'm really drunk as hell," muli itong nagbukas ng beer, he raises it up ang hinarap sa kanya."Happy Birthday Clem and get the hell out!" he shouted, wala syang nagawa kung hindi tumuloy sa pinto, pero di nakatakas sa pandinig nya ang bulong nito...
"I f*****g wanted Amanda right, here right now." and she heard him cried afterwards.