chapter 22

2944 Words
.... Tumuloy si Clem sa kitchen, nilapag nya yung mga pinamili nya sa kitchen counter, yung lahat ng saya nya mula kanina lahat nawala. Tama nga yung sabi ng iba na kapag masyado kang naging masaya, asahan mo kapalit noon isang matinding kalungkutan... Tama nga dahil sa oras na ito, gusto nyang humagulgol ng iyak..pero hindi pwede, kaya naman sa panghihinay ay napasandal sya sa refrigerator , habang padausdos na napaupo. Sinubukan nyang umabot sa kanyang kwarto, pero hinang-hina ang mga tuhod nya na humakbang pa,nakasubo yung kamao nya sa bibig nya para mapigil ang kanyang iyak, pero yung mga luha nya, parang nagpapaligsahan sa pagtulo, hindi nya na rin pansin na kinakagat na ng ngipin nya ang kanyang kamao, madiin yun, kasabay ng pagpigil nya sa bawat hikbi na gustong kumawala, pero sa mga sandaling yun, ang sakit lang na malinaw sa kanya ay yung nararamdaman nya within... Bakit ngayon pa? Bakit hindi na lang bukas? Naaalala nya yung mga sinabi ni Jett kanina, paano nya nga naman yun malilimutan kung parang record player na walang sawang nagpaplay ang mga linyang yun sa utak nyya at habang naalala nya ang hitsura nito, habang nagpapakalunod sa alak, mas nadududurog ang puso nya sa guilt... She' s not a good liar, na gets nya ang point nun, kasi kung magaling syang magsinungaling kahit anong panggigipit ang gawin sa kanya ng lolo nito, kung ang katapatan nya ay na kay Jett. Hinding hindi nito malalaman... pero gusto nyan ring ipamukha dito ang kababawan ng pag- iisip nito, sa yaman ng lolo nya imposibleng hindi makilala nito kung sino ang babaeng kinalolokohan ng apo. Sumagi na rin sa isip nya, na sinadya iyon ng lolo nito, ang gipitin sya at mawalan ng choice, na gusto talaga nito na masira ang relasyon nila bilang mag kaibigan, na itaboy na sya ni Jett, dahil isa na syang peasant sa paningin nito sa magandang career na tatakbuhin ng kanyang apo.. at ang kanyang nakaraan, or rather ang nakaraan ng pamilya nya ay hindi magiging maganda sa image ng apo kapag ito na ang humawak sa kumpaya. Pero mali si Jett noong sinabi nyang sya lang ang naging pathetic, ang talo sa sitwasyon, may mahalagang bagay din ang nawala sa kanya, ang tiwala nito, ang pagkatao , ang dangal nya... However ano nga naming silbi ng isang milyong paliwanag kung bulag ang pagpapaliwanagan sa katotohanan? Kahit ano pa ang ugali at masamang balak ni Amanda kay Jett, hinding hindi sya nito paniniwalaan... ................ Nagising si Jett na parang nabagsakan ng malaking bato ang kanyang ulo, sobrang sakit, kahit masahihin nya pa rin ito, imposible yatang mawala ito sa ngayon, di rin makatulong ang sinag ng araw na direktang tumatama sa kanyang mga mata... "Umaga na pala." Mga thirty minutes pa syang nakahiga bago nagdesisyong bumangon, kailangan nyang uminom ng gamot, ang baho na rin ng amoy nya at ang lagkit ng kanyang pakiramdam, nang maupo sya sa kama, lumantad sa kanya ang ebidenysa ng pagka sugapa nya sa alak kagabi, ang daming bote ng beer sa lapag, ayaw nya ng bilangin, sumasakit lang lalo ang ulo nya.. Pumasok sya sa c.r. maglilinis muna sya ng katawan. Nagulat sya dahil pag labas nya ng banyo, wala na ang mga kalat sa lapag, nalinis na agad ang kanyang kwarto, nakakabilib lang kasi wala man syang narinig na ingay o kaluskos habang nasa loob sya ng comfort room, kung magnanakaw pala iyon, eh di malayang naisagawa nito ang masamang balak.. Buti nalang si Clem lang yun, wala namang ibang magtitiyangang maglinis sa bahay nya kung hindi ito lang, syempre liban dati sa maid na hindi nya na pinapapunta ngayon, may kasama na sya sa bahay, at ayaw nya kung ano man ang iisipin nito. Matagal syang nakatayo sa human size mirror, nakatapis lang sya ng white towel, habang pinpunas ang basang buhok, he is deciding kung papasok pa ba sya ngayon, medyo inaatake naman sya ng katamaran. Nagbihis na lang muna sya ng pambahay, saka nya na lang iisipin, may oras pa naman sya, bubusugin nya muna yung kumakalam nyang tyan, kahapon pa sya di kumakain, puro alcohol lang yung laman ng sikmura nya... Tahimik pa rin ng lumabas sya ng room, binaling nya ang paningin sa living room, wala doon si Clem, wala rin sa kusina, wala naman kasing division yun, kaya madali nyang masilip kung nandun ito or wala, nag decide syang katukin ito kung nandito pa rin, pero matagal syang nakatayo sa harapan ng pintuan nito, hesitant parin kung kakatok o hindi. Ano nga naman pala ang sasabihin nya kapag pinagbuksan sya nito? As usual , sobrang taas na naman ng pride nya kaya ayaw nyang umamin sa mga simpleng bagay..kaya instead na kumatok, dinikit nya na lang yung tainga nya sa pinto, pinapakinggan nya kung may tunog syang marinig mula sa loob, pero kahit anong dikit ang gawin nya, walang masagap na sound ang tainga nya, in the end, nag desisyon na lang syang kumatok... Pero nakalimang katok na sya walang sumasagot, pinihit nya ang door knob bukas naman pala, ginala nyang muli ang mata, malinis sa sobrang linis nga nito, walang Clem na nakakalat.... He felt disappointed kanina lang naramdaman nya ang presence nito, pero ngayon wala na, lumabas na sya sa kwarto nito, papunta sa kitchen, kailangan nya na talagang lagyan ng laman ang kanyang tyan, nakita nyang may nakataklob sa mesa, inalis nya yun,at may nakahanda na ngang breakfast para sa kanya,, May note sa gilid, "Eat first before you start your day." Iyon lang walang anumang karugtong, mukha ba syang naghahanap ng ibang salita sa note? Naupo na sya sa mesa at nag umpisa ng kumain, masarap, gumaling na talaga si Clem sa pagluluto, hindi sya ganito kagana kumain kapag kaharap ito, sakto lang, pero ngayon, parang kaya nyang ubusin ang lahat ng hinanda nito para sa kanya.... Pero parang may mali, tinignan nya ang relo, alas nuebe ng umaga , alam nya na eleven  pa yung klase nito, pero bakit wala agad sa bahay? Minsan kasi naglilinis pa ito, kung anu-ano ang binubutingting,  basta maging abala lang, kahit paglalagay ng label sa mga condiments , ginagawa nito para lang maaliw, na lingid sa kanyang kaalaman , sikreto nyang pinapanood.. Naglasing ako kagabi at.... Pilit nyang inaalala ang mga nangyari kagabi, kilala nya ang sarili paglasing, masabi ang masabi, walang pakialam sa pakiramdam ng iba, ngayon sigurado sya na may nasabi sya na masasakit na salita kay Clem kung kaya maaga itong wala. He is very much sure and alam niya kung kanino nagrevolve ang kanyang ourburts, anniversary nga kasi nila ni Amanda dapat kahapon, pero ng dahil nga sa nangyari, nawala ang lahat ng pangarap nilang magkasintahan.... "s**t!" napamura sya at nbabitawan ang kutsara, narealize nya na rin kasi na birthday din ni Clem kahapon, tapos kung anu-ano pa ang pinagsasabi nya, ............................................................................ "Nakagat ka ba ng bampira sa kamay?" si Luke, kinuha nito ang kamay ni Clem at sinipat sipat, bakas kasi yung pagkagat nya dito kagabi, habang pinipigil ang iyak, hindi nya pa yun naramdamang masakit ng malasahan nya ang sarili nyang dugo, para tuloy syang bampira na ginawang pagkain ang sarili... Naiinis nyang kinuha ang kamay dito, buti na lang nakabili siya ng band aid kanina sa nadaanan nyang pharmacy, bakit naman kasi ang aga sumulpot ng atribida nyang kaibigan na ito? Alas nuebe palang ng umaga, eh parehas silang eleven pa ang klase nila. "Bakit ang aga mo yatang pumasok?" umayos na ito ng upo sa tapat nya, pero nandun pa rin ang nakakalokong ngiti,, "May practice kasi si PJ." "Ah, napakasupportive bestfriend mo naman," ngumuso lang ito, na lalong nag pacute sa boyish look nito "Sandali ganyan na ba ang uso sa mga nagbibirthday? Maga ang mata at may vampire bite? Sabihin mo nga ginapang ka ba ni Edward kagabi?" "Akala ko ba ayaw mo sa Twilight?" "Eh sya lang yung vampire na kilala ko eh," "Hindii mo ba alam yung Interview with the Vampire?" tanong ni Clem, Nagsmirk si Luke," Bakit ininterview mo ba si Edward kagabi? Anong pinag usapan nyo, sa kamay ka lang ba nagpakagat, o baka may kagat ka rin sa leeg, patingin nga?" Nang -aasar na sabi nito, dumukwang pa at bubusisiin talaga yung leeg nya. Pinandilatan nya ito at nilayo ang katawan habang ang mga kamay ay nakahawak sa leeg, tawa naman ng tawa si Luke sa sariling kalokohan, paborito talaga nitong pampalipas oras ang buskahin sya, "Tumigil ka nga!" giit nya dito "Grabe reaction mo, takot na takot ka, akala mo naman pag sasamantalahan kita? Kapal ng mukha mo!" sabi nito na tatawa tawa pa rin, buti nalang talaga, iilan lang yung nandoon at kung meron man may mga sariling mundo rin. " Anong gusto mong palabasin hindi ako attractive?" pikon nyang tanong dit.. Humupa naman ang tawa nito, pero bakas parin sa mata ang mischieviousness. "Alam mong hindi ganun ang ibig kong sabihin, attractive ka, sa katunayan, very attractive, nagkataon nga lang na hindi ako attracted sa iyo." Time naman ni Clem ang mapangiti,"Oo nga naman, bakit ka nga naman magkakagusto sa isang napakagandang katulad ko." di natuloy ang sasabihin ni Clem, dahil tinakpan na ni Luke ang bibig nya, agad- agad nakaupo ito sa tabi nya..hindi na rin nya tinanggal ang kamay nito, kasi alam nyang ito na ang kusang mag-aalis kapag na fefeel nito na quiet na sya.... They are now facing each other, inalis na nga ni Luke yung kamay nya sa bibig ni Clem, inihawak nya yun sa magkabilang pisngi nito at marahang pinisil... "Nasa langit na ba ako?" Kunot noo lang ang sinagot nya dito," Magtanong ka ng bakit, pick up line to," utos nito. "Kailan ka pa natuto sa mga pick up line na yan?" "Panira ka ng mood, mag bakit ka na lang kasi," suko na sya, iba rin talaga level ng kakulitan nito," "Sige  bakit?" "Kasi para akong nakakita ng anghel, na namamaga ang mata," "Joke ba iyon?" Tinaasan nya ito ng kilay, hindi na iimpress. "Oo, tawa na dali." "Akala ko ba pick up line? Bakit mukhang basura?" "Ikaw talaga, kainis ka tumawa ka na lang." "Hindi nga ako natatawa eh," pang-aasar niya pa rito. "Ganun pala ah," sinundot- sundot nito ang tagiliran nya, wala na syang choice kung hindi ang matawa, napaka- isip bata kasi ng lalaki na ito. "Ehem," kapwa sila napatigil, nakatayo sa tapat nila si PJ, pawisan na ito, nakajersey uniform, "kaya pala wala kang kontra na pumunta ng maaga dito sa school dahil magkikita kayo ni Claynn," pangaasar nito na sinagot lang ng kibit balikat ni Luke," Nadala mo ba?" "Opo boss " sagot ni Luke, may kasama pang saludo, tinuro nito ang paper bag na katabi ng bag nito, tuwang- tuwa na kinuha ito ni PJ, "Salamat pare , savior talaga kita, di ko na kailangan umuwi ng bahay, hassle kasi, may lakad kami ni Pauline." "Pauline?" tanong ni Clem "Oo , bago kong pinoporamahan, Tourism student," "Ah, matangkad," sagot ni Clem "Oo, pakilala ko sya sa'yo next time, sige bro, una na ako, bye Claynn," paalam nito bago tuluyang umalis, kapwa sila napatingin ni Clem dito.. "Kailan mo balak sabihin?" "Importante pa ba yun?" "Bestfriend mo sya, bestfriend ka nya, may karapatan syang malaman pati yung isang bagay," "Mas imposible yung isa, wala akong lakas ng loob." "Parehas tayo..." "Tama, kaya sa tingin ko nga bagay talaga tayo no?" napatingin si Clem ulit dito.. "Akala ko ba di mo ko type?" "Sinabi ko ba yun?" Clem just rolled her eyes, heto na naman sila, sa nakakalokong usapan. "Ewan ko sayo, tulungan mo na nga lang ikabit tong band aid." "Ang pangit naman ng band aid mo ang plain,  wala man lang bang design na bunny?" "Hindi ako mahilig sa bunny?" "Hello kitty?" "Hindi ako mahilig kay Hello Kitty," "Sinungaling, may panty ka nga na hello kitty ang design eh." patuloy na asar nito, Napatingin sya bigla dito, alam nyang namumula ang mukha nya."Paano mo nalaman yun!" ........................................................................................................................ Nadatnan ni Clem si Jett na nanonood ng football match sa living room,alas syete na sya nakauwi, may niresearch pa kasi siya sa library... Tumayo sya sa gilid nito. "Pasensya na late ako, nagpunta kasi ako ng library kaya ginabi ako nang uwi." hanggang alas kwatro lang kasi ang klase nya today. "Magbibihis lang ako tapos magluluto." Di nya ito narinig sumagot kaya nagtuloy na sya sa kwarto, fresh pa rin sa isip nya ang mga sinabi nito kagabi, kahit pa sabihin na dahil lasing lang ito, pero diba sabi nga, nakakapagsabi ng totoo ang isang tao kapag lasing sya, at yung mga bagay na sinabi nya kagabi, ay yun talaga ang laman ng puso nya. Buong araw nyang inaliw ang sarili, nakipagkulitan kay Luke, inoccupy ang utak sa mga lessons at research, pero in the end, alam nyang sa bahay na ito, kung nasaan ang taong pinagkakautangan nya ang bagsak nya, tapos babalik ang lahat na mga sinet aside nya... Pagkabihis dumiretso sya sa kusina, nag-isip ng kung anong pwedeng lutuin, maging sya nagugutom na rin, pasimple nyang sinilip yung basurahan sa gilid, konti lang ang laman nito, ibig sabihin kinain ni Jett yung hinanda nya rito kaninang umaga, hindi tinapon lang. Lihim syang napangiti, sa mga maliliit na bagay na aaprecitae nito, ewan basta ibang kasiyahan ang dulot nito sa kanya...addiction na nga yata... After thirty minutes tinawag na nya ito, agad naman itong sumunod at umupo sa pwesto at nagsimulang kumain, ganun din sya, pero maya- maya napatigil ito at nakatingin sa kanya, specifically sa band aid sa kanyang kamay, "Napano yan?" "Heto?Wala to, galos lang."sagot nya na iniwas ang kamay "Galos?" di pa ito nakuntento, tumayo ito, lumapit sa kanya, sapilitang hinila ang kanyang kamay, tinanggal nito ang band aid."Eh, mukhang kagat ito eh, anong hayop ang nakakagat sa'yo?" "Hayop?" ulit ni Clem, dahil ang tao ang pinakamataas na antas ng hayop, hayop nga ang nakakagat sa kanya, pero magmumukha naman siyang baliw kung sasabihin nya dito na sya mismo ang kumagat sa sarili nya... "Nakagat lang ako ng aso ng kaklase ko." "Aso?"" "Oo, na cute tan kasi ako kaya nilapitan ko, eh maselan pala yung aso kaya kinagat ako." "Diba ayaw mo naman sa mga aso?" Oo nga naman pala, alam nito na wala syang hilig sa aso, bakit pa kasi ito ang lumabas sa bibig nya."Wala bang rabies yung aso?" dugtong nito, "Wala, fully vaccinated."wala akong rabies, sabi nya sa sarili "Sigurado ka?" "Oo naman, Inaalagaan masyado yung aso." tumigil na ito sa pag iinterrogate at bumalik na sa pwesto, Nagpatuloy sa pagkain, pero patingin -tingin pa rin ito sa kanya...siya ngayon ang hindi mapakali, nag aalangan tuloy syang sumubo. Ito na rin ang nag volunteer na maghugas, magpahinga na lang daw sya. Ang totoo natutuwa sya sa pinapakita nito na pag aalala, kaya lang sa tuwing sumasagi sa isipan nya ang nangyaru  kagabi, hindi nya pa rin maitanggi ang kanyang sama ng loob, kahit na hindi naman tama na maghinanakit sya dito. Nag shower na lang muna sya para ma clear na rin ang kanyang utak,wish nya lang matanggal din yung mga alalahanin nya, nang matapos nakatapis syang lumabas ng banyo, muntik na nyang mabitiwan yung pagkakakabit nya sa nakatapis na towel nang makita nya si Jett na nakaupo sa kama, nakapantulog na ito, ganun ba sya katagal sa loob? "Akala ko dyan ka na matutulog sa loob?" sabi nito na nakatingin sa kanya, humalukipkip sya sa kanyang kinatatayuan, nakakatunaw kasi ang paraan ng pagtingin nito, sya na lang yung nag- iwas ng tingin, babalik ba sya sa loob ng banyo? Bakit kasi nandito ito ngayon? "Bakit? Masyado bang matagal?" tanong nya na iwas pa rin ang tingin, hindi naman siguro gagamit ito dahil may sariling c.r ang kwarto nito, "Magbibihis lang muna ako," sabi nya baka sakaling makaramdam ito na nahihiya sya at umalis ... "Bakit ka pa mahihiya, nakita ko na naman yan.." sagot nito,oo nga naman, kung kanina namumula sya, ano pa kaya ang kulay ng mukha nya ngayon? Huminga sya nang malalim at pumunta sa closet, kumuha sya ng mga damit, at dali daling pumunta sa loob ng banyo para magbihis, pag labas nya nandun parin si Jett, nakaupo sa kama , gaya kanina, naupo sya sa bandang kanan, habang pinupunasan ang buhok, nakikiramdam kung ano ang gusto ng lalaking kasama. "Sorry kagabi," natigil sya, naalala nya ba ang bawat salita nya kagabi?"Birthday mo kahapon, pero hindi man tayo nakapagcelebrate," dugtong nito... Akala nya kung saan na ito nag sosorry, dun lang pala. "Ok lang," sagot nya, lumingon ito at may inabot sa kanya, ito yung nakikita nya na hawak nito kanina pa, "Para sayo, happy birthday," "Salamat," "Hindi mo ba bubuksan?" tanong nito, kaya naman binuksan nya na lang, isang necklace, na may star design, napangiti sya ng makita ito, gusto man nyang tanggihan, kaya lang alam nyang hindi iyon magugustuhan ni Jett... "Salamat," sinara nya ulit "Hindi mo ba isusuot?" tanong nito, hindi sya nakasagot, kaya tumayo ito at naupo sa tabi nya, binuksan nito ang box at kinuha ang necklace, para naman syang di makapaniwala sa kinikilos nito, hinawi nito ang buhok nya at ito ang nagkabit, hinayaan nya na lang, kinakabahan sya dahil napakalapit nila sa isa't isa, "Bagay na bagay sayo," sabi nito at napangiti, pangarap nyang makita muli ang mga ngiti nito, sinuklian nya rin ng malawak na ngiti at muling pasasalamat, ang kamay nito na kanina nakahawak sa kwintas ngayon naglalandas na sa kanyang mukha , humahaplos. Napalunok sya bago naglakas ng loob na magtanong dito, "Gusto mo ba?" Tumigil ito sa paghaplos, pero yung kamay nasa pisngi parin nya, tumitig si Jett sa kanyang mga mata,, "Papayag ka ba?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD