Nang mahimasmasan si Jett ay muli siyang, bumalik sa mansion, wala syang choice, kung hindi ang humingi ng tulong sa kanyang lolo, isa pa hindi pa sila nakakapag- usap kagaya ng utos nito, isa- isa nyang kinokonekta ang mga bagay- bagay.
Later on, malalaman nya ang totoo, basta , isa lang ang gusto nyang mangyari ang matagpuan kung nasaan mang sulok si Amanda.
.........................
"Nasa study room po," iyon na ang sinagot ni Mr. Cruz, pagkakita sa kanya.
Agad na itong dumistansya.
Iniiwasan din ang kanyang galit.
"You wanted to see me." Bungad sa kanya ng abuelo pagkapasok, tumingala ang lolo nya, tinabi ang mga documents na binabasa.
Tinignan lang sya nito.
"Lolo, don't stare at me like that." huminga muna sya ng malalim, bago naglakas ng loob magtanong. "Kagagawan mo ba iyon, kung bakit sya nawawala?"
"Sinong nawawala?" Patay malisyang tanong nito..
"Alam nyo kung sino ang tinutukoy ko." Diin nyang sagot dito habang nakakuyom ang kamao sa bawat tagiliran.
"Your teacher lover?" Saka tumawa nang mapakla," Simple lang naman, certain amount lang naman ang katapat ng mga maruming babaeng katulad nya as I expected kung bakit sya pilit na dumidikit sa iyo."
Naiinis si Jett sa sinasabi nito tungkol kay Amanda.
Hindi ganun si Amanda!
Hindi sya marumi!
"She's not like that!" Hindi na niya mapigilang humiyaw para ipagtanggol ang babaeng mahal.
"Talaga? Ginagamit ka na ng harapan, pinagtatanggol mo pa rin that she's not like that, manang- mana ka talaga sa iyong pinagmanahan."
Mas tumindi ang galit nya dahil sinasama na naman nito ang kanyang parents.
"We love each other and wala akong pakealam kung bilhin ko pa ang lahat at ibigay sa kanya!" ganti nya dito.
Ito ang syang naging mitsa para kumawala ang galit ng kanyang lola. He stand up up slammed the table and said,"Sabihin mo sa akin yan, kapag ang perang ginagastos mo ay galing na sa sarili mong bulsa! Wala kang utang na loob!"
"At ikaw wala kang puso, lahat ng tao sa paligid mo sinusukat mo sa pera!" Muli niyang ganti sa galit nito, totoo naman, nasa kanila ang lahat, pero ang puso ng kanyang lolo parang bata, wala itong iniisip kung hindi ang negosyo at pera.
Pumasok ang kanang kamay ng lolo nya, nag alala nang marinig silang nagsisigawan.
"Please calm down youngmaster , baka po anong mangyari sa lolo mo," pakiusap nito sa kanya.
"I don't care, mas mabuti pa nga yon," wala sa loob nyang sagot.
"Wala ka talagang utang na loob!" dumadagundong ang boses nito sa kwarto, parang kidlat , galit na galit.
"I will find her no matter what and you can't stop me!"
"Do whatever you want! " he turn his back on him, pero bago pa sya makaalis nagsalita ulit ito.
"And before that, pakisabi ang aking thank you kay Clayanne." lumingon sya nang marinig ang name ni Clem mula sa bibig ng kanyang lolo. Anong ginawa ni Clem para pasalamatan sya ng kanyang lolo at siya pa ang magpapaabot?
"Si Clem? Why?"
"Yes, she told me about Amanda Barrameda, ang babaeng magaling mong naitago, she needs money, then she told me that secret of yours, ganoon naman talaga ang mga tao, madaling mabili ng pera."
Hindi nya na pinakinggan ang mga sinasabi pa nito.
Di sya makapaniwala na si Clem pa ang nagsumbong sa kanila, tama si Amanda, tama sya about sa hula nito na kay Clem nanggaling ang impormasyon.
"Listen Aiden, once a girl is jealous she will do everything just to destroy that person, and right now, that someone that she is destroying is me, will you let that happen? Will you pick her over me?"
"Damn it Clem , I will not forgive you kung sakaling totoo man ang sinabi ni lolo."
..........................................................................................
Di na nagaksaya ng panahon si Jett, nadatnan nya sa apartment si Clem, paalis na sana papuntang hospital, tuloy tuloy syang pumasok sa loob ng bahay nito.
Di nya pansin ang nabiglang hitsura ng kaibigan, kaibigan pa nga rin ba?
"Totoo ba? Ikaw ang nagsumbong kay lolo!" tinulak nya si Clem sa pintuan.
Takot na takot ito at nagumpisa nang tumulo ang luha.
"That's it!"
"I'm sorry Jett, I have no choice, I tried too.."
"Tama na!" Sigaw nya, hindi na mahalagang marinig pa ang palusot nito," Ang sakit lang kasi bestfriend kita, bestfriend ko pa ang dumurog sa puso ko, ikaw pa!"
"I'm sorry talaga," mas lalo niyang diniinan ang hawak sa braso nito.
"Tandaan mo ito, di kita mapapatawad, hangga't hindi bumabalik sa akin si Amanda, hinding hindi kita mapapatawad, pag sisisihan mo ang oras na tinalikuran mo ang pagkakaibigan natin." Umiiyak na rin siya, tinulak nya si Clem hanggang sa mapaupo ito sa sahig bago dali daling umalis.
......................................................................