CLEM
"Nasa Mindanao na naman yung nguso mo," nagulat ako ng maupo si Luke sa aking tapat, ever since magkaroon kami ng misunderstanding ni Jett sya na yung laging nandyan.
Dumadamay sa akin,
Umiintindi,
Nakikinig.
Minsan nang-aasar....
But I am thankful that I have him in my life, because of him, natuto pa rin akong ngumiti, mahalin ang buhay at ipaalala sa akin na meron pang pag-asa and the world still loves me and my mother.
"Ikaw pala." sagot ko sa kanya, I tried to smile pero wala pa rin.
Ang sakit pa rin talagang pilitin, after our encounter in my house, I tried contacting him, but he always rejected my explanation.
Busy sya sa kahahanap kay Amanda, pero alam kong gumawa ng paraan ang kanyang lolo for him not find her.
Like what his grandfather did to me.
He used my weakness para magsabi ng totoo, he knows that I can't give up my mother.
Napakatuso nya, if only I had other resources then I will never betray Jett, kahit pa alam ko kung gaano kasama si Amanda para sa kanya.
Basta ang importante, masaya sya, and if Amanda really loves her, she will change for him.
"Cheer up, malalampasan mo rin ito." Luke holds my hand as he smile at me. "May dala akong meryenda alam kong di ka pa kumakain."
Parang si Jett din ito, mahilig akong ilibre.
"Salamat." Ayokong umiyak, kasi aasarin pa ako nito,hindi na rin ako tumanggi, binuklat ko na ang wrapper ng sandwich at binuksan ang milk na binili nya.
"Milk talaga?" I tried to joke, lagi nalang kasing milk ang binibili nya sa akin.
"Para pumuti ka lalo kagaya ng white lady!"
Hinampas ko nga,nilalait nya na naman yung kulay ko.
"Kung magsalita to, parang sya hindi maputi." parehas lang naman kaming labanos ang kulay, galing lang mang-asar.
"Oo nga eh, mukha nga tayong kambal."
"Gusto mo akong maging kambal?" tanong ko sa kanya, nakakatuwa siguro kung magkaroon ng kapatid, only child lang kasi ako.
Pati si Jett.
Siya na naman.
Sinasama ko na naman sya sa naiisip ko.
Tinignan ako ni Luke tapos parang napangiwi.
"Huwag na nga lang nagbago na yung isip ko." Bawi nito.
"Asar ka talaga!"
Binato ko sya ng ballpen na nasa mesa.
Tawa sya nang tawa, habang akoy nakairap.
Nasa ganun kaming eksena ng may lumapit.
"Nakakaselos naman, inagawan mo ako ng bestfriend." Sabay kaming napatingin sa kanan, Si Perry Joseph de Guzman o PJ, bestfriend ni Luke,nag pout pa ito, ang cute lang ng dalawang ito.
Alam kong nabigla si Luke , medyo na tense pa nga dahil biglang pagsulpot ni PJ.
Ganun talaga, kapag..
Basta ganun.
"Ikaw talaga , syempre, di ka ipagpapalit ni Luke ano, ikaw pa rin ang number one sa kanya."sagot kong ngingisingisi, nilakihan ako ng mata ni Luke.
Bahala ka dyan.
"Hindi , joke lang, syempre kapag nagkaroon na ng girlfriend si Luke bestfriend, okay lang maging pangalawa ako diba?"sinabayan pa nito ng tawa at naupo sa tabi ni Luke.
"Kaya pare," umakbay pa ito kay Luke saka tumingin muli sa akin.
"Kapag sinagot ka na ni Clem , dapat ako ang unang makakaalam ha?!" sinabayan nya pa ng nakakalokong ngiti..
Malisyoso.
Dahil sa sinabi nyang yun, sabay kaming napaubo ni Luke.
"Hoy pare, okay ka lang?"
"Hindi nya ako nililigawan no!" Ako na ang sumagot, napipi na si Luke dahil sa sinabi ni PJ.
"Ganoon ba?" sabay baling ulit ng tingin kay Luke." Bakit ang bagal mo pre?"
Natatawa na lang ako,
Alam ko kasi ang totoo,
"Tigilan mo nga ako!" buti naman at nakasagot na si Luko, ganun tawag ko sa kanya kapag nang aasar.
Na cucutan ako sa asaran nila, ganoon rin kami dati , nakakamiss lang.
"Sige ka babagal bagal ka." pang aasar nya saka ulit gumawi ng tingin sa akin," saka Clayanne wala na kayo ni Jett diba?"
Natahimik kami ni Luke pagkabanggit sa pangalan ni Jett, di nya nga pala niya alam ang real score between us and I thank Luke for that.
He kept his promise to kept that secret safe.
I was about to response another lie when we heared a coversation , dalawang babaeng malakas na nagkukwentuhan para iparinig talaga nila ang usapan sa amin.
She broke up with Jett because of Luke what a flirt.
Baka pinagsasabay nya yung magbestfriend na yan,, grabe sya na ang mahabang buhok.
Yes, mahaba ang buhok at malaki ang kiri,, I can't believe na she still manage you know act normal after what he had done to Jett.
"Why what happened to him?"
"Girl your so slow sa mga latest news, he is always absent, buti malakas connection nya, plus he is always spotted sa mga bar, drinking and flirting,"
"Oh,how sad, he's badly hurt,I hope I can take that pain away."
"No I will do it!"
"Why don't we both do it!"
Nagtawanan pa ang mga ito.
I controlled my tears, kahit I confront ko sila wala rin naman mangyayari, wala silang alam.
Isang tao lang ang nangangailangan ng explanation ko.
Si Jett lang wala ng iba.
"Sobra na kayo!" Luke stand up and pinagtanggol ako but I held his arm.
Ayoko ng gulo..
"Hayaan mo na sila please?" I begged him
"Luke she's right, di dapat pag aksayahan ni Clayanne ang mga ganyang tao, I know she have her reasons why they broke up, biro lang yung kanina ha?" si PJ, na tinatapik na nga sa balikat si Luke.
Muli na naman na refresh sa pakiramdam ko yung feeling ng may nagtatanggol.
But this time, hindi na si Jett ang gumagawa.
..........................................................................................
"Ang haba ng buntunghininga mo sis." si Zaida.. kasamahan ko sa trabaho, working student din, kaya lang sa ibang school sya pumapasok."Ano yan?"
"Bagong reseta ni mommy," I answered. I look at the prescripition again, binasa yung mga price sa gilid saka sinilid ulit sa bulsa ng uniform ko...
"Problema pambili?"
Nahihiya akong tumango
"Oo, eh, ang mahal ng bagong pain relievers nya, " nakwento ko na sa kanya na ang condition ni mommy.
Sa ngayon, nagiging madaldal na rin ako, natuto na akong makipag kaibigan sa iba.
I tried to broke the wall that I created.
Sa aminin ko kasi o hindi , I need the people around me, kailangan kong marelease ang frustrations at hirap ko.
I need someone to tell me that everything's okay although it is not.
"Gusto mo ba ng iba pang raket? Kung okay lang sa'yo?"
I look at her at nagkaroon ng pag asa.
"Okay sa akin, kahit ano, basta kumita." Sagot ko na desperado na talaga.
"Pero bago ka umuoo, gusto ko munang makita mo kung saan iyon.'
.....................................
At seven pm, sabay kaming nag out ni Zaida, raket nya daw yun minsan pag sobrang gipit na daw sya.
Malaki daw yung kita.
Kaya lang nakakapagod.
Ngayon daw they badly need a regular employee, and qualified na qualified daw ako.
Base sa kwento nya, I already had an idea, pero I want to see it for myself, hindi naman ako ipapahamak ni Zaida.
I trust her.
And I have no other choice.
We entered a club, mukhang ordinary lang sa labas but once we entered inside, we are welcomed by a loud music.
I never been in a club before, ni minsan di ako sinama ni Jett, di raw ako bagay sa ganitong lugar.
Ang daming tao sa loob, umiinom, sumasayaw, nagtatawanan at di nakalampas sa paningin ko ang mayroong kakaibang ginagawa.
Some are just kissing, some are doing more than that.
I touched Zaida's arm, mahirap na baka mawala ako dito.
"Ok ka lang ba? Gusto mo alis na tayo?"
"Hindi tuloy pa rin tayo."
We entered sa isang office, there stood a guy, not totally a guy, someone soft
"O, Zaida darling I missed you!"niyakap nito si Zaida
"Samuel, long time no see."
"Tse." sabay bitaw at hampas, imbes na umaray tumawa lang si Zaida.
"It's Samantha because gabi na." tapos tumingin sa akin nakatayo ako kasi sa likod ni Zaida.
Nervous.
He look at me, more of scrutinizing me from head to toe,
"Siya yung tinawag mo kanina?" Malandi nitong tanong habang pinipilantik ang mata.
I gulped, ano kayang sasabihin nya.
After a minute she clapped his hand at tuwang tuwa.
"I love her, she's more than gorgeous, but mukhang mayaman, sure ka bang gusto mong magtrabaho dito my dear?"
"I need money." Iyon ang aking motivation para tanggapin ang kapalaran na ito.
"Straightforward, well sino ba naman ang di nangangailangan ng pera diba? Hangal lang ang magsasabi na di nya kailangan ng pera para mabuhay,well excuse my word, sa mundo natin ngayon kailangan natin ng pera."
"You're right." Sang-ayon ko sa kanyang sinabi.
Ako na nabili ng pera, kailangan talaga ng pera.
Kailangan ko ng pera.
"Malaki ako magpasweldo, lalo na if your obedient and masipag and mas lalo pang dadami ang pera mo kapag naging best seller ka, sa ganda mong yan, hindi malabo," saka ito ngumiti ng nakakaloko.
Kumunot naman ang noo ko, I don't understand.
"Hey, she's not like that, di sya magpapaganun no!" sigaw ni Zaida dito.
"I'm confuse." Pag-amin ko.
"Well kailangan alam nya ang possibility, nasa kanya naman yun , basta ang importante, magampanan nyo ang trabaho nyo, kung ano mang magic gawin nyo outside this bar, kayo na ang bahala."
"Anong sabi nya?" I looked at Zaida.
"You're too innocent to be here," may pinindot sya at nahawi yung venetian blind na nakaharang sa glass sa labas, nakita naming mula dito sa second floor ang ginagawa ng mga tao sa labas, "this place is filled with maniacs, and people who throw their money as their way of enjoyment, handa ka bang pakiharapan sila?"
Am I really ready?
Maya -maya may pumasok na babae, naka white na sleeveless na fit, nakatuck in yun sa black na mini skirt, tapos na boots na black na hanggang tuhod, saka naka wig ng pink at make up na pink.
"That will be your costume as a waiter,
,well kaya mo bang isuot yan?"
Tinignan ko yung girl at inimagine ko ang sarili ko with that costume at nasa gitna ng crowed sa baba.
Kaya ko kaya?
I look at Zaida, parang nag sisisi that she brought me here.
Pero wala naman syang kasalanan.
It was my choice I agreed.
I'm scared, parang hindi ko to kaya.
Then I remembered ang gamot ni mommy na kailangan kong bilhin.
Before I realize it,
Nakatango na pala ako...
And Sam happily said that I can start now.
ORA MISMO!