CLEM
"Clayanne, saan ka nakakuha ng pambili ko ng mga gamot?" Alam kong hindi palalampasin ni mommy na tanungin ako , alam nya dahil kaunti lamang ang kinikita ko sa aking trabaho.
"Naibenta ko na po yung lupa natin na natitira, doon po ako kumuha." Pagsisinungaling ko, mas lumungkot ang histura ni mommy. I hugged her and tell her that everything is under my control. Ang alam nya lang pala pinautang kami ng lolo ni Jett, hindi nya alam ang consequence noon at ayaw kong sabihin dahil baka lalo syang mag-alala.
Pero ramdam kong nagtataka rin sya kung bakit di na dumadalaw si Jett, I always made an excuse that he was just busy.
Luke helps me, lagi syang pumupunta kay mommy, minsan kasama si PJ, kahit papano naaaliw si mommy sa kakwelahan ng dalawa na yun.
Magmula nang pumupunta ang magkaibigan, maraming nang nag-approach sa akin, mga nurse man o pasyente na ipakilala ko daw sila sa dalawa. Ang iba naman nang- uusisa kung boyfriend ko daw ba.
Natatawa na lang ako.
Under observation pa rin si mommy kaya pabalik balik sya sa hospital, and I decided na sa ospital na lang muna sya.
Mahirap na,
I am hiding my work from her, nag resign na ko sa restaurant.
Sa una mahirap ang unang linggo, nandoong makabasag ako, nahihiya ako sa suot ko, nahihiya rin akong may makilala sa akin, minsan napagpalit ko ang mga order ng customer, mapagalitan. Pero I am a fast learner, I always think positive, kailangan naming mabuhay ni mommy, kailangan ng pambili ng kanyang gamot at hindi makakatulong kung mahihiya ako.
Kaya kinain at iniwan ko sa bahay ang lahat ng hiya sa aking katawan.
Everytime nasa SYSTEM ako, yun yung pangalan ng baresto/club na pinapasukan ko, binago ko rin ang sarili ko, hindi naman ako ganun makikilala everytime sout ko yung wig na pink na hanggang shoulder ang haba, ibang iba ang itsura ko, tinuruan din nila ako mag make up ng tama, kung paano ang technique sakaling ayain kaming uminom, kunyari umiinom kami pero pasimple naming yung iluluwa.
Noong una naiyak ako ng biglang may humipo sa pwet ko, sobrang nagulat talaga ako, pero ngayon alam ko na kung paano umiwas at makipagsukatan ng tingin sa customer na hindi ako bayaran , I thank Jean, Pie, Ella and yung iba ko pang co workers, minsan , o madalas rather nila akong pinagtatanggol sa mga bastos.
Malaki nga ang kita ko, kaya lang sobrang pagod, pero kaya pa naman kahit paano may time pa naman akong mag -aral.
Bago ako pumunta kay mommy, kailangan ko munang maligo, mahirap na baka mapansin nya, tiyak na magtatanong yun and worst, naisin nya na lang ang mamatay imbes na magtuloy ako sa trabaho ko.
......................................................................................................
"Ano yan? Para sa akin ba yan?" usisa ni Luke.
"Kahit kailan talaga kabute ka no, lago ka na lang sumusulpot,"
"Ganyan talaga, pag gwapo," sabi nya na nag Mr. Pogi pa, natawa na lang ako.
"Seryoso ka ba talaga sa sinabi mo?"nag pout ang loko, napikon yata.
"Sinusubukan ko nga eh, pipaalala mo naman, ang sama mo talagang kaibigan."
may pagtampo pang nalalaman...
"Ito naman hindi na mabiro.."
"Ano nga yan?"
Tinuro nya yung regalo na hawak ko, tinago ko na rin sa bag, piang- ipunan ko rin yun, nag alalangan akong bilhin pero in the end binili ko pa rin. Hindi ko talaga say matiis, birthday ni Jett bukas, ang problema ko naman ngayon kung paano ko to ibibigay, at kung maibigay ko, gagamitin nya kaya? Or itatapon nya lang?
"Regalo ko kay Jett, birthday nya bukas eh."
"Ay sweet naman, ako sa April 20, regalo ko ha, kahit bakasyon,,,"
"ang kapal mo, aga mo mangontrata,"
Alam din pala ni Luke nag bago kong trabaho, noong una nagalit sya and tutulungan nya daw ako, pero galing na ako doon, sa lagi akong nakadepende, ngayon gusto ko naman gawin ang lahat ng paraan para mabuhay, gamit ang sarili kong lakas.
Hindi naman ako aabot sa magbenta ng katawan, kilala ko ang sarili ko.
"ang baho ng shampoo mo," pintas ni Luke inaamoy ang buhok ko..tinulak ko nga, kung anu- ano ang napagdidiskitahan..
"kumpara naman sa amoy ng buhok mo,"
"ang bango kaya ng shampoo ko Sunsilk pink,"
"yuck ka talaga!"
"sinong yuck ha!" at pinagkikiliti nya na ako..
BLAG!
Natigil kami sa pagkakasatan ni Luke ng may padabog na nagbagsak ng libro sa mesa namin, dito kami nakatambay sa bench malapit sa cafeteria.
"Pwede ba kung maglalampungan kayo doon kayo sa malayo!"
Na miss ko ang boses nya kahit galit, ang tagal nya akong hindi kinausap, ngayon lang kahit galit pa.
Nakatitig lang ako sa kanyang mga mata, pumayat nga sya, malamang kahahanap at kaiisip kay Amanda,
Kung ako na lang sana,
"So..sorry," sagot kong kahit nauutal
"sorry, di namin alam na nakakaabala na pala kami," si Luke habang naka akbay sa akin. Alam kong gusto nya lang akong protektahan, he is worried na baka saktan ako ni Jett.
Pero tumawa si Jett, tawa na di umabot sa mata nya.
"Bilib talaga ako sayo no, now I really can tell that you're really a user, after sa akin, after mo nakuha at nasira ang buhay ko, ngayon sa kanya naman?"
Tahimik lang akong nakikinig sa panunumbat nya..
"okay, I am waiting, ano naman kaya ang gagawin mo sa kanya bago mo sya talikuran kagaya ng ginawa mo sa akin," tapos tumingin sya kay Luke," mag ingat ka sa babae na yan, ako nga na matagal na syang kilala nagulat dahil hindi pala siya yung tao na akala ko, ikaw pa kaya na ngayon lang."
I cling into Luke arms, begging him na wag ng sumagot, magagalit lang si Jett lalo.
Nang makaalis na ito doon naman sumabog si Luke.
"baliw yung lalakeng yun, suntukin ka na yun eh, buti pinigilan mo ako,,"
"hayaan mo na sya,"
Marami pa syang sinabi, pero I'm glad dahil napakalma ko rin si Luke.
..................................................................................
"Kara, request ka sa VIP ROOM NO. 2," Tumango ako, Kara ang tawag sa akin dito. Si Samantha yung nagpangalan sa akin, bagay daw sa akin ang pangalan na iyon.
Wearing my precious smile , nagpunta ako sa VIP room, ang sabi may birthday celebration daw, kaya uulan ng drinks doon sa loob.
Pag tapat sa pintuan bigla akong kinabahan, parang may na sense akong di magandang mangyayari.
At nagkatotoo nga iyon once I opened the door,
There, I saw Jett, not only him, but lahat ng mga nasa basketball team, napapaligiran sila ng mga babae.
Naloko na.
Napitingin lang ako sa kanila, lalo na kay Jett, na nag- aapoy sa galit.
I saw how he looked at me from head to toe, and one thing is possible, I saw disgust written in his face.
"Pare I told you right, kamukha nya talag yung ex mo si Clayanne, pero her name is Kara sabi ng pinsan ko, noong minsan sinama nya ako rito."
Sabi noong isang team mate nya, di ko sya natandaaan na nagpunta rito dati.
Kalma lang Clem, hindi ka kailangan mabuko, paalala ko sa sarili.
Unless si Jett mismo ang magbuko sa akin.
"Gago ka talaga, paano naman, eh, napaka prim ang proper noon at laging tago ang katawan, although parehas talaga sila ng hubog," sabat ng isa.
"Mga gago, kayo, halatang halatang pinag nasaan nyo yung ex ni Jett, binubuhos nyo sa magandang waitress na ito," tapos lumapit yung lalake na yun at umakbay sa akin, dumila pa na akala mo dinidilaan ako.
Dapat nakaiwas na ako , pero natameme ako, dahil, nandito nga si Jett.
"Since hindi naman ako maka iskor kay ex, okay na ako dito kay Ms. Kara, tama total pasadong- pasado naman sya at ang bango pa," inamoy nya ang leeg, ko, doon ako natauhan at lumayo.
"Sorry but I am here to take your orders.."
"Wow pare, ayaw sayo baka ako gusto!" tumayo yung isa at palapit sa akin, habang may dalang alak, tawanan naman ang lahat pati yung mga babaeng kasama nila.
Wala kasi ako kasing ka close doon.
"LUMABAS KAYONG LAHAT!" napatigil ang lahat sa sigaw ni Jett...
"Pare birthday mo wag kang highblood," sagot noong isa....
"Ah alam ko na , gusto mong masolo tong kamukha ni ex, naiintindihan namin, sige labas muna kami. total sayo naman lahat ng ma coconsume namingtonight." sige pa ng isa.
"HAPPY BIRTHDAY PARE! SANA MAG ENJOY KA NG SOBRA!" malakas na bati ng mga ito,
Bago umalis ngumiti pa ang mga ito ng nakakaloko....
Pero parang mas lalong lumalala ang pakiramdam ko ngayong kami lang ni Jett ang naiwan.
Tinungga muna nito ang beer na ininom bago muling tumingin sa akin at nagsalita.
"Hindi mo ba ako babatiin ha Kara? I mean Clem? " tumayo ito at lumapit sa akin, muli akong tinignan mula ulo hanggang paa,
"Tignan mo nga naman ang hitsura mo, nakakahiya," nakakalokong sabi nito habang tinitignan siya mula ulo hanggang paa.
"Wala akong dapat ikahiya,," hindi ako iiyak.
Hindi dapat.
Kahit sobrang sakit.
"Eighteen ako ngayon, dapat kasal namin today, pero dahil sa'yo, hindi natupad yun, this is my worst day ever thanks to you," buong hinanakit nyang bulong sa akin.
Kailan kaya niya ako mapapatawad?