chapter 13

2615 Words
He's eighteen yes, pero hindi ba alam ni Jett na kailangan pa rin ng consent mula sa abuelo nito? Consent na hindi nito ibibigay kaya nga pinaghiwalay ang dalawa, o baka naman may iba itong balak na nasira ko agad. Siguro hati ang opinion ng lahat sa ginawa ko, anak lang naman ako, na ayaw mawalan ng ina, and that time that was the only way, I was hoping din  na kahit na anong gawin ko Jett will forgive me, I mean may pinag samanahan din naman kami, he's always with me. Alam niya kung gaano kaimportante sa akin si mommy. "You're selfish you know that," nakatayo pa rin sya sa harapan ko, inuusig ang aking kunsensya, wala na. Nagawa ko na, wala na rin, wala na rin naman sya, pero sana wag nya na ako gaanong sisihin. "Wala akong choice kung hindi sabihin sa lolo mo ang totoo, aminin ko man o hindi, malaki ang magagawa nya that time, hindi na ako nag isip pa," I said sincerely looking at his eyes, I'm also stuttering, bahala na, all I want is that he listen to me. Tumawa sya ng mapakla. Nakakapanibago, first time nya akong pakitunguhan ng ganito... Parang ang laki na talaga ng distansya namin sa isa't isa. Distansya na ako siyang may gawa, Sa mga pinapakita nya sa akin, mas lalong nadudurog ang puso ko, kaya ko pang tanggapin dati ang makita sila ni Amanda na naglalambingan at nagtatawanan, ayoko syang makita na ganito. Miserable, dahil doble noon ang naidudulot nitong sakit sa puso ko. Mahal ko sya, if only I can say that out loud. If only I am allowed to say it. "Right Clem hindi ka na nga nag isip pa, hindi mo na ako inisip pa. Hindi mo inisip kung ano ang kayang gawin ni lolo kay Amanda!" "I'm sorry," I said looking down, Ayokong umiyak. Ayokong laong maging mahina... "At alam mo ba ang lalong nakakagalit, ? Ipinagtanggol pa naman kita sa kanya, na hindi mo yun magagawa. You can't betray me, but you did!" "I'm sorry, I know I was wrong, if only I could turn back the time, hindi ko gagawin iyon." "hindi nga ba talaga?" Disbelief written in his eyes. Itinanong ko rin bigla sa sarili ko, hindi nga ba talaga? May part nga ba talaga sa puso ko ang gustong ibuko sila? Did I wish for them to separate? Umabot na ba ako sa ganoon ka selfish na estado? "Bakit hindi ka makapagsalita? Kasi totoo? Kasi you really want us to break up? Kasi ang totoo you really wanted me? Kasi ang totoo you wanted my money, kasi ang totoo ikaw ang talagang manggagamit at hindi si Amanda!" he shouted all those words. Shit ang sakit mapagbintangan! Mabilis ng nagsitulo ang aking mga luha, di na rin ako makapagsalita, I'm too stiff to even response di na rin nagfufunction ang utak ko. How could he said all those words na parang balewala lang ang pinagsamahan namin? Oo mahal ko talaga sya, mahal na mahal. Pero hindi sumagi sa isip ko ang minsan gamitin sya ,  kung ang panlilibre nya sa akin ang maituturing nyang ganun, hindi na sana ako nagpalibre. "Ikaw ba talaga yan ha Jett?" tumigil naman sya when I asked him that." kasi hindi na talaga kita kilala, you changed a lot because of her." Sandali syang hindi umimik. I wiped my tears, ayokong makita ni boss na umiyak ako, tiyak mapapagalitan ako noon. "Kung wala ka namang order, aalis na ako." I was about to turn around when he speak again, "Hindi lang naman ako ang nagbago, look at you." I face him again, iyon na naman ang tingin nya kanina. Nang uusig, Filled with disgust. "Ang dating mahinhin at  hindi makabasag pinggan sa sobrang tahimik, who would have thought na magtatrabaho sa ganito as waitress o malamang more than that, di na ako nagtataka, when you're in a place like this. Tignan mo talaga ang nagagawa ng pera no? Ganito ka ba talaga kadesperada na yumaman ulit? Kahit anong nakakahiyang bagay gagawin mo kapalit ng pera?" "Hndi ako bayarang babae kung iyan ang gusto mong palabasin." sagot,  nakainsulto na sya, dignidad ko na ang tinatapakan nya, pagkatao ko. Akala ko kilala niya ako, hindi pala talaga. Napakadali pala sa kanyang manghusga. "Pwede ba wag ka ng magsinungaling, after all tayo lang naman ang nandito unless nakavideo tayo nagyon at may nanonood sa atin? Sabihin mo nga ilang lalake na ang gumamit sayo, malaki ba ang binayad nila? Mas malaki ba kaysa sa mga  binibigay ko dati?" Doon na sumama ng sobra ang loob ko, lumapit ako at sinampal sya nang ubod lakas. Nagulat sya, nagulat rin ako  sa aking nagawa, nasapo ko ang aking kamay. "And marunong ka na rin palang manampal, way mo rin ba yan bago ka magpakama sa mga customer mo rito?" "Alam mo Jett, tumigil ka na! Okay lang na magalit ka sa akin, pero please naman wag mo naman tapak tapakan ang pagkatao. Alam mong hindi ako ganun, kailangan ko ang trabaho na tio  para kay mommy.  There's no only way, ayoko ng umasa sa iba. Ayoko ng umasa sa'yo para mabuhay  at hanggang kaya ko, gagawin ko ang lahat para makasurvive kami ni mommy!" Iyak ako nang iyak habang sinasabi ang mga salitang iyon sa kanya. Marahil ito na nga ang ending ng aming pagkakaibigan. "Ngayon kung wala ka ng kailangan aalis na ako!" without waiting for his answer, lumabas  na ako at nagpunta sa aming dressing room. Doon ako umiyak nang umiyak, binuhos ko ang lahat ng sama ng loob ko, nag- alala nga sila kung ano ang nangyari sa akin.... Pero wala akong pinagsabihan. I just want to cry for now, para eventually okay na ako. I search for my handkerchief, nakita ko sa bag ko yung regalo ko sana sa kanya, Sayang plano ko pa naman talaga syang batiin na happy birthday. "Girl bilisan mo ng ilabas ang mga tears mo, hinahanap ka ni Samantha, nabuburyot yun kasi marami ang nagrerequest sa'yo, nagtataka sya kung bakit di ka nya ma sight." "Ganoon ba," "sorry, ha na run out na kami ng alibi eh, dami kasi tao tonight, may guest kasi tayong may birthday and hinakot yata buong university ang dami nila eh, kaya ngaragan tayo, buti na lang marami sila mag tip" sabi ulit ni Pie. Si Jett na nga yon wala ng duda. "Sige lalabas na ako, last na iyak na lang,"biro ko pa sa kanya, ngumiti naman sya, maya -maya pa inayos ko na ang sarili ko, ang wig na pink na tinanggal ko muna kanina ay inayos kong muli sa aking buhok. I washed may face first, tapos naglagay na ulit ng make up, tinakpan ko yung namamaga kong mata, kinapalan ko yung make up, pero presentable pa naman, Ako na ulit si Kara, outspoken , sexy , lovevable na si Kara. Goodbye muna kay Clayanne. .................................................................................... Pie was right when I came out jampack ang crowed, I took out my order book, nakigulo na rin ako sa kapwa waiters ko.... "Oh lumabas na rin yung inaabangan ko, kumpleto na ang gabi ko! " sabi ng isang guy, oo lagi ko syang nakikita dito, tapos ganun lagi ang sinasabi nya, nag cheer ang tatlong lalake na kasama nya sa table, may babae rin silang kasama. Ngiti lang ang sinukli ko sa kanila. "Sir can I take your orders?" "Pwede bang ikaw na lang, ang tagal na kitang gustong orderin eh," sabi noong isang maniac. "Gago ka pare uunahan mo pa ako, dapat di na talaga kita sinaman dito!" "Ulol! Eh naisama mo na ako eh, kaya lagi na ako dito pupunta " tapos nagtawanan na sila. Hay naku mga lalake talaga, mula ng magtrabaho ako dito ang dami ko nang nakita at nakilalang manyak. Pero ang totoo wala akong matandaan sa kanila, kahit ilang beses silang magpakilala di sila makilala ng utak ko, maaring matandaan sila ni Kara, si Kara na nageexist lang sa SYSTEM, pero never ni Clayanne... "Kara ba talaga yung pangalan mo?" tanong ng isang lalake naman, take note may akbay na syang babae nyan ha. Pero kinukulit pa rin ako, nasa ibang table na ako, table nga pala ng mga kaibigan ni Jett, kilala ko sa mukha yung iba, buti naman di ko na nakita si Jett, malamang nandoon sa VIP room, o sana umalis na sya. "yes," "kamukha mo talaga sya eh, sa kulay, sa dimple,crush ko kasi yun . kung di lang talaga gf ni pareng Jett yun malamang pinormahan ko na." sabi nitong nanghihinayang, may hitsura naman si kuya , o sige gwapo na nga, at mukhang mabait, hindi sya yung mga bastos sa room kanina, tahimik lang sya sa gilid na nakikitawa. "I'm sorry, nag iisa lang talaga ako sa mundo,," I answered, sakto lang , di nagpapaasa , di umaarte. "basta okay na ako sa imitation ni Clayanne, saka sexy naman talaga si Ms. Kara o, pwedeng- pwede, "nagulat ako ng may biglang umakbay sa akin, yung isang maniac kanina sa room. "grabe, pare sumisimple ka!" pang aasar ng mga kasama nya, hindi lang sya tumigil doon, lumaki ang mata ko ng maramdaman kung pinisil ng kamay nya ang pwet ko, sandali lang yun, tapos tumingin sa sa akin at kumindat. "Bayad ko ." Tapos may sinuot syang 1000 peso bill  sa bulsa ko. Nanliit ako sa sarili ko, may ilang beses na akong nabigyan ng tip sa pahawak hawak sa kamay at braso o hita, pero ito ang unang beses na may pumisil sa pwet ko. Gusto kong sumigaw pero hindi pwede. Kailangan ko pa rin tapusin ang naumpisahan ko na.... "Kara may nagrerequest sayo dun sa corner," Si Pie, save by the bell... Nag sigawan ng sayang ang mga loko, dahil aalis na ako sa table nila at si Pie na ang pumalit gusto pa nga nilang sugurin kung sino ang nagrequest sa akin, pero sabi ni Pie, important guest daw yun... Narinig ko pa kung paano ipagmayabang nung Joey ang pagpisil sa pwet ko, Nakakagigil lalo. Akala ko niligtas nya lang ako pero may naghihintay talaga pala sa akin sa gilid. Sana hindi na naman ito maniac, palapit na ako sa table noon ng biglang may humila sa aking braso. Nagpumiglas ako pero masyadong mahigpit ang kapit nya sa akin, madilim doon sa area na pinagdalhan nya sa akin marahas niya akong sinandal sa pader. Katapusan ko na ba? Pero ang pabango nang taong ito ay pamilyar sa akin. "Ngayon mo sabihin  sa akin na hindi marumi ang trabaho mo pagkatapos kung makita kung paano ka pinagkatuwaan ng mga barkada ko at kung paano ka nagpabayad pagkatapos ka nyang hipuan!" Si Jett nga, galit pa rin, kailan nya kaya ako kakausapin ng hindi sya galit? Pero galit na rin ako, masakit din ang pagkakatama ng likod ko, idagdag pa ang nangyari kanina sa vip room. "Ano naman ngayon? Aalis na ako, may nag hihintay sa akin," "At pupuntahan mo talaga yung isa pang maniac na lalake na nasa dulo, di ka na nahiya? Para mo na yung tatay, at magkano ang sisingilin mo sa kanya, pagkatapos mong makipaglandian ha?" "Wala ka ng pakealam, trabaho ko to, buhay ko to!" sagot ko sa kanya, para lang pakawalan nya ako. Pero mas lumapit sya sa akin, so close  that I already feel his breath... Amoy alak, mukhang marami na itong nainom, nalalasing din ako sa closeness na ito bakit ang bilis matunaw ng galit ko sa kanya ?Ganito ba talaga kapag special ang tao sa'yo? "Kapag dito ka hinawakan magkano ang  singil mo?" Bigla nyang hinapit ang beywang ko palapit sa kanya, nilayo ko ng konti ang aking mukha. Nakakailang. "Ano bang ginagawa mo?" "Pag hinimas ang legs mo, magkano?" saka nya hinimas ang legs ko, kinilabutan ako sa ginagawa nya, ang bilis ng pintig ng puso ko, alam ko rin na namumula na ang mukha ko, Pero mali ito, He smirked at me. "Magkano ang binigay ni Joey ng pinisil nya ang pwet mo?" Nang sinabi nya yun, ginaya nya rin ang ginawa ni Joey, nakita nya nga talaga. "Tumigil ka na!" suway ko, pero parang hindi pa ito tapos sa pagpapahirap nya sa akin. "Siguro mas mahal kung ito ang paglalaruan diba?" nanlaki ang mata ko ng walang pag alinlangan   hinawakan ng kaliwa nyang kamay ang aking dibdib.... Akala ko tapos na ako at nailabas ko na ang luha ko kanina, may natitira pa pala, nag aambang tumulo..... "Washboard lang ito dati, pero bigla yatang nagkalaman? Dahil marami na ba ang nakahawak? Tell me Clem, ilan na ba?" Isang malaking sampal, kanina pa ako sinasampal ng mga salita nya.. I had no idea that a devil is sleeping inside him, that because of my so called betrayal, I had awaken that devil, and now that devil continue to haunt me. To make me suffer. "Tama na," i begged. "Pero hindi pa ako tapos," he touched my chin," Kapag kiss magkano?" with that he presses his lips with mine. Ito ang aking first kiss, I never had imagine na it will happened this way, in this awkward situation and setting, pero one thing is sure pinangarap ko ito na paulit- ulit na gagawin ko with Jett. Sabi ko it will be special. It will be memorable, It will be the sweetest. Pero hindi   memorable dahil this kiss is a torture, And this kiss is his sweetest revenge... Tumigil sya, hindi ako gumanti kahit gusto ng puso ko na malunod na sa halik nya at magpadala sa kanyang malambot na labi. Alam ko naman kasi na pinaglalaruan nya ako, alam ko naman na iba yung iniisip nya. "Tss, walang thrill," he said when he parted his lips with mine,"so magkano lahat ang babayaran ko? " Inilabas nya ang kanyang wallet na punong puno ng cash and mga credit cards. Sinadya nya pang ipakita sa akin lahat, "Magkano nga babayaran kita. See I have a lots of money, money that you worked hard for," parang wala lang sa kanya kung ano ang ginawa nya sa akin , kanina, and worst babayaran nya ako tulad ng isang bayarang babae... "Hayaan mo na, total kaibigan naman kita, free na yun." Ewan ko kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob para sumagot. Marahil dala ng galit. Tama yun nga ang dahilan, "Now okay na ba? Pwede na ba akong umalis, kasi like you said my maniac na customer pang naghihintay ng serbisyo ko, kailangan ko pa syang landiin for me to earn more money." Si Kara na ang nagsasalita, she took over Clem's body, isang babaeng palaban na pinangarap kong maging ako.... Bago pa man ako tuluyang makaalis hinila nya ako muli at sinandal sa pader. Masakit pero pinilit kong hindi umaray, sinalubong ng galit ko ang nanlilisik nyang tingin... "Hindi ka aalis!" "Aalis ako dahil gusto ko!" "Ako lang ang pagsisilbihan mo! Di ka pupunta kanino mang gago sa lintik na bar na ito!" "Pwede ba tigilan na natin to. Kanina pa tayo nag aaway, oras ng trabaho ko ngayon kaya pabayaan mo ako!" "Magkano ba ang oras mo, bibilhin ko or should I say bibilhin kita!" Tumawa ako ng mapakla.. Shit na pera na yan, dinaig pa ang nasa langit. "Tutal nabili ka na rin ni lolo, bakit di mo hayaang bilhin din kita, oo nga't pera nya itong ginagamit ko sa ngayon, pero nakipag compromise na ako na ibabalik ko lahat ng winaldas ko sa kanya kasama na roon ang pagbibili ko sa pagkatao mo!" As if on cue, lumabas na naman ang mga luha ko.... Pero parang di naman talaga sya natinag, Bato na talaga yata sya..... "Sa tingin mo Jett, magkano nga ba talaga ako?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD