CHAPTER 6

2081 Words
"Why did you do that?" hindi ko makapaniwalang tanong. Binawi ko ang kamay ko mula sa kaniya nang nasa tabi na kami ng kotse niya. "I already told you my law." blanko niyang sabi. "But Marie, you didn't have to break that man's hand. You're so cruel." nakasimangot kong sabi. "It was just minor. Besides, I'm more than cruel. You're insulting me." bulong niya sa huli kaya hindi ko masyadong narinig. "Why are you here?" curious kong tanong. "It's a club. I came there for entertainment. What else?" sagot niya. "You tell." hamon ko. Nagkakalakas ng loob ako ngayong sagot-sagutin siya dahil siguro sa alak. Lasing na talaga ako. Nagbuntong-hininga siya. "Just get in the car." Itinulak niya ako papasok sa passenger seat. Nagkauntog-untog pa ako. "I brought my car." sabi ko. Siya na rin ang nag-seatbelt sa akin. I got a swift of her scent, sweet. "Don't mind it. You're drunk. You can't drive." sabi niya pagkaupo niya sa driver's seat. Kahit medyo hilo dahil sa alak at suntok kanina ay napagmasdan ko siya. She’s wearing black overall, black shirt, her black converse, and black wrist watch. Mas pumuti siya dahil sa kulay ng suot niya. She looks like a vampire but has rosy cheeks. "You're staring at me." naagaw ng boses niya ang attensyon ko. Tinignan ko siya sa mata, her bright captivating green eyes. "I said that so you can, Stop. Staring. At. Me." blanko at malamig niyang turan sa bawat salita. Nakakakilabot pero dahil lasing ako, "Where should I look? You’re the only one in the car with me." Nagsalubong ang kilay niya. Itinuro niya ang harap namin. "Outside, the car, things. Just not me." malamig at medyo inis niya nang sabi. Nagkibit-balikat na lang ako at hinalungkat ang compartment niya. May mga ibat-ibang gamit doon at may medical kit pa. Kinuha ko yun. Hindi niya naman ako pinigilan kaya siguro okay lang. Inabot ko sa kaniya 'yun. "Pagamot naman ng sugat ko." ngumuso ako pero napangiwi rin dahil at na kumirot ang sugat ko sa labi. "Do it yourself. You're an idiot to dance with every girl who asked you. You can decline them anyway." nakasimangot niyang sabi. "I was just being nice." Ako na lang ang gumamot sa sarili ko habang akaharap sa rearview mirror. "Nice people die in wars." seryoso niyang saad. Kinilabutan ako sa sinabi niya. "At least they'll go to heaven." pangangatwiran ko. "They lived short." "So, you're saying is that evil ones win wars?" Bumaling ako sa kaniya. "Yes." blanko niyang sagot. "In that case, evil people rot in hell." balewalang sabi ko. "Sure they will. Evil people rot in hell." ulit niya. ... "Ba't ‘di pa tayo umaalis?" tanong ko nang mag-i-isang oras na kami dito sa sasakyan niya sa parking lot ng club. Nakaidlip na nga ako eh. "You haven't said where you're staying." sagot niya habang busy sa pagtitipa sa phone niya. "Sa condo ko." sinabi ko ang full address at umalis na rin kami agad. Tahimik lang sa loob ng kotse. Nahimasmasan na ako dahil sa pag-idlip ko. Malinis ang kotse niya. Plain lang ang loob pero puro itim. Mula sa roof hanggang floor, all black. Ang mga upuan, leather at black rin. Walang kahit anong dekorasyon sa loob at tinted din ang mga bintana. Literal na itim lahat dahil kahit yung driver ay nakaitim din. Ako lang ata ang naiiba ang kulay dito, white printed shirt, denim pants and white shoes. "Anong meron sa black?" biglang tanong ko. Hindi ko naman siya inaasahang sasagutin ako kaya tumingin na lang ako sa labas. Marami pa ring mga sasakyan pero hindi na traffic. "Whatever you pair with it, it stands out." Surprisingly, she answered me. Napakunot ang noo ko sa sagot niya. Whatever you pair with it, it stands out? "Like how you stand out with black outfits?" tanong ko. "Something like that." sagot niya habang nakatotok pa rin sa kalsada ang tingin. "But, you don't have to wear black to stand out. You’re already attractive, kilala ka sa school at kapansin-pansin ang aura mo." hindi iniisip na sagot ko. "It's more than that. Don't think about it." sabi niya. Hindi na ako nagtanong at in-enjoy na lang ang katahimikan. Nakarating kami sa condominium building ko ng 2 ng madaling araw. "Ingat sa pagmamaneho." sabi ko habang pababa sa kotse niya. Pinagmasdan niya lang ako. Nginitian ko siya at naglakad na papasok sa condo. Nang nasa lobby na ako ay nilingon ko siya at nahuling papaalis pa lang ang kotse niya. She waited for me to get in first? Inalala ko ang mga nangyari nang nakahiga na ako sa malambot kong kama. Kung pa'no niya binasag ang kamay ng lalaki kanina, at ang paraan ng pagkausap niya sa lalaki doon sa club. Parang ibang Marie ang nasaksihan ko kanina. Ang ibang side ni Marie na kinatatakutan ng lahat sa school. Kaya naman pala takot sila sa kaniya. Her words: No sin, no violence. It's against the law, her law. Napaisip ako. Ano kayang kasalanan ang nagawa ng mga nabalian niya ng buto? Hindi lang iyon basta-basta aksidente. Hindi niya lang yun napagtripang balian ng buto. May malalim pa bang rason kung bakit niya ‘yun ginawa sa mga schoolmate namin? ... "How many people had broken bones because of Marie?" Nakipagkita ako sa dalawa kong kaibigan. Nandito kami sa isang cafe malapit sa condo ko. Nagkatinginan sina Luther at Isaac. "Nakipagkita ka sa amin dahil diyan? Hindi dahil miss mo na kami? Ang sama mo!" nagtatampong sabi ni Luther. Tumalikod pa talaga ito para hindi ako makita. "Something happened?" nag-aalalang tanong ni Isaac. Mabuti pa ‘to. "Kagabi kasi birthday ng kapatid ng isang classmate namin, invited ako. Sa isang club kami pumunta. Nagkainitan dahil sa misunderstanding." simula ko. "Kaya nakuha mo yan?" Turo ni Luther sa bibig ko. Tumango ako. "Buti nga sa'yo." umirap pa siya sa akin. "Nahuli ni Marie yung kamao ng lalaking sumuntok sa akin at binasag. As in basag. At binali niya pa ang braso. I almost cringe when I heard the cracking sound!" ‘di ko makapaniwalang kwento. Nanlaki naman ang mga mata ng dalawa. "Winasak?!" sigaw ni Luther. "Yes. Natakot nga 'yung mga tao doon. Parang ayaw ko ng makita ulit ang side niyang ‘yun, nakakatakot. Nagkabukol nga ako sa pagtulak niya sa akin sa kotse kagabi." maktol ko. Natahimik ang dalawa at napatitig sa akin. "Bakit?" nagtataka kong tanong. Dinuro ako ni Isaac. "Sabihin mo nga, may namamagitan na ba sa inyo ni Marie?" akusa niya. "Wala!" agad kong umiling. Natauhan din agad ako. Hindi naman ako ganito 'pag may nanunuksong sa akin ah. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi ko nang bigla itong uminit. Am I blushing?! Napatawa ang dalawa sa reaksyon ko. "Stop laughing!" mas uminit pa lalo ang mukha ko. Oh my goodness! "Okay, okay." Humupa na ang tawa nila. Kumalma naman ako ng kaunti. "But, I think it was the first time na nanakit siya na wala siyang kinalaman. That’s new." kumindat pa si Isaac sa akin. "Okay. Back to your first question, dalawa pa lang naman ang nagkamali. Ang una, natapunan siya ng inumin at yung recent ay yung napagkamalan siyang kaibigan." seryosong sabi ni Isaac. Nagtanong pa ako tungkol sa dalawa. Pareho lalaki yung nabalian. Ang una ay noong freshman year pa at ang recent ay noong junior. Nagsearch rin ako sa mga social media platforms pagkauwi ko sa condo. Binigyan ko talaga ito ng maraming oras at may natuklasan naman ako. Pareho silang sangkot sa isang fraternity. Hindi ko lang alam kung pa'no nasangkot dito si Marie. Naghanap ako sa mga news articles sa mga panahon na nagkabali-bali ang buto ng dalawang estudyante. Base sa nahanap ko ay may nangyaring trespassing sa isang warehouse ng isang malaking company. Community service lang ang parusa sa nag-trespass dahil minor pa lang. Nangyari yun 2 weeks before mabalian ng dalawang braso yung student. Yung pangalawa ay rape and murder case. Walang kongkretong ebidensiya at walang umaasikaso sa kaso kaya hindi naparusahan ng mabigat 'yung suspek. The body was found 3 days before mabalian ng buto yung lalaki. Yung nauna ay noong freshman at yung pangalawa ay noong junior year. Hindi ko alam ang koneksyon nito kay Marie. Baka nagkataon lang talaga yung mga nangyari at ang sinabi niya kagabi ay wala namang kinalaman sa mga nangyari noon. "Sir, susi niyo po." inabot sa akin ng guard ng condo ang susi ng kotse ko. Pa'no napunta 'to dito? Kukunin ko pa lang ito ngayon, ah. "Thank you. Sino nagdala?" inabot ko yung susi. "Babae po." sagot niya. Nagpaalam na ako at umalis. It must be Marie. Siya lang naman ang kasama kong umuwi kagabi. Pero pa'no niya nakuha ang susi ko? "Garrett, are you alright? You haven't touched your food." nag-aalalang tanong ni Mom. "I'm okay, Mom, just a little tired." sagot ko. "Mahirap ba ang internship ngayon?" tanong ni Dad. Tumango ako at uminom ng tubig bago galawin ang pagkain ko. "Madalas documents na i-s-sort out. Pero okay lang naman po. Kaya pa." nakangiti kong sagot. "Average lang 'yang mga ginagawa niyo kesa sa totoong nangyayari sa company. The Walters Company is known company even internationally. It would be an advantage to young people like you to have credentials from them." sabi ni Lolo. "Yes, 'Lo." "Galingan mo rin. That company is founded by late friends of ours. Kahit wala na sila ay maganda pa ring may magandang record ka sa company nila, apo." dagdag pa niya. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Kilala natin sila, 'Lo?" curious kong tanong. Pero mas nabigla ako dahil close pala sina lolo sa may-ari nito noon. Si Dad ang sumagot. "College buddies kami ni Maxwell Matthews at naging friends. And Dad and the former President and CEO Lukas became friends because of business. And your mom and Stella were besties." nakangiting sabi niya. "Cool." mangha kong sabi. Close pala ang pamilya namin sa may-ari ng The Walters Company. Pero anong nangyari? "Paanong wala na sila?" kunot-noong tanong. "They are dead." malungkot sa sagot ni Dad. "How?" "Pinatay silang lahat sa bahay nila mismo. Kahit ang nag-iisang taga-pagmana nila. Kaaway daw sa negosyo. Pero walang ebidensya para patunayan ang hinala ng mga pulis." kwento ni Dad. "Kung patay na silang lahat, sino ang namamahala ng company ngayon?" taka kong tanong. Base sa mga performance ng company nila, masagana at maayos ang pagpapatakbo nito. And early this year they were awarded as the Most Powerful and Successful Company in the World because of their outstanding performance. "Ang alam ko ay ang secretary ni Lukas ang namahala ng kompanya. Maganda naman ang performance ng kompaniya sa pamamahala nila. At sabi nga ng balita: they are The Most Outstanding Company in the Globe." nakangiting sabi ni Lolo. Mukhang close talaga sila noon. "Ang cute niyo ngang tignan noon ng batang Matthews. We thought you two will be a cute couple paglaki niyo." ngumiti ng malungkot sa akin si Mom. Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko ‘yun maalala pero nakakatuwa ang pag-kwe-kwento nila. "Kailan 'yun, Mom?" tanong ko. "Noong maliit ka pa, noong nandoon pa tayo sa England." That was 13 years ago. Baka siguro hindi ko maalala kasi wala naman talaga akong naaalala noong maliit pa ako. Hindi naman ako nagka-amnesia pero wala ako maalala. Ang mga naaalala ko lang noong maliit ako ay yung mga nasa 9 years old na ako. But why do I feel that she’s still alive and she’s just near?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD