CHAPTER 5

1422 Words
"Here are your desks. Just sort those documents and send them to me." sabi ng isang empleyado sa amin ni Beatrice. "Yes, sir." sabay naming sabi ni Beatrice. Umalis na siya. Umupo na rin kami. "Magsisimula na ang kalbaryo natin." natatawa niyang sabi. Natawa na rin ako. "Sinabi mo pa." Nagsimula na rin kami. Madali lang naman kasi may mga title ang bawat documents. Ang mahirap lang kasi marami pero kaya naman. Nilingon ko si Marie na nasa likuran ko. Madali niyang nagagawa ang pinapagawa sa kaniya. Mas gamay niya ang mga ganitong gawain kesa sa mga utos-utos. Parang sanay na sanay siya sa ginagawa. Sumasakit na yung likod ko. Pagkatapos kasi ng una ay may susunod agad. Tinignan ko ang wristwatch ko. Lagpas 12 na pala. Nilingon ko ang mga empleyado. Wala na sila sa desks nila, kahit yung ibang interns na kasama namin wala na rin. Ngayon ko lang nga naramdaman ang gutom nang ma-realize ko ang oras. Bakit kaya hindi sila nagsabi? O hindi ko napansin dahil sa mga ginagawa ko? If I’m engrossed with what I’m doing I barely notice what’s happening in my surrounding, kahit na tawagin o kalabitin nila ako ng paulit-ulit. Napansin kong nandito pa rin si Marie, busy siya sa pag-ta-type. Inilapit ko yung swivel chair ko sa kaniya. "Lunch na tayo. Nauna na silang mag-lunch." sabi ko sa kaniya. Hindi siya nagulat sa biglaan kong pagsulpot at patuloy lang sa pag-type. "I know." sagot niya. Pinagmasdan ko lang siya. "Bakit hindi ka pa nag-la-lunch?" "I was just waiting for..." bitin niyang sabi. Is she waiting for me? Biglang bumilis ang t***k ng puso ko and I don’t know why. Maybe the thought that she waited for m- "Done." sabi niya at tumatayo. Nilingon niya ako. "Let's go." Nauna na siyang maglakad. Done? Tinignan ko yung desk niya. Nakaayos na at may nakalagay na 'sent' sa desktop niya. So, she was referring to this? Unti-unting bumagal ng t***k ng puso ko at nawala yung excitement. Why am I even expecting? Ano bang nangyayari sa akin? Naagaw ang atensyon ko sa boses ni Marie. "Are you eating? Lunchtime's about to end." Agad naman akong ngumiti sa kaniya at humabol. "Coming." ... "Hey bro, what's your relationship with her?" tanong ng isa sa ka-intern ko. Nasa company restaurant kami, break time. Her? Who is he referring to? “Her…” may tinuro siya. Naintindihan ko naman agad. Nginitian ko siya. "We know each other." sagot ko. Hindi kami friends pero hindi rin kami strangers. So, I guess we just know each other. Hindi siya naniwala. "Kung kilala niyo lang ang isa't isa, bakit kinakausap ka niya? She only talks to her friends." Hindi ko rin alam kung bakit niya ako kinakausap. Dati naman ay balewala lang ako sa kaniya. I just smiled at him. This is not the first time na may nagtanong sa akin ng ganito. Sa loob ng halos mag-iisang buwan namin dito ay marami nang nagtanong sa akin ng ganiyan. Hindi ko naman sila masisi. Ako lang kasi ang kinakausap niya sa lahat ng interns dito. Kilala siya bilang aloof and snub. Noon ganun din siya sa akin pero hindi ko alam kung bakit kinakausap niya na ako ngayon. Minsan pa rin ay hindi niya ako pinapansin pero hindi niya naman ako pinapaalis sa table niya kapag kinukulit ko siya. Naging close na rin kami ni Beatrice. Siya ang palagi kong kasama at kausap. Siya kasi ang katabi ko sa desk kaya nakakakwentuhan ko. "Garrett, may party mamaya. Birthday ng ate ko. Pwede ka bang pumunta?" imbeta sa akin ni Beatrice. Friday ngayon at last day na namin sa department na ito. Nag-aayos ako ng mga gamit ko at papauwi na sana. "Oh, pwede naman. Sure, saan ba?" nakangiti kong sabi. Natuwa agad siya at napayakap sa akin. "Magiging masaya si ate nito. Crush ka nun eh." sabi niya pa. Napatawa na lang ako. ... Sa isang club ang birthday party ng ate ni Beatrice. Nag-ayos ako para papasukin at para na rin presentable. "Dumating ka!" masayang salubong sa akin ni Beatrice sa VIP area ng club. Yinakap niya ako. Tinapik ko naman ang likod niya. Nginitian ko siya. "I don't break my words." Binati ko ang ate niya. "Oh, my gad! It's really you! I thought my sister was just delusional!" di-makapaniwalang sabi ng ate ni Beatrice. "Ate!" saway sa kaniya ni Beatrice. "Thank you sa pagpunta. I'm Bea, by the way. Let me introduce you to my friends!" sabi ni Bea at hinila ako sa mga kaibigan nila. Okay naman ang party. Madali kong nakasundo yung mga kaibigan nila. "Garrett, do you and Beatrice have a thing?" biglang tanong ni Rick. Hinampas agad siya ni Beatrice. "Shut up, Rick." namumulang sayaw niya. "Oh, my gad, sister! I thought walang agawan ng crush?" hindi makapaniwalang tanong ni Bea kay Beatrice. Nanlaki naman ang mata ni Beatrice. Napatingin siya sa akin, mas lalong namula ang mukha niya kahit madilim. "Ate, h-hindi ko naman c-crush si G-Garrett, eh." kandautal niyang sabi. Napatawa ng malakas si Bea. "I was just teasing you, sis. Why are you stuttering? You really admire Garrett, huh?" panunukso niya kay Beatrice. "Stop it, ate, nakakahiya." Nagtago na si Beatrice sa likod ng ate niya. "It's okay. I don't mind." sabi ko kay Beatrice. Sumilip siya sa likod ng ate niya at nag-iwas agad siya ng tingin nang magtagpo ang mata namin. Natawa na lang ang kaibigan nila. Nakitawa na lang ako. Sanay naman ako sa ganitong panunukso kaya wala na itong epekto sa akin. Nakasanayan ko na simula ng naging teenager ako. Nagtagal pa kami sa VIP area at uminom. Naisipan nilang bumaba para sumayaw. Bumaba na rin ako dahil nababagot na rin ako sa taas. Puno na ang club. It's almost midnight. Marami agad ang nagyaya sa aking sumayaw. Isinayaw ko naman sila. Nang pangpito ko na atang babaeng naisasayaw ay may biglang sumuntok sa akin. Napatili yung mga nakakita. Nagmamadaling nilapitan ng babaeng kasayaw ko ang sumuntok sa akin. Nahilo at muntik pa akong matumba sa lakas ng suntok ng lalaki. Napahawak ako sa bibig ko, it’s bleeding. "Don't f-cking touch my girl!" sigaw ng lalaki. Umamba siyang susuntukin ako pero agad namang pinigilang ng babae. "Stop it! We're just dancing!" paliwanag ng babae habang pigil ang kasintahan nito. Humina ang music at lahat ay nanonood na sa amin. May papalapit na ring boncers para umawat. Inayos ko ang tayo ko. Nginitian ko ang lalaki para humingi sana ng pasensya na mukhang iba ang pagkakuha niya. Mas nagalit siya sa ngiti ko at sumugod agad sa akin. Iilag na sana ako pero may mga tao sa likod ko, hindi ko maiiwasan at kung iwasan ko man ay may ibang masasaktan. May biglang sumulpot sa harap ko. Naka all black siya. Sinalubong niya ang kamao ng lalaki gamit ang palad niya. Nagulat kami sa pagsulpot niya. Maging yung lalaki ay nanlaki ang mga mata. "No sin, no violence. It's against the law." malamig nitong sabi. Kinilabutan ako sa tono niya at mukhang natakot yung lalaki pero tinapangan niya ang mukha niya. "What law?" matapang na tanong ng lalaki. Ngumisi yung may hawak sa kamao ng lalaki. "My law." Pagkasabi niya nun ay hinawakan nito ng mahigpit ang kamay ng lalaki. Narinig namin ang pagkabasag ng buto niya sa kamay bago ang malakas na daing ng lalaki. Pinilipit nito ang braso ng lalaki at sinuntok ang siko niya. Napangiwi at medyo napaatras ako nang marinig ko ang pagkabali ng buto ng lalaki. Napadaing ng malakas ang lalaki sa sahig habang hawak ang bali niyang kamay at braso. Napasinghap ang mga nakakita. Ang babae naman ay napaupo sa tabi ng boyfriend niya sa takot na takot na napatitig sa gumawa nun sa kasintahan niya. Agad na napaurong ang mga nakapalibot sa amin. "Let's go." Hinila niya ako palabas ng club. Narinig ko pa ang tawag ni Beatrice sa akin pero hindi ko na pinansin. Nakatutok lang ang atensyon ko sa taong may hila sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD