"Labas tayo?" yaya ni Jane. "Habang hindi pa tayo busing lahat."
Nakatambay lang kami dito sa bench sa tabi ng field at ng malaking puno. Uwian na kaya maraming estudyanteng nakatambay rin.
"I like that. Saan tayo?" sang-ayon ni Laura.
Nagtaas ng kamay si Luther habang nakangisi. "I know a place."
Lahat kami napatingin sa kaniya. Napasimangot kaming dalawa ni Isaac.
"If it's your bar thingy, we're out." sabi ko agad.
Lumawak ang ngisi niya sa akin. "You'll enjoy this for sure."
...
"Is this what you f-cking call enjoy?" biglang sabi ni Marie habang pinagmamasdan ang nasa harap namin.
Lahat kami nagulat. Namutla agad si Luther sa reaksyon ni Marie.
Natahimik kami. Kahit hindi galit ang pagkasabi niya nakakatakot pa rin.
We’re in a park. 'Yun ang sinabi ni Luther na masaya. Okay lang naman sa amin yung park pero ewan ko kung bakit ganun ang reaksyon ni Marie.
Kahit hindi kami close ay naging feeling close na lang ako. Nilapitan ko siya at nginitian.
"Why? You can hear children's laughter so it's are enjoying here." I tried to explain.
Napabuntong-hininga naman si Luther pero tahimik pa rin sila.
"Here." Pinaupo ko siya. Nang hahawakan ko sya, agad siyang lumayo pero naupo rin. "Why don't you sit and observe first?"
Tinabihan ko siya sa bench. Pinabayaan na kami ng mga kaibigan namin at naglaro sa playground malapit lang dito.
Nakamasid lang siya sa mga tao sa harap namin habang ako ay nakatitig lang sa kaniya.
She seems new to this kind of environment. The look on her face says it all. A creased forehead and how she scans the place. I’m sure that she’s new to this. It’s like she has never seen this kind of place.
Nakatulala sa siya isang pamilya. Nakatitig lang tulad ng pagtitig niya sa akin. Pero may kakaiba sa titig niya.
Pinagmasdan ko siyang mabuti. Was that sadness and longing? Agad rin ding bumalik sa blangko ang titig niya.
And from that moment, alam kong may malalim na dahilan kung bakit siya ganiyan.
...
"Itaas mo naman ako. Parati ka na lang nasa taas ah?!" nakasimangot na sigaw ni Isaac kay Jane.
Natawa kami ng subukan niyang umangat. Pero hindi rin nagtagal sa taas dahil mas mabigat siya kaysa Jane.
They’re playing in the seesaw, with Paul and Laura on the seesaw beside it. While Luther’s playing alone on the swing.
"Tignan natin kung makakatawa ka pa." ngumisi si Isaac kay Jane.
Biglang umangat si Isaac at umupo bigla gamit yung mabigat niyang katawan. Napasigaw si Jane sa gulat. Natawa pa siya nang tumalbog si Jane mula sa kinauupuan niya.
Inulit-ulit niya pa yun. Natawa na lang kami sa reaksiyon nila. Wala talagang umawat at tinawanan lang namin.
"Ibaba ko ako!" paulit-ulit na sigaw ni Jane. Namumula na siya sa kasisisgaw pero at the same time maputla dahil sa takot.
"Nope. Ginusto mo yan!" Tumatawang sagot ni Isaac.
Napailing na lang kami sa kanila. Lalo na kay Isaac. Ngayon na lang siya ulit naging maingat at makulit, mukhang susunod na sa yapak ni Luther. But, I'm happy na hindi na niya pinipigilan ang sarili.
"Parang may pumapangalawa na sa pambu-bully kay Jane ngayong year ah." Narinig kong sabi ni Laura. Kausap niya si Paul.
"Kung sinasabi mong ako yung unang nambu-bully sa kaniya, hindi ko siya binubully. Pinagsasabihan ko lang." pangangatwiran ni Paul.
"Oo. Pinagsasabihan mo lang siya araw-araw. Nobody's perfect, Paul. We often do mistakes. Can you just ignore the small errors? Para hindi naman niya ma-feel na wala na siya nagagawang tama. Madalas na siyang nagsusumbong sa akin tungkol sa pagtatama mo."
Bumuntong-hininga si Paul at pinagmasdan ang nakukulitang sina Isaac at Jane.
"Okay."
Ganito pala sila mag-usap. Kaming tatlo kasi madalas lokohan lang lalo na kapag kasama si Luther.
Parang ang cool ng friendship nila. Isang parang tatay, may makulit, may ubod ng bait at understanding, at ewan ko doon sa isa. Parang pamilya lang. Ang ganda ng samahan nila.
Hindi naman sa ayaw ko sa samahan naming tatlo. But, they think more mature at mahahawaan ka na lang.
Nilingon ko si Marie. Ano kaya ang papel niya sa friendship nila?
...
"Good morning, Interns. We divided you into three groups. Each group would be assigned in different departments. One month in every department so you can all experience at least three different departments in the company." sabi ni Mr. Donovan Rivera. He’s the General Manager of the company.
He has a piercing green eyes and looks…kind. Yeah, kind and approachable. He has this aura that he’s easy to approach to with the warm smile on his face.
Binabanggit ng bawat manager ng tatlong department ang mga interns para sa month na 'to.
Kasama ko pa rin sina Marie at Beatrice. Good, I can see how Marie works.
Sa R&D department kami ngayon.
Si Sir Gin ang manager dito sa department na 'to, mukhang masungit.
"For today, just listen to your seniors and you'll be good. Expect difficulties. Alright, let’s begin." sabi niya bago umalis at nagpatuloy sa trabaho niya.
May lahi siya at halatang banyaga ang features ng mukha. And just like the GM, Mr. Rivera, he has green eyes too.
"Can you photo-copy this? And I need it arranged in 10 copies." biglang sabi ng isang babaeng employee sa akin.
Agad ko ring tinanggap. Buong maghapon ay ganun lang ang ginawa namin; mag-photo-copy, gumawa ng kape, organize ng mga papeles. Mas mahirap sa dating internship ko. Mas maraming ginagawa at sure akong mas dadami pa sa susunod na linggo. Magsisimula na ang kalbaryo namin dito sa malaking kompanyang ito.
Sa loob ng isang linggo ay walang pinagbago sa amin, utusan pa rin. Pero yung nakakabigla ay si Marie.
Sumusunod siya sa bawat pinapagawa sa kaniya at parang tutok siya lagi sa trabaho. Parang hindi sanay pero sinusubukan. Hindi naman kami napapagalitan kung may mga mali kami. Masyadong professional lahat ng empleyado. Bilib na talaga ako sa nagpapatakbo nito. The people behind this successful company can really handle this large and powerful company meticulously.
"Do you need help, Marie?" lapit ko sa kaniya.
Kanina pa siya sa fax machine at mukhang frustrated na siya. Ako lang ang lumalapit sa kaniya sa mga kapwa namin intern. They’re still scared of Marie. Not that I’m not scared anymore, it’s just that, she don’t fright me like the others feel.
"I don't know how this f-ck works." pagalit niyang bulong.
Bawala ang bad words dito. Mabuti na lang at mahina lang.
"Calm down. Here, let me help you."
Tinulungan ko siya kung paano yun. Nakuha niya rin agad, fast learner.
"Why don't you join us at lunch? It'll be fun." yaya ko sa kaniya nang lunch time na.
Nasa company restaurant kami ngayon. Yes, a restaurant in a company. Hindi siya canteen or cafeteria but a restaurant. It's a fine dining restaurant but there is no need to pay. The resto occupied the whole floor.
Hinila ko siya at dinala sa table nina Beatrice. Nang malapit na kami ay siya ang humila sa akin sa kabilang table. Nagulat na lang ako nang pwersahan niya akong pinaupo.
Nilingon ko si Beatrice na mag-isang nakaupo sa katabi naming table. Tinignan ko si Marie na tumawag ng waiter.
"Pwede naman tayong kumain na lang sa table ni Beatrice. Mag-isa lang siya doon. O kaya lumipat siya dito. Pwede naman siguro ‘yun?" nag-aalangan kong sabi.
Tatawagin ko na sana si Beatrice nang maramdaman kong may mabigat na kamay sa balikat ko.
"You dragged me here so take responsibility. I don't like being with strangers. Get that? Now, take your order." malamig na sabi ni Marie, salubong rin ang kilay niya pagkarating ng waiter.
I find her beautiful with that reaction. I mean, she looks more beautiful with emotions and reactions. Ito ang unang beses ko siyang nakitang mag-react kahit displeased. And I can’t hide the fact that her words didn’t make me shiver in fright. But, in pleasure. She sounds so sexy.
Take responsibility.
'Yung mabigat niyang kamay ay inalis niya na at inabot niya ang menu sa harap ko.
I unconsciously licked my bottom lip and focused my attention on the menu. But I can’t. I can’t help the grin in my face.
Una, hinayaan niya akong hilahin siya dito. Pangalawa, hinawakan niya ako. At huli, yung sinabi niya!
Hindi ko alam kung bakit pero, napangiti ako. That means I'm no stranger to her. That's a big achievement!
Kumain na lang kami. Pasulyap-sulyap ako kay Beatrice dahil baka mag-isa lang siyang kumakain. Mabuti naman at may kasama na siya.
"Yung sinabi mo kanina, totoo ba yun? I'm no longer a stranger to you?" nakangiti kong tanong.
Syempre, dapat klinaklaro 'yan.
"Ibig-sabihin ay friends na tayo?" I hopefully asked.
Kumunot ang noo niya at sumubo ng pagkain niya. Habang ngumunguya ay tinitigan niya ako.
"You're no longer stranger because you know my friends and you're friends with them. I only accept people if they are my friends' friend or I just want to." paliwanag niya.
"So, which from the two am I?" nalilito at curious kong tanong.
Alam ko naman ang sagot niya pero gusto ko pa ring marinig. Malinawan lang.
"What do you think?" nakangisi niyang balik-tanong.
She's smirking! She's freaking smirking! So d-mn hot!
Napailing ako sa naiisip.
"A friend of your friends." matabang sagot ko.
Napilitan lang kasi siyang kilalanin ako dahil kaibigan ako ng mga kaibigan niya.
"Alright, if that's what you think." Nagkibit-balikat lang siya at nagpatuloy na sa pagkain.