"Good morning!" masiglang bati ko kay Marie kinaumagahan.
As expected, ignored. But that won't ruin my good mood.
Good mood ako ngayon kasi may pabaon si Mom na sandwich. Favourite ko 'to eh. Actually, alam ko namang gumawa ng ganito pero ngayon kasi ay ipinaggawa ako ni Mom bago siya umalis papasok sa trabaho.
"Hello Garrett! Kamusta?! Okay ba ang UK?" tanong ng isang kaklase ko, si Beatrice. Naging kaklase ko na siya noon sa high school.
I smiled at her. "Okay naman. Pero mas maganda pa rin dito sa Pilipinas."
Totoo yun. Nag-enjoy ako sa London ng sobra pero hindi ipagpapalit ang Pilipinas, kahit hindi ako full Filipino.
Kaunti lang ang kilala ko doon, karamihan kaklase ko lang. At ang iba ay mga nagconfess na naging kaibigan ko.
She chuckled and playfully punched my arm.
"Ikaw talaga. Mas patriot ka pa kesa sa mga purong Filipino. Baka mapangasawa mo niyan Filipino rin." she joked.
May laman niyang joke. Sinabayan ko na lang siya sa pagtawa. "Perhaps." sakay ko sa kaniya.
Pigil siyang ngumiti sa mga kaibigan niyang kanina pa kinilig habang nanonood sa amin.
I sighed silently and shut my mouth.
Sometimes, I don't like my way of talking to girls.
I looked at my right and saw her staring at me. She was watching me. I smiled at her.
"I heard you're from UK too. Where do you live there?" I spoke to her. She looked at me first so I'll take the opportunity to talk to her.
But, she just answered me with a stare, if that was counted as an answer.
Before I could speak again, a professor entered the room. I smiled at her before facing in front. But, I could still feel her piercing stare on me.
I ignored it, hindi niya naman ako kakausapin.
Sa kalagitnaan ng kalse ay dapat maghanap ng partner para sa isang activity. Maraming lumapit sa akin na mga babae.
Pero nang pipili na ako ay nagsilayuan sila. Nagtataka kong pinagmasdan sila na bumalik sa kanilang upuan at naghanap ng ibang partner. Para silang aligaga katulad ng nangyari kahapon.
Napalingon ako kay Marie. She's busy reading the activity. Napakunot ang noo ko. Bakit kaya sila nagkaganun? Busy naman 'tong babaeng 'to.
Lahat sila may partner na at nasabi na sa prof namin. Nagpanick na ako. I don't have a partner yet. Ano ba kasi ang nangyari kanina?
"Mr. Walter and Ms. Rodriguez, kayo na lang ang walang partners kaya kayo na lang ang ipagpa-partner ko." biglang sabi ni Prof.
Napalingon ako kay Marie. Inaaral niya pa yung activity sheets habang yung ibang kaklase namin ay nagsisimula na.
"We need to go to the library to find some of the answers in here. It's due tomorrow." biglang sabi niya.
Wala pa namang sinasabi yung prof ah.
"Okay, class. Submit that tomorrow before our class starts. Dismiss." biglang sabi ng prof.
Kaya naman pala, paubos na yung oras kaya bukas na lang.
Nag-ayos na kami para sa susunod na klase. Nagsilabasan na yung mga kaklase ko. Hinintay ko talaga si Marie. Kinareer ko na ang pagsunod sa kaniya.
Palagi siyang last kung lumabas ng room, hindi nakikipagsiksikan sa pinto. Kahit last umalis hindi kami late. Ay, siya lang pala. She would arrive at the exact time while I would be seconds late after her.
Lunch break. Nagyaya si Marie na tapusin na yung activity namin pagkatapos kumain.
Nauna kaming kumain kesa sa dalawa kong kaibigan. Sila ang kasabay naming mag-lunch ngayon.
Pagpasok sa library dumiretso kami sa pinakadulong parte. Seems like she's often here. Sanay siya sa paliko-liko, I mean, shelves dito sa library.
Nahanap agad namin yung mga kailangan libro at pinagpatuloy na.
Tapos na kami sa activity pero mukhang hindi pa si Marie. She's doing something onher laptop.
Humilata na lang ako doon. Less than an hour pa bago magsimula ang next subject namin.
Napansin kong may inilabas na bottle si Marie, yung gatas niya. Akala ko bawal ang pagkain at beverages sa loob ng library.
Hinanap ko yung librarian. Malayo kami doon. Hindi niya kami makikita dahil maraming shelves na nakaharang sa part na 'to ng library. At yung mga estudyanteng napapadaan at nakakakita kay Marie ay hindi nila pinapansin yung bote niya.
Okay. Napabuntong-hininga ako.
"No drinks are allowed in here." I reminded her.
For the first time, she reacted to me. She looked at me but hindi niya ako pinakinggan.
"There's a rule here that there are no-" hindi ko na natapos yung sasabihin ko nang magsalita siya.
"You can eat your sandwich. Don't need to fret, I'll be responsible if she caught us." sabi niya habang nakatutok na sa laptop.
Nagulat ako kung bakit alam niyang may sandwich ako. Manghuhula ba siya para malaman niya ang laman ng bag ko? Multo na pinasok ang bag ko? O nababasa niya ang utak-
"You kept on glancing at your open bag with a drooling mouth." She really can read my mind!
Napailing siya sa reaksyon ko. "Just eat." sabi niya.
Sinunod ko na lang, gutom na rin kasi ako.
Busy pa rin siya sa laptop niya at painom-inom lang ng gatas niya. Kumuha ako ng isang sandwich sa bag ko at inilapag sa tabi ng bottle niya.
"Pang-bara." sabi ko. Hindi ko alam kung naintindihan niya yun dahil Tagalog at tsaka tinitigan niya lang yun.
"Malinis yan at masarap. Gawa ng mama ko." dagdag ko.
Narealize ko na nagtatagalog na pala ako. Uulitin ko pa sana in English ang mga sinabi ko nang makita kong sinusubo niya na yung sandwich.
Napangiti ako. At least kinain niya kahit walang than-
"Salamat."
...
Napaaga ang dating ko sa school. Inagahan ko talaga para tapusin yung iba pang school works.
Dumiretso ako sa library. I remembered our seat yesterday. Hinanap ko agad yun.
Sa dulong parte ng malawak na libabry ay nandoon ang table. Pero may nakaupo doon. Madilim pa naman sa parteng iyon dahil nakasara 'yung kurtina kaya bigla akong natakot.
Tatakbo na sana ako dahil sa takot pero nakilala ko yung nakaupo doon. It was Marie.
Nakapikit siya habang nakaupo at yung mga kamay ay nakatiklop sa harap niya.
Is she sleeping? Di makapaniwalang tanong ko. How can she sleep in that position?
Hinawi ko ng konti yung kurtina sa parte ng upuan ko para may ilaw ako habang gumagawa. Tahimik lang ang bawat galaw ko. Ayaw kong magising siya, para kasing mas nakakatakot pa 'yung gisingin ang halimaw kesa sa multuhin ka.
I'm done yet she's still sleeping. Pinagmasdan ko na lang siya.
Mula sa kunting liwanag sa bintana ay nakikita ko ang maputi at makinis niyang mukha at mga braso. Mas lalo pang tumingkad yung kutis niya sa crimson colored vest namin at ang puting undershirt nito.
She's really an eye-catcher. Her beauty is very noticeable. And with her aura, it makes her more attractive yet intimidating.
Tinignan ko yung wristwatch ko, 15 minutes before our class starts. Isinaklay ko na yung bag ko at dahan-dahang tumayo at lumapit sa kaniya.
Kakalabitin ko na sana siya nang biglang dumilat ang mga mata niya.
"Oh goodness!" napasigaw ako sa gulat. Mabuti at kaunti pa lang ang tao dito.
Tinignan ko siya habang menamasahe yung dibdib ko, bigla kasing sumakit. "You almost gave me a heart attack." exaggerated kong turan.
Biglang tumunog ang phone niya, instumental tone ng piano. Napatalon ako sa gulat, ulit.
Pinatay niya ang alram pero bakit mas nauna pa siya sa alarm niya? It's kinda... weird.
Nilagpasan niya ako at naglakad palayo. Hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin. Napabuntong-hininga na lang ako.
...
"Okay, class. There will be an internship. It will be three months internship at The Walters Company. It's the first time that The Walters Company will be hosying an internship and they picked the interns exclusively from our school." sabi ng isang prof.
"They wanted to celebrate their achievement by hosting an internship and picked our school. It's not mandatory but it's a huge opportunity." dagdag niya ng marinig ang bulungan.
Na-excite agad ang mga kaklase ko. Kahit naman ako.
It's the powerful The Walters Company! They are the biggest construction company in the world. It's really a huge opportunity. Kahit lahat naman kami dito ay may kaniya-kaniyang negosyo ang pamilya ay maganda pa ring magkaroon ng experience mula sa pinaka-successful and powerful company not only in the Philippines but in the globe.
Magpa-sign na yung mga gusto sumama. May mga schedule rin na ginawa para hindi sabay-sabay na mawawala ang mga students sa mga klase. Kasama ko si Beatrice at Marie sa unang batch sa internship.
"Excited na ako! Next week na tayo magsisimula!" Bakas nga ang excitemet sa mukha ni Beatrice.
"Oo nga." sabi ko na lang at nginitian siya.
What would happen in our three months internship in that company with Marie? Nai-excite ako dahil makakasama ko siya sa internship na 'to.
Hindi ko naman unang internship ito pero kinakabahan pa rin ako.
Binalingan ko si Marie na mukhang hindi naman excited.
"Seems like we're meant to be. Sabay pa tayo sa internship." masayang sabi ko sa kaniya.
I would love to know how she is in an environment like that. Would she be still impassive or could she handle the harsh words of the employees in there, especially ordering her around?
Hindi niya ako pinansin. Itenext ko na lang yung dalawa at si Laura na may internship kami sa The Walters Company and next week na yun. Sinabi ko ring kasama ko si Marie.
Yung dalawa kong kaibigang lalaki ay nireplyan ako ng good luck at may cross emoticons pa. Nang-aasar talaga. Yung kay Luther may pa-heart-heart pa. Kinareer talaga niyang crush ko si Marie.
Napailing na lang akong tinago yung phone ko.
Binalingan ko si Marie. Ewan ko kung crush ko talaga siya o hindi. But, I find her mysterious and interesting.
Sa wakas ay napatingin na din siya sa akin sa loob ng ilang araw kong pagtitig at pagsunod sa kaniya.
"I'm excited in our internship. I hope we can be good workmates." nakangiti kong sabi sa kaniya.
Pagkatapos kong magsalita ay binalik niya ang tingin niya sa harap.
Maidadagdag pa pala ito sa mga napapansin ko sa kaniya. Maliban sa mysterious at interesting, weird din siya na pwede na ring isabay sa mysterious kasi nakakapagtaka yung weirdness niya. Mahuhuli mo na lang siyang nakatitig sa'yo sa hindi mo inaasahang oras.
Madalas pala siya snub at aloof, parang wala namang arrogant na nakikita ko sa ugali niya. Ah, meron na pala. Noong una naming pagkikita.