"Hijo, matulog ka na. Aba! Halos araw-araw ka na lang puyat dahil sa kababantay sa mga apo ko. Sige na, matulog ka na at ako na ang bahala riyan," narinig niyang saad ng mommy niya kay Ivan. Mahigit isang buwan na ang triplets nila ni Ivan at habang lumalaki ang mga ito ay mas lalo itong nagiging kamukha ng lalaking mahal niya. Madalas naman ay tulog ang mga ito kaya hindi sila nahihirapan sa pag-aalaga. Ang hindi niya alam ay kung bakit nagpupuyat pa ang lalaking ko gayong hindi naman kailangan. Sadyang si Ivan lang ang nagpapahirap sa sarili nito dahil halos magdamag itong mulat kahit tulog na tulog naman ang mga anak nila. "Ma, ayos lang po ako. Hindi pa naman po ako gaanong inaantok at saka sanay po ako sa mga ganitong puyatan," tugon nito sa ina niya kahit pa nga halata naman na a

