Kauuwi lang ni Ivan galing sa opisina nang makarinig siya nang malakas na iyak galing sa itaas. Kaya naman agad niyang ibinaba ang attache case at patakbo siyang pumunta sa pinagmumulan ng tinig. Hindi kasi normal na iyak ang naririnig niya dahil parang nagwawala ang isa sa mga anak nila. "What's happening here, Baby?" tanong niya kay Shaira pagdating niya sa kuwarto ng mga anak nila. "Bakit umiiyak ang anak na–" Napahinto siya sa pagtatanong nang makita niyang umiiyak rin ang ina ng mga anak niya. "Hey! What's wrong? Why are you crying too? May nangyari ba?" "Because he didn't stop crying! Alam mo bang kanina ko pa siya pinapatahan? Hindi ko na alam kung ano ang gusto nitong anak mo, eh. Alam mo bang kung sino-sino na ang nagpapatahan dito sa panganay mo pero ayaw talagang tumigil,

