"Ate Yna, hindi pa ba tayo uuwi? Hindi mo ba alam na madilim na sa labas? Isa pa, baka hinahanap na ako ng mga bata at nang Kuya Ivan mo." Limang oras na kasi silang paikot-ikot dito sa mall kahit pa nga wala naman siyang gustong bilhin. Hindi naman kasi niya hilig ang mag-shopping ng kung ano-ano pero itong si Yna ay basta na lang siyang isinama kahit pa nga ayaw niyang sumama kanina. "Wala ka bang bibilhin, Monique? Pumili ka na ng damit na gusto mo riyan o kahit na ano. Huwag kang mag-alala dahil ako ang magbabayad sa lahat ng mapipili mo," sa halip ay sabi nito. "Kung ayaw mong bumili ng gamit para sa iyo, 'yong tatlo na lang ang pilian mo." Hindi na niya kailangan pang bilhan ang tatlo dahil si Ivan ay halos araw-araw na lang yatang ibinibili ang mga anak nila ng gamit. Ang toto

