Chapter 9

2003 Words
Dominique Raven Ellsworth's P.O.V While I was on my way to our building doon ko nakita sa hallway ng second building si Drew. What is he doing here? At naka white scrub suit pa ang loko. He smiled at me ng makita ako. Agad ko naman siyang tinaasan ng kilay. "What brought you here?" matalim kong tingin sa kanya. "Hey, why don't you just asks me kung okay lang ba ako," pag-iinarte nito. Hays... "As if I really want to see you here, huh? Tsk..." angil ko. "Tell me, why are you here?" ulit na tanong ko. "I knew it. You've transferred here. Tsk..." dagdag ko. "But it wasn't like what you're thinking," he uttered. "Oh shut up," I was annoyed. Bigla niya akong inakay diretso palabas ng school. "Where we're heading?" tanong ko. "We'll be having our lunch. So stop whining akala mong hahayaan kita na di makapag lunch," hays dumali na naman ang loko. Nagpatianod ako sa kanya hanggang sa makarating sa kabilang kalye kung san may mga stalls ng cafeteria. Agad kaming pumasok sa Tea House. "Ano ba pwede namang sa canteen tayo?" asik ko. Ngumisi na lamang ito. At ang mga kaninang estudyanteng busy sa pag-uusap ay nagbaling ng tingin sa amin. Si Drew na ang siyang pumunta sa counter at umorder. "Really, siya ang girlfriend ni Drewett Russell?" akala mong aatakihin sa puso ang babaeng nagchichismisan malapit sa Mesa nila. "I don't believe it. Baka nakabuntot kasi lagi iyan kay Drew, so maybe he has no choice but to have lunch with her. Huhu," mga baliw. Nang dumating si Drew bitbit ang mga order ay agad itong umupo sa harap ko. Inabot nito sa tabi ko ang bottle of water at kape. "Anong balak mo Drae? Malalaman at malalaman din nila ang totoo," makahulugang sabi ni Drew. "I don't have plans on this. Mas okay na ito," nasusuya kong sagot. "What? Alam mo ang mangyayari oras na magkaharap kayo sa maling paraan," ani nito. Idgaf! "If it meant that way then let it be. Tsk..." asik ko. "Drae," usal niya. "Let's not just talk about this," sabi ko. "Can I ask you?" ani ng babae. Halatang college student na ito. "You're already asking," he uttered. I knew from that statement that it has full of sarcasm. "Ahh... hmm... kasal na daw kayo?" halos mabilaukan ako sa narinig ko. Napakatanga naman ata ng mga estudyante dito? Kasal, seriously? At ang Drew enjoy na enjoy sa narinig. Nakatingi lang ito sa babae sabay baling sakin at pinisil pa ako sa pisngi, "we're happily married." "Mierda," asik ko. Napatango nalang ang babae at ngumiti pa ito kay Drew bago tuluyang umalis. Tsk... Nagpumilit pa si Drew na ihatid ako sa room at pumayag nalang ako. While we're in the middle of our way in the room, nakasalubong namin ang Art na iyon at mga kaibigan nito. At ang kumag pansin kong si Drew ang tinitingnan nito habang si Drew naman walang pakialam sa mga nakatingin sa kanya. Tsk... oo mas gwapo sa'yo si Drew! Makatitig?! Di kaya sadyang bakla ka? "Aww may girlfriend na pala eh," dinig kong sambit ni Jade sa mga kaibigan nito. "Eew baduy and weird ng girlfriend niya ha," dinig na dinig kong paggatong ni Bianca. Diretso lang ako sa lakad na parang walang nakikita't naririnig. Ginulo-gulo pa ni Drew ang buhok ko at ng malapit na kami sa room ay nagsalubong ang tingin namin ng kumag. Tsk... mukhang lutang lagi. "I'll go ahead. I'll pick you up at 6 sharp," Drew uttered. Naku talaga ito na naman siya eh. "You don't need to. Drew. Just go," agad kong sabi. Lumapit si Drew sa akin at doon bumulong sa aking tainga, "Why didn't you tell me na nandito din si Philip?" Hindi niya na ako hinayaan pang sumagot at ang mga kaklase namin na nasa corridor ay mukhang ngayon lang nakakita ng tao. "Wala manlang ka sweetan sa katawan ang weird na babaeng iyan," bulong nila Jade saka nagtawanan. Tsk... mga mukhang aso! After the class, the school supreme student council announced that the school would be having an orientation on Friday. Bakit naman kaya Friday diba? Pwede namang itaon nalang ng Monday. As Zoey and I arrived in the parking area Drew was already there. He was leaning against his car. Tsk... naghintay talaga. "Let's go?" agad akong nagtaas ng kilay. "Tsk... ayoko," angil ko. At anak naman ng... tiningnan ako ng matalim. Tsk... di ako nasisindak sa ganyan. "Sa ayaw o sa gusto mo sa akin ka sasabay. I'll put your bike in the trunk," singhal nito sakin. "Is that so? Oh well, still I'm not getting in your car," sarkastiko kong sagot. "Drae I think they would be here next week," he uttered. I had no choice but to go with him. Zoey, on the other hand drove her car away as soon as we bid goodbye. Kumain lang kami saglit sa labas then after that hinatid niya na ako pauwi. ••• Friday Pagdating ng school diretso agad ako ng locker room. Si Zoey naman kasi may pagsama pa kay Bryan sa kabilang building. Wala kaming klase hanggang 10 o'clock. As I was expecting, for sure iikot na naman ang oras sa sermon ng Dean sa school at paunlak para sa mga estudyante. Normal na naman iyon sa school. Nagkasabay pa kami ni Art papasok sa locker room. It was kinda weird na halos di manlang siya makatingin sa akin. HAHAHA. Hmm... baka nakokonsensya na sa mga katangahan. Oh, I should not care abt' it. Ang locker kasi namin is halos magkatabi. Napailing nalang ako sa malamya niyang kilos. Tsk... soft naman pag umaga. Gulat ako ng padabog niyang buksan ang locker niya dahilan para humampas sa pisngi ko. Napapikit nalang ako sa sakit. Ouch! Natuliro ako sa lakas ng impact non. Para akong maiiyak. Nasapo ko ang pisngi ko. Mabuti nalang di pa ulit ako nagpaayos ng salamin kundi baka sa mata ko pa iyon mabasag. "f**k. Hey... I didn't mean that," dinig kong usal nito. Ni hindi ako makalingon nakaharap pa din ako sa locker ko. Napapitlag ako sa biglang contact ng mga kamay nito sa mukha ko. Marahan nitong itinaas ang mukha ko. "I'm sorry. Lemme see, dalhin na kita sa clinic," dagdag pa nito. Agad akong nagtaas ng tingin. At biruin mo nga naman siya pa ang namutla. Baka ikaw ang madala sa clinic. "I'm fine though so don't bother," tsk... mukha siyang engot. Nawawalan na talaga ako ng gana. At sa pwesto naming iyon ay di ko namalayan ang mga estudyanteng pumasok sa locker room. "So the rumours are true. Kaya pala siya inaway ni Jessica," dinig kong sabi ng babae habang kausap ang mga kasama nito. Agad kong inalis ang mga kamay nito na prenteng hawak ang magkabilang pisngi ko. "Okay lang ako. Baka ikaw pa madala sa clinic," nginisian ko na lamang siya at agad sinara ang locker. Agad din akong umalis na parang walang narinig. Mamatay sila kakagawa ng kwento. Pagdating ko ng court ay agad din akong nakita nila Janus. Kumaway pa ito sakin. "Hi," bati ko. "Ay potek anong nangyari sa pisngi mo?" palirit nito. "Wala nabangga lang iyan sa pader," ani ko. Agad naman nag-usisa ang iba pa nitong kasama na sina Daizelle at Bryan. "Ang tanga naman ng pader di umilag," tawa nito. "I don't believe you. Kung sila mapapaniwala pwes ako Raven hindi," angil ni Zoey. Kahit kailan talaga si Zoey eh. "Tingnan mo nga kung gano ka pula iyang leche mong pisngi. Di nakakatuwa ha," sinipat pa ang mukha ko. "Kain tayo," kaswal kong sabi. "Libre mo?" biro ni Zoey. "Zoey pareho tayong estudyante kaya di pa kita maililibre," asik ko. "Tara, my treat," ani ni Tyrone. Di naman kami close niyan. He's actually a friend of Bryan. Pagpasok namin ng canteen ang halos occupied na ang mga tables. Kumaway sa amin si Roy at sumenyas na doon na maupo sa pwesto nila. "Okay lang ba sa iisang table tayo kasama nila?" tanong ni Bryan. If I were to decide ayoko ko eh kasi umiinit ulo ko pag naalala ko pa ang nangyari kanina. "Yeah sure," sagot ni Zoey. Hay naku alam kong dahil iyan doon kay James na hails ka close niya na. Sina Tyrone at Michael na ang umorder ng pagkain namin. Pagdating namin sa table nila James agad itong ngumiti sa akin at ganon din ang ginawa ko. Ngunit, ilang saglit lang napawi na din ang mga ngiti nito. "What... ahm happened to your face?" tanong nito. Kita ko ang pagtaas ng tingin ni Art. Naiilang itong tumingin sa akin saka agad din yumuko. "Ah wala," maikling sagot ko. "Wala... wala ka talagang makukuhang totoong sagot sa babae na iyan. Hintayin nalang natin pag nasa hospital na siya," inis nitong sabi. Napapano ba siya? Kung mag react akala mong alam ang nangyari kanina. "Zoey," usal ko. "Fine," at agad din nitong tigil. At ang kaharap ko ngayon sa mesa, pag din talagang binubwenas oh ang kumag! Mukhang basang sisiw. Mabilis na lumipas ang oras at saktong pagpatak ng 8 o'clock ay diretso na kami sa court para sa orientation. May mga upuan naman pero wala talaga akong balak na maupo. Ayokong maipit sa ganito kadaming estudyante. Habang nasa kalagitnaan kami ng usapan ay siya ding dating ni Drew. Well, wala naman siyang kasama. "Good morning, Drewett!" nakangiting bati ni Zoey. "Good morning, Zoey!" kaswal nitong bati. Agad namang inabot sakin ang bitbit niyang paper bag. "What's this?" kaswal kong tanong. "Eat that on your lunch," ani nito. "Tsk... I didn't tell you to cook for me," asik ko. "Potek ang sweet nila," bulong ni Janus kay Michael. "So, ikaw nga yung asawa niya?" tanong ni Janus kay Drew. I almost choked. San ba nila nakuha ang chismis na iyan? Ngumiti na lamang ito sa kanila bilang tugon. Ginulo nito ang buhok ko saka nagpaalam paalis. Nang mag-umpisa ng magsalita ang speaker ngayong araw at si Michael na school supreme student council ay nag-ingay na ang mga estudyante. Inasahan kong madaming highschool students pero lingid sa kaalaman ko na buong court ay occupied. Halos magsiksikan na sa kumpulan ng mga estudyante. Napapasinghap nalang ako. Hindi kaya ng katawan ko ang ganitong lugar. Nanlalamig ako sa di malamang dahilan. Ang kaninang pawis ay nag-umpisa ng maging malamig na butil. "Cr lang ako, Zoey" pagmamadali ko. Nagtatakang tumingin sa akin si Zoey ngaunit agad akong nag-iwas ng tingin. "Excuse me," marahan kong sabi. May mga nagtutulakan at nagkakantyawan dahilan na ma stucked ako sa kumpulan ng mga iyon sa likod. Pakiramdam ko'y wala na akong takas. Unti-unti silang lumalapit sa akin. Paano akong makakaligtas sa kanila? Nabundol ako sa isang katawan dahilan para bumalik ako sa ulirat. Halos di ko na maaninag ang pagtitig nito sa akin. "f**k! Mag-ingat ka nga," and from that I know it was a very familiar voice. Napakapit na ako kung kaninong braso. Halos habulin ko na ang hininga ko. Di ko kaya. Ayoko sa ganitong lugar. ••• Art Apollo's P.O.V "f**k! Mag-ingat ka nga," sigaw ko sa nabundol sa harap. Gulat akong napatingin dito ng magtaas ito ng tingin sa akin. Para siyang tangang nawawala at inaaninag ang mukha ng nasa harapan niya. Ano na namang katangahan niya ito? Para siyang siraulo na palinga-linga animo'y may tinatakasan. Ang kanina nitong namumulang pisngi ay halos mawalan na ng dugo sa putla. Napakapit ito sa braso ko at agad na nawalan ng malay. f**k! May problema na nga kami ni Jessica dagdag pa ito eh. Naputol ang speech ni lolo sa mga ingay at hirit ng mga estudyanteng nakapalibot sa amin. Agad akong kumilos at doon sinamahan nila Roy and James papuntang clinic. Pagpasok ng clinic at agad din kaming pinalabas ng nurse. Ilang minuto pa ang lumipas ng buksan nito ang pinto. "Nurse, what happened?" agad kong tanong. "Iho, hyperventilation ang caused kung bakit siya nawalan ng malay," paliwanag nito. "Ano po bang dahilan bakit inaatake ng hyperventilation?" agad kong tanong. Napaisip ako sa pag-uusisa kong iyon. Tsk... Maging sina Roy at James ay baling ang tingin sa akin at sa nurse. "Hindi kasi pare-pareho ang reasons. It may be anxiety, lack of oxygen, or panic attack, " dagdag nito. "I see," sagot ko. Agad din kaming iniwan ng nurse sa bed ni Dominique. Nagpaiwan na ako kina Roy and James sa clinic upang bantayan ang babae. Halos isang oras na kasi wala pa ding malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD