Chapter 10

1946 Words
Art Apollo's P.O.V Nasa malapit akong sofa sa higaan niya ng magising siya. Mukhang angel pag tulog. Tsk... "Anong ginagawa mo dito?" makatanong akala mong bahay niya ang clinic. Tsk... "Miss just to inform you nasa clinic ka," sarkastikong sagot ko. Diretso itong tumingin sakin. "Yeah, I know. I was just asking why are you here with me?" kaswal nitong tanong. Walang mabasang emosyon sa mukha nito. "Sa kamalas malasan kasi sa akin ka pa napakapit at ako ang kaharap mo ng mahimatay ka," inis kong sabi ngunit parang wala lang sa kanya ang insultong sinabi. Umawang saglit ang bibig nito at agad ding nagsalita, "Oh sorry 'bout that." Parang napakadali lang sa kanya ang mag apologize. Agad itong kumilos at tumayo. Nagpasalamat ito sa nurse at agad ding lumabas. Ako? Oo, naiwan sa loob habang pina process sa utak ko bawat kilos niya. Wait! Di manlang nag 'thank you' ang walang hiya. Patakbo ko siyang sinundan pabalik sa building namin. "Hoy saglit!" sigaw ko at agad din namang pumihit ito paharap sakin. "What?" asik nito. At nagtatapang na naman ha?! "Wala ka bang naalala?" tanong ko. "Wala. Bakit ba?" kalmado nitong tanong. "Really? Can't you just atleast thank me?" tanong ko. Ngumisi ito sakin at lumapit. Potekkk sobrang lapit ng mukha nito sakin. Para naman akong kakapusin sa hininga sa ginagawa niya. "How do you want me to reciprocate it then?" I gulped. Tumingin pa ito ng diretso sa mata ko. Agad akong napaiwas ng tingin dito. "Lu... lumayo ka nga sakin!" utal kong sabi. Agad din naman itong umatras. "Thank you!" bulong nito sa hangin. Napaka weird ng babaeng ito. "Art Apollo," malakas nitong bigkas. Para na akong tangang napangiti ng tuluyan niya na akong iwan malapit sa clinic. Pinakagusto ko ang bigkas na iyon sa pangalan ko. Tsk... ano bang sinasabi mo dyan Art?! "Pre kakaiba na talaga ang kahibangan mo," nagulat akong nasa harap ko na si Roy. Napasimangot ako sa sinabi nito. "Kanina ka pa nakangiti dyan, ah" ngisi nito sakin. s**t! "Shut up!" asik ko. "Jessica waited you there. Nag-reply ka ba sa messages niya?" tanong ni Roy at agad ko ding naalala halos isa't kalahating oras ako sa clinic kakahintay magising ang babaeng iyon. Nakalimutan ko na din pala na mag lunch. WTF! "Where is she? Wala ba tayong klase?" dali-daling tanong ko. "Nag dismissed ng maaga si Sir Philip," ani nito. Tsk... narinig ko pa lang pangalan ng prof na iyon naiinis na ako. "Roy can I borrow your phone? I need to text Jes," nag-aalala na ako. Ewan ko ba bigla na lamang akong kinabahan ng malapit na kami sa court. Agad din naman niyang inabot sakin ang phone niya ngunit bago ko pa ito maisend ay may mga aligagang estudyanteng nagkagulo papunta sa likod ng second building. Nakita ko din na nagmamadali si Bryan kasunod ng mga kaklase namin. "Wait! Anong nangyayari Michael?" agad nitong tanong bago pa makaalis si Michael. "May kaklase daw tayo kasama sa away ng ABM students," agad nitong sagot. Nang magsalubong ang mga mata namin ni Roy ay syang hudyat ng pagsunod namin sa likod ng second building. Pagdating namin ay palibot na mga estudyante doon sa kung sino mang nagkakagulo. "Excuse me! Awatin niyo di yung manonood lang kayo," sigaw ni Zoey na siyang nakapukaw ng pansin namin. Halatang iritado na ang boses nito. May hint na ako kung sino ang kasama sa gulo na ito. Si Dominique! Bago pa mahawi ni Roy ang mga nakikiusisa na estudyante ay narinig na namin ang boses ni Jessica. "Kung lalandi ka nalang siguraduhin mong hindi ko malalaman. Look at you! You're like a w***e," sigaw nito. Anong pinanggalingan ng selos ni Jes? Bakit ganon nalang lumalabas sa bibig niya? "May I know if he's you're boyfriend? Kung lumalandi ako baka di na humarap ang lalaking kinakainit ng ulo mo," kaswal nitong tanong. Parang ako ang tinamaan sa tanong niya na iyon. It's been six months pero wala pa ring kami. "Ang kapal ng mukha mo! Do you think you could easily roam around and study? Welcome to hell 'cause you've already crossed the line!" nanggagalating sigaw ni Jessica.  Bago pa man kami makalapit ay malakas na sampal ang tumama sa mukha ng babae. Jessica? Ikaw pa ba iyan? "Do you know what scares you? You! You're scared of your own shadow because you can't even put label on whatever relationship you have with him. If you can't stand seeing him with another person then chain him. Mierda! Do you think I transferred here just to flirt around? Tama maganda ka nga, maganda lang! Gamitin mo din minsan yung utak mo," napamaang ako sa mga sinabi nito. Nagtangis ang bagang ni Jessica at agad itong sumampal na sinundan naman ng sabunot ni Ryssi at ng mga kasama nito. Doon na ako nag-atubiling makasingit sa away nila at agd na hinawakan si Jessica. "Jessica stop this, please," pag-aawat ko sa kanya. Sina Michael naman ang siyang umawat sa nakapalibot sa transferee. Halos mapatid na ang litid ni Zoey kakasigaw na huwag palibutan ang kaibigan nito. Bago pa man magpaawat sina Ryssi ay siyang dating ni Sir Philip at boyfriend nitong si Drew. Sina Bryan at Michael na ang siyang humila kina Ryssi. Hindi na ito nagpumiglas ng makita si Sir Philip at ang lalaking iyon. Napatulala pa ito doon bago tuluyang pulutin ang gamit niya. Bakit ba di manlang gumaganti ang mayabang na iyon? Samantalang sobra nangyari sa mata ko nung sinapok niya ako dati. "Let's go Drae," aya ng Drew na iyon sa kanya. Tumunghay lang ito. Ni hindi nagsasalita. Kita ko ang pamumula ng mukha nito dahil sa mga sampal ni Jessica at mga kalmot ng mga kaibigan nito. Ang halos bagsak na buhok nito ay kita ang pagkabuhol dala ng pagsabunot. Wala akong mabasang emosyon sa mukha nito. Di manlang ba siya nagalit? Nilampasan lang nito ang lalaki at si Sir Philip. Napakabagal ng bawat habang nito na para bang dama ko ang bigat na nararamdaman niya. What?! Ang kaninang galit na mukha ni Zoey ay nababakas ng pag-aalala. Unti-unting nag-alisan ang mga nakiusisa na estudyante kanina. Bago pa makagawa ng panibagong hakbang ang transferee ay siyang bagsak nito malapit sa puno. f**k! Agad namang tumakbo palapit ang lalaki dito at tiim bagang  na binuhat ito na parang bagong kasal. Ano bang nangyari? "Call the ambulance," utos ni Sir Philip sa isa sa mga kaklase namin. Kita ko ang pag-aalala sa mukha ni Sir. Maging si Roy ay napapakunot ang noo sa mga nangyari. Si Bryan ang siyang tumakbo papuntang clinic para sa ambulance. Nakita ko ang takot sa mukha nila Ryssi at Jessica. "f**k!" dinig kong ani ni Sir Philip ng makalapit ito doon sa lalaking may buhat kay Dominique. Ilang minuto pa dumating na ang ambulansya kasamang sajay si Bryan sa passenger seat. Nang mailagay sa stretcher ay agad na nilagyan ng oxygen at tinurukan ng swero. Halos umiyak na Zoey habang kausap si Drew. "Sumunod ka nalang, Zoey. I'll tell the guard na kasama ka namin. Okay?" tumango ito at agad na dinampot ang nalaglag na mp3 at earphone ng transferee. Ni hindi kami nito tiningnan kahit sina James. Sa katabing hospital ang diretso noon kaya pwede kaming pumunta nila Roy kung maisip nila. Ang hospital na iyon ay siyang property din ni lolo. Nang makalayo na ito sa paningin namin ay naglakad kami papunta sa court. Nagpaiwan na ako doon kasama si Jessica. "Tell me, Jes what happened," ani ko. Tumingin ito sakin na para bang babagsak na ang luha. "I've seen you earlier nung dinala mo siya sa clinic. I texted and tried calling you for damn sake but I didn't receive even one reply. You even forgot lunch na nagbabantay ka lang naman doon," ititado nitong boses. Ngayon ko lang nakitang nagselos si Jessica na wala namang dapat ikaselos. "Because I have to. Kaklase ko pa din naman siya. My phone was out of battery, Jes. Hindi ako nagpalipas ng lunch dahil important siya kundi kailangan at nurse mismo nagsabi na magpaiwan na muna ako," paliwanag ko. "Are you jealous? Tell me," dagdag ko. At umiling lang ito. "There's nothing to be jealous of, Jes. I assure you," at pinisil ko ang kamay nito. "Look, I'm sorry kasi I didn't inform you. Kasi kung halimbawang ikaw nasa position ko gagawin mo din naman iyon diba. Right?" paliwang ko. "No. Unless you agreed with it," napamaang nalang ako sa sagot nito. Ayoko ng lumaki pa ang away namin. "I'm sorry," usal ko habang hawak ang magkabilang kamay niya. "Okay," tanging sagot ni Jes. "Bati na tayo?" pangungulit ko. Tumango lang ito at agad ko naman siyang hinalikan sa kamay. Mabilis na lumipas ang oras at hanggang sa nag-uwian na kami. Maagang umalis si Jessica kasama ng kapatid niya. Habang naglalakad kami papuntang parking area ay siyang bukas naman ng usapan ni James. "Daan tayo saglit sa hospital?" ani ni James. "Pre baka malaman ni Jessica," agad kong sagot. Napakunot ang noo ni Roy sa sinabi ko. "And then what? Pag-aawayan niyo siya?" na siya namang kinalito ko ang tanong nito. "What I'm saying is di ka pa nga nakapag apologize after ng mga nangyari. Halos bugbog na siya ni Jessica and her friends. But, sorry James I know she's your cousin... pero alam mo naman na wala namang mali kung pupunta siya ng hospital. Right?" na para bang nakuha nito ang gusto kong sagot. "Of course. She's my cousin pero alam mo naman na di ako one sided," paliwanag nito. "Don't worry akong bahala sa'yo," James assured. Pagdating namin ng hospital ay naabutan namin si Sir Philip kasama si Zoey sa labas ng room nito. Agad naman itong nagtaas ng tingin sakin. "Bakit ka nandito?" pagtataray nito. Kahit kailan talaga para siyang bibig na tinubuan ng katawan. Napakaingay! "Tsk... pumunta kami para kay Dominique. Okay? Mangumusta lang po," sarkastiko kong sagot. "Tsk... gagaling ba siya sa pangangamusta mo?" sarkastiko nitong tanong. Sasagot pa sana ako ng pinangunahan na ni Sir Philip. "Just wait here. Drew is still inside," he then told. Ilang minuto pa ang lumipas bago lumabas doon ang Dree na tinutukoy nila. "She's awake and btw, huwag na muna kayong magkumpulan. Maiwan ko muna si Drae sa inyo, Doc. Philip" ani nito. Di ko na gets yung sa kumpulan. Para naman kasing isang grupo kami? Agad naman kaming sumunod kay Sir Philip and Zoey papasok.  Napansin ang mukha nito na halos puro kalmot. Tumingin ito ng diretso sa amin. "How are you?" tanong ni James. Kitang-kita ko ang palitan nila ng ngiti ni Roy. Takte marunong palang ngumiti?(ง'̀-'́)ง "Ayos lang naman ako. You know a lil' drama applies sometimes," saka ngumiti. Drama? Sagwa mag joke. Tsk... mayabang talaga. Mukha ngang lantang gulay. "That's good to hear," ani ni James. "Actually, we also went here kasi may sasabihin ito," sabay turo sakin habang nasa dulo ako ng sofa. Agad akong tinaasan ng kilay ng babae. "Huh? Ano namang sasabihin ko dyan?" tanong ko. Agad akong pinandilatan ni Roy at James. Seryoso ba sila ngayon ako mag sorry dyan? "Sige maiwan muna namin kayo," ani ni Zoey sabay senyas kina Roy habang si Sir Philip naman nakaupo pa din malapit sa higaan ng babae na iyon. Mukhang walang balak lumabas ah? At bakit parang gustong-gusto kong makausap ng solo ang mayabang na ito?  Asa siya! "Philip, could let us talk for a while," nanlaki ang mata ko sa nadinig ko. Di pwedeng mali lang ako ng rinig. Hindi niya talaga ito tinawag manlang ng 'Sir.' Maging si Roy ay di makapaniwala sa narinig. "What? Why are you looking at me like that?" kaswal nitong tanong sakin. "Hu-huh? A-ano... wa-wala naman," at nautal talaga ako habang diretso pa din ang tingin nito sakin. Nagtuloy na paglabas sila James habang kausap nito si Zoey. Seriously, ka close niya na ang maingay na iyon? Nang tumayo si Sir Philip ay pumunta muna ito sa kinauupuan ko at doon tinapik ako sa braso. Para san iyon? Ang weird ng mga ito!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD