Siyempre, ako parin ang nasunod sa date namin kahit nilibre niya ako. Mas gusto kong kumain sa karinderya kaysa sa mga restaurant na sinasabi niya.
Napakamahal at ang liit ng serve. Tatlong piraso ng shrimp ay nagkakahala na ng isang libo. Isang linggo ko ng allowance ko na ito.
Nakita ko si Manang Loida, naglalako ito ng mga kakanin. Hinila ko ang kamay ni Trev at lumapit kay Manang. “Manang!” tawag ko pa kaya't napalingon ito sa akin.
“Jey Kim! Ikaw ba iyan hija? Ibang-iba na ang hitsura at pananamit mo ah! Mas lalo kang gumanda,” wika nito nang tuluyan kaming nakalapit.
Kaniyang ibinaba ang nilalako niyang kakanin. Bumaling ang tingin ni Manang Loida kay Trev lalo na sa magkahawak naming kamay.
Agad ko itong binitawan. “Asawa mo?” dagdag nito. Napaismid si Trev sa tanong ni Manang.
“H-hindi ho, Manang. Boss ho siya!” pagsisinungaling ko pa.
Dakilang tsismosa pa naman siya sa distrito sais. “Talaga ba?”
Tumango-tango ako. Ayokong maging pulutan ng tsismis sa Distrito sais, dahil paniguradong ipagkakalat niya kung malaman niyang parausan ako ng lalaking kasama ko.
“Wala paring nagbago sa yo, Manang. Dakilang tsismosa ka parin pala.” Natatawang wika ko, kaya't napakamot ito ng ulo. Samantalang si Trev ay seryosong nakatingin sa mga paninda ni Manang. Para bang kaniya itong sinusuri.
---
Bumili ako sa kaniya ng bibingka at suman tig-isang daan. Hinila ko na ang kamay ni Trev, titig na titig si Manang sa kamay naming dalawa habang palayo kami sa kaniya.
Hays! Tsismosa talaga! Paniguradong makakarating sa mga kaibigan niyang tsismosa ang kaniyang nakita. Dumiretso kami sa tabing-dagat. “What are we doing here, Miss Kim?”
Kumuha ako ng isang suman at binalatan ito. At sabay na isinalpak sa kaniyang bibig. “What the!” ngumisi ako sa kaniya nang nakakaloko at umupo.
“What kind of food is this?” nakita kong niluwa niya ito, pinanlinsikan ko siya ng mata. Umandar na naman ang kaartehan sa katawan niya.
“Pulutin mo, sayang!” utos ko sa kaniya.
“Are you serious? Ipapakain mo sa akin iyong niluwa ko?” kunot-noong sagot nito sa akin, mas lalo ko siyang pinanliitan ng mata at aakmang tatayo ngunit mabilis kong nahawakan ang braso niya.
Tatakas pa siya. “At saan ka pupunta? Akala ko ba were dating? Bakit? Iiwan mo ko?” sunod-sunod kong tanong.
“Upo!” utos ko pa.
Kamot-ulo siyang bumalik sa pagkakaupo. “Try this one,” sabay abot ko sa kaniya ng bibingka.
Nakakatitig lamang siya. Tangina ang arte niya ha! “Kung ayaw mong kainin iyan, mas mabuting kalimutan mo na ako at umuwi kana sa inyo!”
Napilitan siyang kainin iyong bibingka na ibinigay ko sa kaniya. Ngunit kalaunan ay nagustuhan niya ang lasa nito. “You like it? Masarap diba? Wag na kasing maarte, Trev! Walang lason ito,” sambit ko pa
“Busog na ako,” wika niya pa.
Sa hindi kalayuan may nakita akong babae na nagtitinda ng preskong isda. Tumakbo na ako papalit rito. Nakasunod naman sa akin si Trev.
Napakapresko ng mga isda, kakakuha lamang nito. Iyong iilan ay buhay pa. Napatakip ng ilong si Trev, siniko ko siya. Kaya't umayos ito.
“Magkano po?”
“One fifty lang hija. Ilang kilo ang bibilhin mo?”
Balak kong itong gawing kinilaw. “Isa't kalahati lang po, Manang. Pati rin nito ay pabili ako ng dalawang kilo.” Turo ko sa galunggong.
Paborito ko kasi iyong galunggong.
PAGKATAPOS ay inabutan ko ng limang daan ang tindera medyo nanlaki ang mga mata nito nang sabihin kong sa kaniya na ang sukli.
“Nangangamoy isda kana,” rinig kong reklamo niya. Ngumisi ako ng nakakaloko.
Sabay kong hinaplos sa mukha niya ang isa kong kamay na ikinagulat niya. Sukang-suka siya sa amoy ng isda na kumapit sa kamay ko, tawang-tawa naman ako.
“Mabango diba?”
“What the fvck, Jey! It's so disgusting!”
“You want more?” nakangising tanong ko at agad itong dumistansya sa akin. Naunang naglakad sa akin.
Napapailing na lamang ako habang nakasunod kay Trev. Nang makarating kami sa kinaroroonan ng kotse niya ay nilagay ko ito sa compartment ng kotse niya.
Ngunit bago siya pumasok sa kaniyang kotse ay nagtungo muna ito sa botika. Pagbalik niya, may bitbit na siyang paperbag. Di ko alam kung ano ang laman..
Pumasok na ako sa loob ng kotse. May dinukot siya sa paperbag, isang alcohol halos ubusin na niya ang alcohol na nabili niya sa kaniyang kamay.
“grabe ha? Isda lang iyan,” naiinis kong wika sa kaniya ngunit hindi niya ako pinansin.
Halatang wala siya sa mood.
----
Walang ni-isa sa mga amin ang nagsalita. Nakatanaw lamang ako sa labas ng bintana.
At bigla akong nakaramdam ng antok. Kaya't marahan kong isinandal ang aking ulo at napapikit. PAGGISING ko ay nasa loob na ako ng kwarto ko at nakapambahay na ako.
Paniguradong siya ang nagpalit sa akin ng damit. Napabalikwas ako ng bangon nang may biglang nagsalita sa tabi ko.
Si Trev
Wala siyang anumang sout pang-itaas. Mariin akong napalunok ng laway. At napatitig sa hubad niyang katawan..sumilay ang nakakalokong ngiti nito sa labi niya.
“I love it,” turan niya pa.
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.